Category Archives: Mahal

Dear Secret YOU,


Dear Secret YOU,

I vividly remember the time the place and even your OOTD. Wearing white shirt and jeans. Wearing your beautiful smile and tantalizing eyes. Doon kita unang nasilayan at hanggang ngayon ay nakatatak na sa aking isipan.

I secretly fell in love to the person na hindi ko pa kilala. Iyon pala ang sinasabi nilang love at first sight. Sekreto kitang tinitignan at pinagmamasdan. Sekretong tumitibok ang puso ko sa isang tao na hindi ko pa lubusang kilala. Hindi ko alam kong nahuli mo akong nakatitig sa iyo. 

Natapos ang araw na hindi kita nakausap. Natapos ang araw na hindi kita nalapitan. Walang panghihinayang sa isang sandali na nasayang. Inaasahan ko ang susunod nating pagkikita pero sinigurado ko na hindi ko ipaparamdam na nahuli mo ang puso ko sa una nating pagtatagpo. Sabi nila mapagbiro daw ang tadhana dahil nakita kita ng hindi ko inaasahan. Gaya ng una nating pagkikita suot mo parin ang maganda mong ngiti at ang mata mong nagnining-ning. 

Hindi na tadhana ang gumawa ng paraan kundi ako na mismo ang s’yang nagutos sa kong anong tadhana ang pwedeng mangyari sa muli nating pagkikita. Tumibok na naman ang puso ko nang makatabi kita sa upuan patungo sa lugar kong saan ako masasaktan. Sa lugar na makikipaglaro ako sa aking tunay na nararamdaman. 

Inilapit ko ang sarili ko sayo kahit ang tadhana ay hindi sumang ayon dito. Inilapit ko ang sarili ko sa katulad mo at inilayo ko naman ang nararamdaman ko para sayo. Itinulak kita sa isang kaibigan na mayroong gusto sayo. Kahit nasasaktan ay itinago ko ang tibok ng puso ko para magparaya sa isang kaibigan na may pagtingin sayo. 

Nadudurog ang puso ko sa t’wing nasisilayan kita na nakangiti habang kausap sya. Pero magaling ang puso ko magbalat kayo sa isang damdamin na hindi ko dapat ipakita. Natapos ang araw at hindi na kita nakausap pa. 

Ilang beses pa kitang nakita at walang nagbago sa kong ano ang pagkakakilala ko sayo. Ganon parin ang tibok ng puso ko. Gaya ng dati ay tinulak ulit kita sa kanya para ilayo at ipag walang bahala ang nararamdaman ng aking puso. Tinawag kita sa pangalang mapapalapit ako sayo at tinawag mo ako sa pangalan kagaya ng pagtawag ko sayo. Wala kang alam sa kong ano ang nararamdaman ko sa t’wing naririnig ko ang tawagan natin na may nakatagong lambing. Maari sa iyo ay normal lang ito pero sa akin ito ay isang salitang inimbento ko para mapasaya ang sarili ko kahit alam ko naman ang totoo.

Hanggang sa ngayon ikaw parin ang unang tao na nakita ko sa unang pagkakataon na agad itinibok ng puso ko. Dumating ang araw na nakasama kita sa isang lugar na tayo lang dalawa. Walang pagnanasa kundi puro saya lang. Nakasama kita ng buong magdamag at sa pagkakataon na iyon ang puso konay tumibok sa kakaibang kalabog. Maaring hindi mo eto naramdaman ngunit ang napakasimpleng paraan upang iparamdam sayo ay ginawa ko. 

Ikaw na aking lihim na minamahal sana ay dumating ang araw na masabi mo sa akin na ako rin ay iyong mahal. Sa pag kagusto ko sayo na hindi ko alam kong papaano sana ay maramdaman mo na ang akap ko sa iyo ay akap ng taong nagmamahal ng totoo.

Nagmamahal,

Secret ME

Advertisements

Note to self: Two years ago


“It WILL be OK. You will learn to love again. You CAN do it on your own.. and you’ll do it better because you love yourself “

2 years ago, same date same month. (June 22 ) Nakilala ko sya nag usap kami sa biranda, dalawa lang kami habang nakatingala sa napakadilim nakalangitan. 2 years ago noong subukan ko muling magmahal. Maingay ang paligid noon at kanya kanyang kwento ang bawat naroroon. Pero noong gabi na iyon ay parang kami lang sa kanlungan ng mga bituin, bituin na nagkukumpulan sa paligid ng liwanag ng buwan. Iniabot nya ang tatlong pirasong makukulay na kendi. Iyong kendi na parang lolipop tuwing magpapasko. First gift after ng birthday ko. Tanda ko iyon kasi apat na araw lang ang nakakalipas. Hindi ko s’ya matitigan dahil sa nahihiya ako sa kanya.

2 years ago na pala nang maranasan kong magmahal at masaktan. Ngayon nagsisimula na naman ako sa parehong buwan at araw. Nagsisimula na namang pumintig ang matagal tagal  na namahingang puso ko. Magkaibang tao pero magkapareho ng estado at propesyon. Iniiwasan kong wag na muling magkagusto sa taong nasa paligid ko lang din pero hindi mo mapigilan kong ang tadhana ang maglapit sa iyo nito. Handa na ba akong magmahal at masaktan? Magmahal sa taong hindi ko alam kong may nararamdaman din ba. 

Pwede bang magmahal na pareho kayong nagbibigay ng sukli ng pagmamahal. Pwede bang magmahal ng hindi ka nasasaktan? 

Dear future, sana lang ay panghawakan mo ang mga takot ko sa nakaraan, sana tulungan mo akong magmahal muli sa pamamagitan ng pagmamahal mo. Tulungan mo akong hwag masaktan sa mga pangako na iyong bibitawan.

“Hold your head high and stop hurting. Don’t let them hurt you anymore. Don’t let them anger you or cause hate in your heart. Look forward not back. Forget the pain. Love again. 

Note to self: Magmahal ka na parang hindi ka nasaktan. Umibig ka na parang walang sakit ang nakaraan. Kalimutan ang nakaraan at akapin, tangapin at mahalin ang hinaharap. Mabuhay ka ng naaayon sa kaligayahan at sa nararamdaman mo ngayon.

Fin

The First Time you fell Inlove


Naalala mo pa ba ang unang kabog ng dibdib mo sa tuwing nakikita mo ang crush mo? Iyong may kung anong bagay na gumagalaw sa tiyan mo sa tuwing papalapit na sya sa iyo. Masarap balikan yung mga panahon na akala mo hindi masakit ang magmahal iyong akala mo walang katapusan  ng kilig na nararamdaman mo.

Naranasan mo na bang mautal sa tuwing kinakausap ka nya at iyong akala mo ay tumigil ang orasan dahil wala kang naririnig kundi ang malakas na pag kabog ng iyong dibdib. Kailan nga ba ang unang bese na nainlove ka sa taong inaakala mong siya na? Iyong akala mo hindi ka masasaktan at di iiyak sa oras na iwan ka niya. Huwag na nating balikan ang mga sakit, balikan natin iyong mga masasayang pangyayari sa unang beses na tumibok ang puso mo at nasabi mo na “shit siya na nga”.

Ang sarap sarap sa pakiramdam na tinutubuan ka ng tigyawat sa pisngi dahil sa kakapuyat ng mga bagay bagay na pwedeng mangyari kung magiging kayo. Iyong ganado kang pumasok sa eskwela dahil parang araw araw kang idinuduyan sa tuwing nakikita mo siya. Iyong Mr. Pakipot ka pa sa tuwing tinutukso ka ng barkada.

Kailan ba ang huling beses na kinilig ka ng ngumiti sya sa iyo. Iyong kinilig ka na may halong pamumula ng mga pisngi. Kailan ka ba huling pinagpawisan ng butil butil sa tuwing dumadaan siya sa harapan mo, iyong kinikilig ka sa bawat HI and Hello na binibitawan nya sa iyo. Kailan ka ba huling  naging excited sa pag sagot sa bawat tanong sa slam book. Iyong tipong hindi mo na sya ma describe kaya space is not enough na lang ang nasulat mo. Iyong uso pa ang stationary  iyong papel na mabango at may ibat-ibang klaseng desenyo. Nauubos na ang likod ng kwaderno mo dahil sa walang katapusang Flames. Kikiligin ka sa sagot na sweet o kaya naman lover. Naging Magaling ka na rin sa Math dahil sa pag papabibo mo sa kanya. Iyong ini-imagine mong makasabay mo sya sa uwian.
Ito yung mga panahon na galit na galit ka sa sabado at linggo dahil sa dalawang araw na hindi mo siya masisilayan. Yung kwaderno mo na may larawan ng mga artista ay papalitan mo ng mga litrato nya na pina develop pa nya para ibigay sa iyo.

Abg sarap ng mga unang beses na mainlove ka. Ang sarap ng mga pagkakataon na sabay kayong tumatawa na parang walang bukas. Iyong akala mo ay siya na at wala ng iba. Masarap balikan pero masakit alalahanin ang mga nangyari na ang kilig at saya ay napalitan ng lungkot at luha.

Kailan mo ba kaya ulit mararanasan ang kiligin sa isang tao? Iyong kilig na una mong naramdaman noong panahon na hindi pa masyado kilala ang teknolohiya yung mga panahon na simpleng palitan ng sulat ay masaya kana. Sulat na ihuhulog mo sa bintana ng classroom o kaya naman ay ipapaabot mo pa sa tropa.

Kailan mo kaya ulit mararanasan ang magmahal ng hindi nasasaktan at hindi napapalitan ng luha ang bawat kilig na iyong nararamdaman. Iyong wala kang iniisip kundi ang mga oras na kayong dalawa lang. Kailan mo kaya ulit mararanasan ang ma inlove sa unang pagkakataon sa taong kailanman ay hindi naging kayo.

Xoxo

image

Google may Formula ba ang pag Move on?


image

Mahirap ba? Minsan akala natin ganun kadali diba? Akala natin pag nag tanong ka kay google ibibigay nya sayo ang sagot. Paano ba mag move on? Google? Magbibigay lang naman yan ng mga suggestions pero ikaw parin ang pipili ng kung ano ang tamang sagot. Ganun ba kadali ang makalimot at lumimot?

Aabot ka ng ilang buwan, taon o kahit dekada para sabihin na nakapag move on kana. Depende pa iyan kung anong klaseng sakit ang naranasan mo. Sasabihin mo sa lahat na ok kana pero hindi pa pala. Wala namang madaling formula para makalimot ka agad diba? Na kahit sa tuwing sasakay ka ng Jeep at tutugtog ang paborito nyong kanta eh sisigaw ka na lang ng SHIT ano ba close ba tayo? Ang sakit mo namang magsalita eh.  Iyong pupunta ka sa isang bar at manunuod ng mga kumakanta akala mo rin patama sa iyo ang mga kanta.

Sana 1+1 na lang ang formula diba sa paglimot para kung makuha mo na ang sagot ng hindi ganun kahirap eh mag momove on kana agad sa 2+2. Pero hindi ganun kadali ang lahat. Pagdadaanan mo muna ang lahat ng sakit ulit ng paglimot. Hayaan mo lang na marinig lahat ng kanta nyo noon yong mga kanta na sinasabi mo na paborito nyo. Hayaan mo lang na puntahan at alalahanin lahat ng mga bagay bagay na pinagdaanan nyo. Pasakitan mo ang sarili mo hanggang sa maging manhid na sya sa nararamdaman nito.

H’wag na wag mong gagawin ang makasama sya upang masabi mo na ok kana, kasi kahit papaano meron parin naman diyan kunti sa puso mo. Kikirot at sasakit yan sa tuwing sinusulyapan mo sya. Sa tuwing kakanta sya eh sasabihin mo na para sa iyo yun kahit hindi naman at nagkataon lang talaga. Aasa ka na naman at masasaktan, iiyak at magmumokmok tsk tsk panibagong kabanata na naman ng pag move on.

Ganun ba kadali ang mag move on? Depende kung gusto mo talagang mag move on at depende sa sakit na ibinigay nito. Gusto mong makalimot? Burahin mo lahat lahat ng alaala meron sya sayo. FACEBOOK, IG at kung ano ano pa. Tangalin mo sya kahit mahirap kasi mahihirapan ka lalo kapag nakikita mo sya at sinasabi nyang ok na sya pero ikaw alam mo sa sarili mo na hindi pa ikaw ok. Gasgas na nga ang linya na “Kung para kayo sa isat isa talaga eh di para kayo talaga” hindi totoo yan hwag ka ng umasa baka isang kabanata na naman ng pag move on ang gawin mo.

Okay lang naman na paminsan minsan maiisip mo sya lalo na pag nagiisa ka na lang at walang makausap at mapaglibangan. Okay lang yan sinasabi ko sayo okay lang. Pero sana hwag araw arawin baka malibang ka at makita mo na lang ang sarili mo na nasa helipad na at akmang tatalon na. Lumabas ka, Maghanap ka ng mga kaibigan na masaya kasama iyong tatawa ka na lang ng tatawa kahit alam mong hindi totoo. Okay lang yan dayain mo ang sarili mo na kunwari masaya ka kahit hindi. Dahil darating ang oras na  ang tawa mo ay totoo na at naririnig na pati ng puso mo.

Paano mag move on? Maging masaya ka, magpatawad pero hwag mong kalimutan. Magmahal ka ulit kung kailan handa ka ng magmahal. Pag nasaktan ka ulit back  to step one ulit ng pag move on. Pero hwag na hwag mong hayaang ikaw naman ang makasakit at sila naman ang gumawa ng formula ng pag move on. Magmahal ka ng parang hindi ka nasaktan. Tumawa ka na parang hindi ka malungkot. Kumanta ka na parang cocert king/queen na akala mo hawak mo ang buong MOA arena. Okay lang yan atleast nakayanan mo at makakayanan mo.

Ngayon hahanapin mo pa ba ang kasagutan kay GOOGLE? Sige lang para marami kkng makuhang sagot pero hwag kang umasa na ibibigay sa iyo ni Google ang formula.

Xoxo

Walang Pamagat


Wala namang button ang puso para pindutin kong kailan at saan ba dapat ang mali at ang tama.

Button ni Corazon

Sa Bilyong bilyong tao dito sa mundo meron naman talagang nakalaan para sa atin. Hindi mo alam na ang hinahanap mo eh kasabay mo na pala sa MRT o di kaya nakasabay mo na sa pampasaherong jeep.  Bawat nilalang ay may kapareha at bawat isa sa atin ay may nakalaan na para sa isat isa.

Sa dinami dami nang nakapareha mo ilan ba sa kanila ang tumatak mismo dyan sa sinasabi mong puso. Sa bawat 1/10 nakarelasyon mo ang tatak talaga ng husto dyan sa pagkatao mo, tao na magiiwan ng saya at kung hindi man minsan ay sakit. May taong nakalaan para pasayahin tayo at may tao rin naman na nakalaan para mag iwan ng sakit na sa hangang ngayon ay di mo makakalimutan. Meron din naman tayong nakikilala na tayo mismo ang nagiging dahilan ng isa sa mga taong hindi nila makakalimutan. Patas lang ang buhay pero minsan inaakala natin dahil tayo ang nasaktan ay hindi na ito naging patas sa atin.

Sa jeep na punuan meron naman baba diyan mag antay ka lang at wag mong pagsiksikan ang sarili mo, dahil sa bawat lubak na nadadaanan mo unti unti kang nahuhulog at di mo na namamalayan nasaksaktan kana pala. Meron din namang nag aantay at umaasa na may dumaan na skip tren na baka sakali na dumaan ang inaantay nya ay makakaupo sya at magiging maayos, ang hindi nya alam na bawat daanang istasyon unti unti syang mapupuno at makikita mo na lang ang sarili mo na di na makahinga dahil ang inantay nating isang bagay ay hindi lang pala tayo ang pwedeng maging laman.

May mga tao naman na nagtatrabaho ata sa PAGASA. Mga nilalang na nabubuhay sa weather weather lang yan, mga taong umaasa na maging sila pero malabong mangyari. Umaasa, paasa at nag papaasa. Pagdatng sa huli daig pa natin ang malakas na bagyo na dumaan sa buhay pag ibig natin. Iiwan tayong walang naisalba, iiwanan tayong walang natira na kahit katiting na pagmamahal sa sarili ay kinuha pa nila. Mga umaasa sa wala at mga nagpapaasa para maging masaya.

Pwede bang may button ang puso na kung saan na ready ka nang magmahal ay pipindutin mo na lang. Pwede bang pindutin pag ayaw mo ng masaktan o di naman kaya ay pindutan para sabihin na handa kanang magmahal at masaktan ulit. Pindutan na pwedeng mamili ng taong mamahalin mo.

Parang pag byahe sa malayong lugar na hindi mo alam kung ano ang nag aantay sayo sa kabilang istasyon. Makikita mo na kaya ang iyong tadhana o mananatili ka paring sawi sa kakaantay at kakahanap ng taong di naman inilaan sa atin. Parang bus na sinasakyan natin papuntang probinsya.Maraming surpresa sa daanan na pwede nyang maranasan pero heto parin sya at patuloy tayong inihahatid sa ating destinasyon. Minsan may stop over ibig sabihin pwedeng magpahinga at kung ok na pwede na uling umalagwa. Kaya dahan dahan pwede namang mag pause para makapagisip ng maayos.

Pwede bang may button ang puso na kung sakali ay nasasaktan na tayo ay pipindutin na lang ang unlove button. Pindutan na di ka mahihirapan na mag move on. Pwede kayang sa isang pindot mo ng button ay hindi mo na sya mahal, pwede bang wag na lang itong tumibok kung masasaktan ka lang din naman. Sana nga nuh ganun kadali ang buhay at ganun kadali ang magmahal.

Sa dinami dami ng sinabi ko isa lang naman ang gusto kung sabihin. Hindi mo pwedeng piliin ang taong nakalaan sayo. Subok lang ng subok bira lang ng bira, magmahal ka man ng sobra o masaktan man hindi naman nyan counted pag nahanap mo na ang taong inilaan o nakalaan para sa iyo. Malay mo sa pag gising mo may tao na palang handang magmahal sayo napapawiin lahat ng sakit o saya naranasan mo sa iyong nakaraan. Hindi paligsahan ang pag ibig, hindi ka naman mananalo kong nakarami ka na. Hindi ka naman din matatalo kung nasaktan ka nang pang ilang ulit. Sabi nga diba sa pelukunang English only please “Wala namang magbibilang kong ilang beses kang nagpaka tanga.”

Xoxo

Mang Juan Dela Cruz

Kadenang Usok


farhangnews_93626-273046-1411633349
PHOTO Credit to the OWNER: http://www.farhangnews.ir

Mahirap nga siguro ang biglang baguhin ang sarili mo sa kung ano ang iyong nakasanayan. 16 years old palang ako nang magsimula na ako sa bisyo ng paninigarilyo at ngayon ay 28 years old na ako. Sa kaunaunahang pagkakataon ay sinubukan kung alisin ang bisyo na ito sa aking sarili upang maisama ko sya sa aking panata taon taon sa tuwing papasok ang kwarisma sa aming mga katoliko.

Karamihan sa aking mga nakikilala at nagiging bahagi ng aking buhay ay ayaw sa katulad kong malakas manigarilyo ginagawa ko ito ngayon hindi para balikan nila ako kundi para narin sa sarili ko at sa panata ko. Unang araw nang aking pagtigil sa  bisyo na ito para akong inalisan ng isang gawain na hindi ko nakasanayan na hindi gawin. Mahirap at hindi ko kaya, kaya naman ay humithit parin ako ng isa at naging dalawa. Sakatulad ko na nakakaubos ng isang kaha sa loob ng isang araw ay sapat na yun upang paunti unti ko syang kalimutan. sumunod na araw humithit ako ng isa at doon ako nakaramdam ng pagkahilo. Ngayon hindi ko man biglaang inaalis ang sigarilyo sa akin pero kahit papaano ay isang beses isang araw upang hindi naman agad mabigla ang aking katawan. Pag nakasanayan ko na ang bisyo na ito na wala sa buhay ko masasabi ko ng 100% free na ako sa paninigarilyo. Unti unti ko na syang nakakalimutan at di na ako sumisindi ng isa pa pag katapos ng isa. Mahirap nga pag biglaan.

Ang pag alis ng bisyo (sigarilyo) sa sarili mo ng biglaan ay parang pag ibig na pilit tinatalikuran, mahirap sa umpisa pero pag nakasanayan na Ok lang pala na wala na sya. 

xoxo