Category Archives: Philippines

The Mr. SWAG (Self-worth Among Gay men and women) -Jerome Lacsa


Mr. Jerome Lacsa MGWPH2016 Rizal #OneLove

Mr. Jerome Lacsa MGWPH2016 Rizal #OneLove

Mr. Jerome Lacsa MGWPh2016 #OneLovePhotoshoot: Credit to Mark Alvarez and Loveyourself.ph

Jerome, 30, is a proud native of Rizal province where he grew up taking delight in the most mundane of things. Raised by a Visayan mother and a Chinese father, he learned the values of family, hard work, modesty, devotion and vigor at a young age. He was a consistent honor student and scholar from high school to college. He finished Nursing at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila and is a licensed nurse, furthering his caring nature.

He currently works as a Human Resources Talent Acquisition Manager in a multinational bank. He participates in the company’s various CSR activities and plays an active role in its PRIDE Group, promoting gender diversity and sensitivity in the workplace. Jerome is also an active volunteer at LoveYourself, a non-profit HIV-AIDS awareness organization, working as an HIV counselor. He also helps in mounting fundraising events and heads the Marketing team, always iming to fight the stigma associated with HIV-AIDS. In his spare time, he accepts hosting and singing engagements. He unwinds through karaoke sessions and nights out, and loves to travel to and discover the beautiful beaches of the Philippines.

Jerome champions SWAG — Self-Worth Among Gay men and women. He believes that having self-worth will help every gay man and woman create healthy and productive relationships with one another. The goal is to harness unity among the gay and the whole LGBTQ community. SWAG also stands for Self-Worth + Action = Greatness. It should start but shouldn’t end with Self-Worth. Coupled with Action, every gay man, everyone should aim for and achieve Greatness. A fresh face in the pageant circle, he is not one to be overlooked as he breaks conventions and serves a modern spin on how a candidate should be — through his own swag. With his understated confidence and unshakable self-worth matched with being a well-rounded man of action, Jerome embodies and promotes SWAG.

Official Page of Mr. Jerome Lacsa http://www.facebook.com/JeromeForMGWPh2016

To vote http://www.mrgayworldphilippines.ph/c32.html

Facebook account http://www.facebook.com/jeromelacsaMGWPh

 

 

Credit to Ms. Janlee Dungca

 

Advertisements

Minsan May Tag ulan


Lumalamig na naman ang hangin na dumadampi sa pisngi ko. Mukhang isang malakas na ulan ang nagbabadyang bumagsak kasabay ng malamig na hangin na dala nito. Kita ko ang mga dahon na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin na dulot nito. Kita ko rin ang mga ibon na lumilipad dahil naghahanap ng masisilungan.

Naalala ko bigla ang mga panahon na sa tuwing bumabagsak ang ulan ay kasama kitang pinagmamasdan ang pag dausdos ng tubig sa bintana ng ating pinagsimulan. Nakatitig sa bawat patak nito at dinadamdam ang pagbagsak na parang musika sa ating mga puso.

Naala ko rin pala na tag ulan ng una mong sinabi sa akin na mag ingat ako, mag ingat sa pag uwi dahil alam mo na malakas ang ulan. Nag ingat ako at sinunod ang payo mo. Nag ingat ako na parang iningatan ko rin ang mga pangako mo na tayo hanggang sa sumapit ang tag araw.

Pumapatak na naman ang ulan at bumabalik na naman ang mga nakaraan. Nakatitig ako sa bawat patak nito na bumabagsak sa bubong ng kawalan, dati ay musika ang hatid nito, musika ng romansa at pagmamahal. Pero ngayon ang bawat patak ng ulan ay musika ng pighati at dalamhati. Patak na parang luha noong ikaw ay lumayo. Patak ng ulan na parang kahapon na ayaw ko ng balikan.

Minsan may tag ulan na nag papaalala sa akin ng saya at lungkot. Minsan may tag ulan na sa akin ay nagbibigay ng pagkabagot. Tag ulan na nakipaglaro sa akin. Tag ulan na bumabasa sa katawan ko at sinasabayan ang pag luha ko. Bawat patak ng luha ko na walang nakakakita dahil sa lakas ng ulan na parang ala-ala mo na pilit kong nilalabanan.
Fin

Ang pait ng kape.


Habang tirik na tirik ang araw at nararamdaman ko na ang papalapit na Tag-araw, ramdam na ramdam ko narin ang init ng panahon. Nanunuot sa bawat butas ng aking balat at nagsasabing halika mag-palamig tayo.

Hilig ko na yata ang magkape, mapa-malamig na panahon o kahit iyong tirik na tirik ang araw. Para akong tanga na humihigop ng kape sa kalagitnaan ng kainitan ng panahon. Kahit Iyong kape ay kasing init ng panahon  ay pinipilit ko paring higupin. Para akong sundalo na lumalaban sa isang gyera na pilit nilalabanan ang bawat init na naidadagdag nito sa aking katawan. Ang pait ng kape parang tinimpla ng isang tao na humugot ng sama ng loob dahil sa pag iwan sa kanya ng kanyang sinisinta. Ang kape ko ay sakto lang ang  tapang na parang Ex ko na kapag tumitingin ako sa iba ay agad naman akong tititigan na parang tigre na matapang at sa huli ay aamo na parang tuta na gustong makipaglaro.

Habang nag titipa ako at ginagawa ko ang kwento na ito ay nakaupo ako sa isang lamesa na ang tanging kasama ay kape at ang aking sigarilyo. Dinaramdam ang bawat mainit na hangin na pumapalo sa aking balat.  Pinagmamasdan ang bawat tao na nagdaraan sa aking harapan, may mag kasintahan at ang iba naman ay may kasamang alagang hayop na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa tuwing kasama nila ito. Napaisip tuloy ako bigla kong maari din ba akong magmahal ulit gaya ng pagmamahal ko sa kape na aking hinihigop.

Mainit ang kape na inorder ko sa barista, gusto ko kasing magising sa katotohanan na ako ay nagiisa at wala naman talagang makakasama. Sa bawat higop ko ng kape ramdam ko ang pait na dulot nito, pait na nanunuot sa aking lalamunan na parang isang emosyon na karamihan sa atin ay natikman na.  Minsan naiisip ko na buti pa ang kape na iniinom ko marami ang nagmamahal pero sa kagaya ko na nagbibigay ng pagmamahal ay siya namang nakakalasap ng pait ng walang nakukuhang pagmamahal sa aking inaalayan. Sa aking inuupuan ay natatanaw ko sa eskaparante ang mga display  na matatamis na cake. Ibat-ibangklase ng cake na naka latag sa aking mga mata. Parang ang tatamis nila at nakakatakam na titigan. Pero naisip ko na kahit ang isang pinakamatamis na bagay na aking nakukuha ay nawawala din ang lasa at magsasawa ka rin at mauumay sa sobrang tamis na dulot nito.  Nakakasawa rin at nakakasuya ang sobrang tamis. Kaya naman ang aking kape ay sakto lang ang pait at tamis upang mabalanse ko parin ang emosyon na aking nararamdaman,

Lumalamig na ang kape na mainit ng aking umpisahang inumin, lumalamig na sya at di ko na kaya pang ibalik ang dati nitong init. Naisip ko tuloy na kasalanan ko ba na hindi ko sya pinapansin noong maiinit pa sya at ngayong sya ay nanlamig na saka ko hahanapin ang init nya. Para akong ewan na hindi ko lubusang makuha ang timpla ng kape na gusto ko. Buti pa ang mga barista alam nila ang kape na gusto ko kaya nilang timplahin ang lasa na kailangan ko pero ako na mas nangangailangan ng tamang panlasa ay hindi ko makuha ang gusto ko. Masarap talaga ang kape lalo na kung nabibigay nito ang kaligayahan na hinahanap mo. Masarap ang kape kung ang bawat init nito ay nararamdaman ko. Pait, tapang pati narin ang saktong lasa nito sa bawat nakakahigop.

Ang kape na kahit anong panahon ay nagbibigay sa akin ng likas na kaligayahan. Kape na kahit anong pait sa aking panlasa ay agad ko namang natutunang mahalin at pahalagahan. Sana sa bawat kape na mapait ay maranansan ko rin ang tamis sa huling pag higop nito.

EDSA30: Ang Kasaysayan ng Lumang Limang daang Piso


“I had no idea of any danger that was facing me when i picked up the flower from the ground and walked towards the soldier to give it.”

Sariwa pa nga siguro sa atin ang mga nangyari noong panahon ng unang People Power sa ating bansa. Tatlong dekada na halos ang nakalipas, parang ang bilis ng mga panahon at halos kasing edad ko na ang unang rebolusyon na hinangaan ng buong mundo.

Pebrero 25, 1986 – Naganap ang pinakamatagumpay na rebulosyon sa pilipinas. Hindi armas ang umiral sa kahabaan ng Highway 45 o mas kilala na ngayong EDSA. Kundi daang daang tao na nakiisa na patalsikin ang dating pangulong Ferdinand Marcos.  Magulo ang mga kabanatang ito sa ating kasaysayan dahil dito natapos ang mahabang pamumuno ng mga MARCOS sa ating bansa. Mapapansin nyo na halos karamihan sa mga POLITIKO natin ngayon ay may naibahaging kasaysayan sa EDSA, Panget man o Maganda ay naging bahagi na rin sila ng kasaysayan.

Noong nakaraang taon isa sa mga talaga namang pumukaw sa atensiyon ko ay yung bata na nagbibigay ng bulaklak sa sundalo. Sabi ko pa nga sa sarili ko parang pamilyar yung eksena na iyon. Hinanap ko agad kong saan ko siya nakita at nalaman ko na ang eksena ng batang nag aabot ng bulaklak sa sundalo ay makikita o matatagpuan natin sa lumang LIMANG DAANG piso.

1934935_10206278047644818_2261073014260159112_n

Angelo Gutierrez, Mag ta-tatlong taon gulang lang siya noong unang magkaroon ng People power sa atin. Halos edad ng batang Kailangan pa ng atensiyon sa paglalaro sa lansangan at bata na hindi pa talaga lubos na nauunawan ang kalagayan ng bansa natin sa mga panahon nang PEOPLE POWER. Pero sa larawan makikita mo na kaya mong gumawa ng isang mahabang kwento habang tinititigan mo ang larawan. Napakaraming kwento ka ng maisusulat dahil sa isang larawan na umantig sa kamalayan ng sambayanang Pilipino.  Kung ngayon ay nauuso ang mga Viral Photos, Noon ang batang ito ang siya namang sumikat sa pahayagan at sa telebisyon dahil sa natatanging kaganapan na umantig sa puso ng mga taong nakiisa sa pakikibaka.

Natanong ko tuloy sa sarili ko. Kumusta na kaya ang batang ito at ano na kaya ang katayuan nya sa buhay? May nagbago ba sa pananaw nya tungkol sa ipinaglalaban noong panahon ng People power. Hinanap ko siya upang pakinggan ang mga kwento nya na halos talaga namang ini-ukit na ng ating kasaysayan. Hindi naman ako nabigo at nahirapan na hanapin siya dahil na rin sa bilis ng komunikasyon ngayon at sa tulong narin ng mga kaibigan ko at koneksyon na nakilala ko dahil sa social media. 

Kwento sa akin ni Angelo.

12037949_10206278002283684_6925683608480937416_n
“I had no idea of any danger that was facing me when i picked up the flower from the ground and walked towards the soldier to give it. At that time when people were gathering, di namalayan ng parents ko na lumakad ako papalayo sa kanila para pulutin yung flowers. Natakot sila for me when they saw me from afar, giving the flower.”
“No one told me to give flower to the soldier. I think its the curiosity in me when i was a child that made me do it. Siguro ginaya ko yung mga tao sa paligid na namimigay ng flowers. It did not have any impact on me at a very young age, but I’m happy that the act of giving the flower to the soldier was captured and it became meaningful to the event.”

 

 

Siguro nga ay maisasama na natin si angelo sa ating kasaysayan lalo na ngayon na hindi na natin ginagamit ang lumang limang daang piso. Mahigit dalawampung taon din nating ginamit ang pera na ito ngunit ang akala ko talaga noon na lahat ng makikita natin sa pera  sa likod nito ay ilusyon lang upang ilarawan ang mga kaganapan na nangyari sa ating bansa. Ipinag walang bahala natin na bahagi pala talaga ng kasaysayan natin ang mga larawan na nasa likod ng ating lumang perang papel. Natanong ko rin si angelo kung may nagbago ba sa kanya pagkatapos ng mga nangyari na yun o may kinalaman ba ito sa kung ano sya ngayon.

 

 

“Wala namang nagbago or wala namang special na nangyari sakin that I can link to the event other than being given the opportunity of having my picture placed in 500 peso bill. Very thankful ako for the experience that i will treasure for the rest of my life. It’s hard to believe na ako yung batang yun na nasa pera. Maski ako di makapaniwala and people won’t really believe at first.”

Hindi lang din ang batang angelo ang makikita natin sa likod ng lumang limang daang piso. Marami pang iba katulad ng hawak ni Ninoy na lumang modelo ng Kamera “Rollieflex”.

8002667-close-up-shot-of-500-philippines-peso-Stock-Photo

Sana sasusunod ay makausap ko naman ang sundalo at ang kumuha sa napakagandang larawan na ito. Ngayon nalalapit na nag eleksyon sana ay hindi na maulit ang nakaraan at sana ay maging matalino tayo sa pag pili ng bagong lider ng ating bansa.

10400789_10206277983763221_8506323564302548848_n
“Sa generation natin ngayon, always choose wisely sa iboboto and pray that the leaders who are most deserving and capable are the ones who will be elected.” – Angelo R. Gutierrez

Salamat Sa unang matagumpay na People Power.

**Special Thanks To Ruben Jay Alvarez.

 

 

Para sa mga kaibigan kung Call center Agent/s. 


 

Sa lahat ng kaibigan kung Nasa industriya ng BPO o mga kaibigan kung masisipag na nagtatrabaho bilang call center agent isang pagbati at pagsaludo sa inyo dahil totoo naman na isa kayo sa nagbibigay pag asa sa unti unting pag lago ng ating natutulog na ekonomiya.

Nitong nakaraang linggo kumalat ang isang Facebook status tungkol sa kanyang hinaing laban sa kanyang unibersidad na pinagtapusan. Nalungkot ako para sa kanya dahil sa punto na iyon ay nauunawan ko siya dahil ikaw ba naman ang magtapos nang apat o limang taon pero walang konkretong basehan kung san ka magsisimulang magtrabaho. Wala akong nakitang mali sa mga sinabi nyang hinaing tungkol sa kanyang FB status. Bakit ka nga ba naman aalukin ng trabaho na alam mo namang hindi mo gamay o hindi mo naman tinapos o hindi mo kayang pag aaralan. Sampal nga naman sa kanya na magtapos ng limang taon pero ang trabahong inalok sa kanya ay yung trabahong hindi nya naman tinapos. Maganda nga naman siguro ang hangarin ng kanyang unibersidad na bigyan sya ng trabaho at magsimula muna sa umpisa na kung saan ay hindi ganuon kahirap makapasok at hindi rin naman ganuon kadaling makapasok. 

Bakit nga ba marami sa mga matataas ang pinag aralan at mga lisensyado ang pumapasok sa call center o sa mga BPO? Dahil hindi nila tinitignan ang taas ng kanilang pinag aralan kundi yung sahod na makakasapat at makakatulong sa buhay nila. Marami akong kaibigang registered nurses na nagtatrabaho sa mga BPO pero ni isa sa kanila hindi pa nakatapak sa ospital upang gawin ang kanilang propisyon na tinapos. Hindi mo sila masisi dahil ang sahod ng mga medical professional sa bansa natin ay talaga namang napakaliit at sobrang pagod ang makukuha mo sa buong araw.

Sa mga kaibigan kung CA bakit tayo ganito kung mang husga sa mga taong hindi ganuon kagalingan sa pag english bakit kung manlait at kung mang mata tayo ng kapwa natin ay ganuon na lang. Sukatan na ba ngayon ng talino ng isang tao base sa kung anong lingwahe ang kaya mong gamitin. Ayaw natin napapahiya ang propisyon natin pero kung mamahiya naman tayo ng tao eh ganun na lamang, hindi natin inuwa o binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag kung bakit iyon ang kanyang naging punto de vista.

Walang mali sa trabaho ninyo bilang call center agent saludo nga ako sa inyo dahil madali kayong nakapasok dyan hindi katulad ng iba at katulad ko na ilang beses akong bumagsak sa napakaraming opisina ng BPO siguro nga hindi para sa akin ang trabaho na iyan.  Sinasabi ko lang naman na hindi lahat nang nasa Call center ay may karapatang manlait at mamahiya ng kapwa nila matuto tayong balansehin o unawin kung ano ang ibig nyang sabihin at ipahiwatig. Hindi naman nya niyurakan ang propisyon nyo at hindi naman nya dinurog ang pagkatao nyo. Ang punto nya ay sa kanyang unibesrsidad na kung mag bibigay lang din naman ng trabaho sa kanya ay doon na sa kung ano ang tinapos nya. Dahil nagmukhang walang kwenta kung ano ang itinuro ng school nya sa kanya kung mapupunta sya sa hindi nya larangan.
Sa mga kaibigan kong CA kung magagalit kayo sa akin ngayon OK lang tatanggapin ko. Pero sana bago kayo magalit bigyan nyo muna ang sarili nyo ng isang malawak na pang unawa at pag intindi at bigyan nyo din muna ang sarili nyo ng salitang  Pakikipag kapwa tao at mapagkumbaba sa mga taong alam natin na nagangailangan. Malay natin na baka ang isa sa mga tao na binubully nati eh siya pang mas nagbibigay pahalaga at pagmamahal sa bansa natin.
Mabuhay ang lahat ng propisyon sa ano mang larangan ng trabaho.
xoxo

Meet the leaders from different industries at Asia E- Commerce Expo 2015


Asia E- Commerce Expo 2015 (#AECoE) will be at SMX Aura, Taguig on November 25, 2015, Wednesday and brought to you by TAG Media and Public Relations. #AECoE will give you a unique opportunity to learn from, and network with senior leaders from the biggest brands in Asia Pacific region and in which the leading e-commerce experts from emerging markets, award winning e-commerce players and established e-retailers in APAC gather under one roof. Industry leaders will share independent experiences and insights for delegates from different countries. You can be a part of this inspiring environment and benefit from the excellent networking opportunities it offers.

It features:
Sessions on ePayments, eLogistics and ePrivacy
Opening reception
Conference programme
Over 15 local and  international high level speakers
30+ sponsors
1 Hour of Speed Networking

What will you learn:
·         Market Analysis
·         Digital Marketing
·         CRM
·         Strategy
·         E Commerce
·         Going Global

Why you should attend:
·         To grow your business
·         To meet investors
·         300 APAC Audience
·         Maximizing cross border e commerce

Speakers are leaders from different industries and engaged in momentous pursuits of significance to the ASEAN region and beyond.  Attendees are senior business people, high-ranking government officials and media.

#AECoE is not just about learning, empowerment and inspiration but a potential future collaboration that’s why we allot time for networking. Speakers confirmed are as follows plus 10 more awaiting for their confirmation;

•       Constantin Robertz- Managing Director, Zalora
•       Lars Jeppesen- CEO, Tech One Global
•       Jacqueline Van Den Ende- Managing Director, Lamudi
•       Kristian Melquiades- General Manager, Viber
•       Janette Toral- Founder, Digital Club Filipino
•       Subir Lohani- Managing Director,
•       Chinkee Tan- Book Author and Radio Host
•       Robert Yupangco- CEO, Yupangco Group of Companies
•       Frederic Levy- Founder & CEO, CashCashPinoy

• Camille Montejo- CEO, Tree Top Adventure Inc.

Moderators;
•       Chris Kiklas- President, EmLogis

•       Pocholo Gonzales- CEO, Creativoices Production

•       Spanky Enriquez- Corporate Communications Consultant

Asia E Commerce Expo 2015 (#AECoE) is expecting 300 visitors & up to 30 companies to share their products and services in the expo. For partnership/sponsorship, please contact the organizer at 09166299381 or at maria@asiaecommerce.ph  Registration Fee per delegate:  Php 3,000.00

Commuters Problem 101 Only in the Philippines


Ang pang araw araw na problema ng mga ordinaryong tao ay ang sumakay sa mga pambublikong sasakyan. Makipagsiksikan sa mga nagkakaabiryang tren. 

1. Jeep mo to?

Yung puno na ang upuan pero hala sige parin sa pagpapasakay si manong. Si ate naman akala mo nagbayad ng pat tatlohang tao kung makaupo. Si kuya naman kung makatulog wagas. Puyat na puyat lang? Nakisuyo sila ng bayad at iniabot mo naman sa drayber pero nung ikaw na ang magbabayad aba matindi may laro atang deadmahan sa jeep. Manong pakisalo na lang po ang bayad ko. 

Sa haba ng traffic sa lansangan di na alam ni manong kung paano sya lulusot. Halos umiinit na ang ulo nya at pati pasahero nababalingan ng init ng ulo. Yung dalawang katabi mo na kung magkwentuhan akala mo nasa kanto lang di ka tuloy makaidlip. Yung papara ka na si manong deadma tapos ng lumagpas kana siya pa ang galit di ka daw nag sabi ng maaga, Aba matindi bingi bingihan sa pag para pero sa pag abot ng bayad dinig na dinig. Tapos ito pa ang matindi Sampung piso ang binayad mo minimum ay 7.50 tatanungin pa kung ilan hahahaha eh di wow! kung kasya po ang lima sige po libre ko na sila. Si ate sumakay pa puno na nga ano to? expected mo na ba na may sasabit haha. Yung may umakyat sa jeep at maglilitanya ng “magandang hapon po hihingi lang po ako ng tulong kasi namantay po ang tatay ko. Heto nga po ang Death certificate nya nasagasaan po kasi ng tren nung isang araw, pinalabas pa nga po sa GMA at ABS. Hindi po kaming masamang tao.” tapos sa susunod na linggo sila parin makikita mo at ganun parin ang litanya. Kuya baka naaagnas na ang tatay mo palibing mo na.

2. Bus naman!

Sumakay ka ng bus pero ang mata mo di mapakali sa mga pasahero tinitignan mo kasi kung may mga kahinahinalang mga tao sa paligid na sasakay at tatabi sa iyo. Maganda ang palabas sa bus kaso di mo masubaybayan kasi nga naman may nakaharang sa daanan at natatakpan ang pinapanuod mo. Ihing ihi kana pero di ka pwedeng bumaba kasi malayo ka pa sa destinasyon mo wala kang magawa kundi ang mag antay kaya lang ang masaklap dito traffic sa EDSA. Punuan na ang Bus at siksikan kaya naman di ka makabunot ng bayad mo ang masaklap pa dito napalakas pa ang preno ng drayber aray ko po. Yung pumara ka ng bus pero narealize mo mali pala ang nasakyan mo kaya lang nahihiya kang bumaba kaya inantay mo na lang lumayo ang bus, wow yaman sa pamasahe? pero yung totoo budget mo na ang pamasahe mo. Eh yun hindi ka naman nagmamadali pero ang bus na sinasakyan mo akala mo nasa run way ng airport kung magpatakbo. killer bus anyone?

3. FX SUV ang usapan 

Ito ang matindi ang Fx o SUV ay sapat lang at bilang na bilang mo lang ang pwdeng sumakay at syempre kulob at tahimik minsan. Ang problema kapag may ubo ka at pinipigilan mong hindi umubo dahil sa nahihiya ka at isa pa pag umubo ka at may plema aba matindi san mo iluluwa eh di alam na this. Sumakay ka ng FX pero ang mga nasa gitnang ipuan sinosolo ang Aircon wow huh doble ang binayad. Syempre kong ikaw naman ang nasa gitnang upuan deadma ka naman talaga sa mga tao sa likuran. Yung tulog tulugan ka kasi may tao sa likod na nag aabot ng bayad kaya no choice ang katabi mo kundi abutin ito. Si ate naman akala mo sasakyan yan kung makipag sigawan sa kausap sa Cellphone wagas. Yung may biglang umutot at walang nakakaalam sa inyo kung sino ang salarin. Kuya para sa tabi.! Nakatabi mo ang isang cute at dahil malapit ka ng bumaba duma the moves at paraan ka pa sa pag kuha ng Pangalan nya sa kanyang ID. Eh yung pababa ka na at biglang sumakay si crush ayun di ka na nakababa kasi chance mo na.

4. Uber! GRABe kung Mag TAXI

Pinakamatindi sa lahat ang pagsakay at pag-upo mo bayad agad di pa umaandar may bayad na agad. Yung sasabin ko ang destinasyon mo biglang mangungontrta si manong. Iyong pakiramdam na inayawan ka ng taxi driver dahil sa out of way daw sila. Aba kulang na lang ata murahin mo ang kaluluwa nya dahil sa sobra mo nang tagal na nag aabang. Panay tingin mo sa metro at medyo naghihinala ka na kay manong dahil panay kambyo akala mo siguro dinidugasan ka. Kinabahan kang bigla ng may maamoy ka akala mo na modus ka na ng taxi driver na may papaamoy sayong di kanais nais, iyon naman pala nadighay lang tamang hinala ka agad. TH nag aadik ka ba? Iyong gabing gabi na pero amoy araw parin ang driver! Wow pare lakas ng tama mo ah. Tinapay ka ba? Kasi amoy PUTOK ka eh. BOOOOOOM SABOG. Nagbayad ka na at hihingiin mo na ang sukli aba di man lang magkusa si kuya na ibigay haha ano po ito charity? kapwa ko mahal ko ganun po ba? Wow heavy budgeted na rin ang pamasahe ko.

5. Mrt o Lrt may PNR pa sakay na!

Araw araw na kalbaryo ng mga pinoy ang LRT at MRT. Mahaba na nga ang pila mabagal pa ang dating ng tren dinaig pa ni lola na nakakyat na lahat lahat di parin umuusad ang tren. Iyong pumasok ka ng Trabaho at sumakay sa tren ng umaga. Aba matindi di ka pa nakakapagsimula ng trabaho pababa ka palang ng tren amoy uwian na ang damit mo. Nakadikit na ang pisngi mo sa salamin ng pintuan ng tren dahil sa siksikan ng mga tao. Iyong pakiramdam mo na may dumidikit sa likurang bahagi ng katawan mo. Matigas at naku po hard na hard pero di mo alam dinudukutan ka na pala tuwang tuwa ka pa. Kung may kapareha ka at gusto ninyong magkiss in Public abay tara na sa Tren dahil di nyo na kailngang gawin kusa ng maglalapat ang mga labi nyo. Yung totoo may aircon po ba ang tren o hininga lang ng katabi ko ang nararamdaman ko. Ito yung tipo na malalaman mo kung ano ang kinain ng katabi mo ka inang tanghali kulang na lang kasi halikan mo na siya eh. Yung totoo humihinga po ba kayo o umuutot. Medyo masama yun kaya wag nyo ng tangkaing sabihin sa katabi nyo baka kasi sa pag buka ng bibig nya mahimatay kana.
Marami talaga tayong karanasan sa tuwing makikipag sapalaran tayo sa pang araw araw na gawin sa pagsakay sa mga pambublikong sasakyan. Kaya mga taong tiis tiis lang wala tayong pambili ng kotse eh kaya tyaga lang muna.

#ALDub: The Modern Fairy tale ; God Gave me You


“Naniniwala na ako sa forever, Magmula nung nakilala kita, Eh kaya nga ‘di ako sumu-render, Ano man ang sinasabi nila.”

Yan ang parating kung naririnig sa TV ngayon na paulit ulit pinapatugtog. Kanta yan ng JaDine Yung tambalan ng mga bagets na halos lahat ata ng mga kabataan ngayon ay sila ang bukang bibig.

Nitong nakalipas na ilang linggo eh may dumagundong na naman sa aking tenga. Iyong kanta na paulit ulit kong pinapakinggan at paulit ulit kung kinakanta sa isip ko. Parang kawawa na ang kanta sa akin kasi para akong sirang plaka na duon at duon lang din ang lyrics na kinakanta ko. “God gave me you to show me what’s real, There’s more to life than just how I feel, And all that I’m worth is right before my eyes, And all that I live for though I didn’t know why,Now I do, ’cause God gave me you”  Kanta yan ni bryan White, Kung tatanungin nyo ako kung sino s’ya aba malay ko at di ko pa naman siya nakikilala.  Pero bago ko nakanta yan ng paulit ulit eh naging impluwensya sa akin ang bagong kinagigiliwan ngayon ng lahat na ALDUB sa Eat Bulaga. Dati sda Dubsmash ko lang nakikita si YAYA DUB ngayon pati sa telebisyon ay di narin s’ya nagpahuli. Pinakikilig nila ang sang katauhan sa pilipinas tuwing tanghalian may tila isang MAGIC ang biglang pag click ng tambalan nila na kung tutuusin eh bakit ako matutuwa eh wala naman silang script na sinasabi kundi puro buka lang ng bibig na sumasabay sa mga tugtog. Pero wala akong pakialam doon o kahit yung mga nanunuod kasi iyong talagang nagpahatak at kumuha ng atensiyon ng lahat ay yung kakaibang chemistry nila na kahit bata, matanda, lalake o babae eh nahumaling. Tinginan at ngitian eh talaga namang nagpakilig sa lahat.

Sinoo ba ang di mahuhumaling eh sa tanghaliaang tapat kung kailan ang buong pamilya ay sama samang nagtatanghalian ay may mga bagay bagay na magpapatawa sayo at tambalan na magpapakilig sa iyo. Nakita ko nga sa youtube noong nakaraana ang isang batang umiiyak dahil Idol na Idol nya si yaya Dub at galit na galit s’ya kay Lola Nidora dahil sa pang aapi nito.

Buong bansa nga ay nagkakaisa gaya ng kanta ng pinaka mahabang Noon time show sa buong mundo ( EAT BULAGA).

Kaya lahat ng mga nagtatatrabaho at nasa opisina napapatigil sa Twing magsisimula na ang kalye serye ng EB. Hindi kaya tayong mga pilipino ay napakadaling mapatawa at napakadaling kiligin. ALDub na ba ang makabagong fairytale na kung tutuusin eh alam naman natin ang magiging takbo ng istorya alam naman natin na nagkita na talaga sila sa personal pero pilit parin nating pinaniniwala ang mga sarili natin na ito ay tunay at talaga namang napakasarap abangan.

O siya teka lang mukhang magsisimula na sa TV ang inaabangan Kung ALDUB kalye srye ng Eat Bulaga. Di lang naman puro kilig ang nakukuha natin pati iyong mga hugot n hugot na kanta at mga linya ni Lola Nidora.

BABALA asawa ni BABALU nggggeeeeeee!!!!

Open Letter to VP BINAY


 

Dear Vice President Jejomar Cabauatan Binay, Sr.

Malayo layo pa ang lakbayin nang bansa natin patungo sa talaga namang maganda at maunlad na PILIPINAS. Bilang Isa sa pangalawang mataas na Lider ng ating bansa diba po ay responsibilidad nyo rin ang mga PILIPINO na na nanalig sa kaayusan ng ating bansa. Meron din po kayong kapangyarihan na maging maganda ang ating bayan.

Sa katatapos lang na SONA ninyo sa Cavite State University tila po ata nakalimutan nyo ang ibig sabihin ng SONA. Diba ito ay ulat sa bayan ng kung ano po ang mga nagawa at naiambag nyo sa ating bansa pero ni isa po sa mga linya ninyo ay wala akong narinig na accomplishment pulos paratang at pag sagot sa ginawang SONA ng ating Pangulo. Pulos batikos sa GOBYERNO na kinabibilangan ninyo. Naaalala nyo pa ba na ang isa sa mataas ng opisyal ng kapulisan ay minsan nyo nang binigyan ng pagkakakilala dahil sa magandang nagagawa nya sa usaping kapayapaan. (Senior Superintendent Elmer Jamias, Deputy Director of Southern Police Distict). Pero noong subukan nyang ikalma ang mga supporters nang anak nyo sa nakaarang kaguluhan sa MAKATI city Hall  ano po ang ginawa ninyo. Dinuro Duro nyo ang isang Pulis na ginagawa lang ang tungkulin nya sa bayan. Hindi nyo kinilala ang Batas na pinapatupad nya at hindi nyo man lang sinaluduhan dahil sa kagitingan nyang maprotektahan ang lungsod na minsan ninyong pinagsilbihan. Sa inyong nakaraang SONA nagbigay pugay kayo sa  Apat napot apat na  pulis na nasawi sa nakaraang kaguluhan sa MINDANAO, Sumaludo kayo at binigyan sila ng pagpupugay isa isa. Para saan po ang ginawa ninyo para sa simpatya na nais ninyo para sa pagrespeto sa kanila na kahit isa ay hindi namin naramdaman ang sinsiridad mo. ( Saludo ang sambayanang Pilipino sa SAF44)

 

Binatikos mo ang katiwalian ng Kasalukuyang Gobyerno, binatikos mo ang mga nagawang PAGNANAKAW ang kurapsyon na sakit na ng ating bansa. Saludo ako sa ginawa mong pambabtikos dahil nararapat naman talaga na Halungkatin ang mga korapiyon sa GOBYERNO. Pero Nakakalimutan nyo po ata na Hanggang ngayon ay wala paring linaw ang Paratang sa Inyo ng pagnanakaw sa kaban ng BAYAN. Bilyoon Bilyong pera na hindi parin ninyo sinasagot. Kung magpapratang po tayo sa kasalukuyang pamamahala siguraduhin po natin na nasagot din po natin ang mga paratang sa atin upang sa ganuon ang kompyansa at tiwala ng PILIPINO ay manumbalik sa inyo. Ilang beses po kayo inimbitahan ng Senado para sagutin ang mga paratang sa inyo pero sinabi nyo na bakit kayo haharap eh kung hinusgahan na kayo ng sambayanan. Isa sa mga punto na dapat kayo po ang makakasagot ng deretso.

 

2010 Pa lang po ay nagpakita na kayo ng interest sa mas mataas na Posisyon. Kung iyon din po ang araw na kayo ay tatakbo baka sakaling binoto ko po kayo. Pero Lumipas ang mga taon at unti unting lumabas ang tunay ninyong hangarin sa bayan natin. Maawa ka VP BINAY kung meron man kayong nararamdaman. Namimigay kayo ng isang banal na rosaryo na may nakaukit na letter “B”. Para saan po iyon para sabihing banal kayo at walang bahid dungis na pati ang relihiyon na kinalakihan ko at ng ibang Pilipino ay ginamit nyo sa inyong pansariling ambisyon. Nanlumo ako sa ginawa nyo di ko alam na kaya nyong gamitin ang isang relihiyon alang alang sa ambisyon nyo.

 

VP Binay Kung sakali pong manalo kayo (Hwag naman sanang pahintulutan) Isa po ako sa mag babantay sa bawat kilos na gagawin nyo na labag sa batas. Pero kung magaganda naman ang magiging takbo isa po ako sa susuporta sa inyo. Pero Bago po mahuli ang lahat sagutin nyo po kung saan napunta ang bilyong bilyong pera na nawala sa kaban ng bayan. Hwag po tayong mag paawa sa mga maralita o mahihirap nating kababayan, hwag po nating bilugin ang ulo nila, Hwag mo po silang lokohin. Naniniwala ako na maunlad ang MAKATI pero sa iilang lugar lang po ng Makati. Iikot po ninyo ang inyong ULO sabi nga ng isang Trangender Woman na si Maria Sofia Love, 360 ang ikot para Makita mo ng buong buo ang nasapaligid mo.

 

VP Binay Lahat na po ata ng paninira ay kaya nyong gawin para lamang manalo. Hwag po nating kalimutan ang Dasma incident na kinasangkutan ng mga anak mo. Kawawa ang mga Security Guard na inagrabyado ng mga anak mo. Hwag din po nating kalimutan ang paratang sa atin ng pagnanakaw. Hwag nyo din po sanang kalimutan ang hangarin ninyo na magpatuloy ang pamilya nyo sa politika na minsan ay tumutol narin kayo sa pamamalakad ni MARCOS. Hwag ninyong kalimutan na lahat ng ginagawa nyo ay Drama lang po ninyo para humingi ng simpatya sa mga mahihirap  na tao.  Hwag din po ninyong kalilimutan na bawat Relief goods na pinamimigay nyo ay may nakalagay na pangalan nyo. Asan po ang sensiridad sa bawat ginagawa nyo.

 

Para sa mga kababayan kong Pilipino sa susunod na halalalan pumili po tayo ng pinuno na alam natin ay may malaking maitutulong sa bansa natin, Lider na alam natin na iyon ang nasa puso natin. VP BINAY Inuulit kop o n asana ay sagutin nyo sa Senado ang mga paratang sa inyo!

 

Lubos na gumagalang,

Kapitan Pinoy

Date, Sex and Goodbye: RelationSHIt goal


“Maraming surpresa ang buhay. Hindi mo alam kong kailan ka magiging masaya at kung kailan ka naman magiging malungkot. Pero sa kabila nito dapat ay matuto tayong tanggapin kung ano man ang mga ibinigay sa atin.”

Date

Masarap sa pakiramdam na pagkatapos ng isang hindi masayang relasyon ay may nakikilala pa tayong ibang tao na magbibigay ulit ng kulay sa buhay natin. Makikilala mo sa hindi inaasahang pagkakataon, pagtatagpuin ang landas nyo sa isang lugar na kung saan ay pareho ninyong pinang galingan.

Kikilalanin nyo ang isa’t isa at magiging palagay kayo sa bawat salita na inyong binibitawan. Ibibigay mo ang tiwala sa unang beses nyong lumabas. Hahanapan mo ng pagkakapareha ang bawat ninyong galaw at salita. Sadyang magiging masaya ka sa bawat oras na kasama mo sya. Parang may kung anong pakiramdam ang hindi mo mapaliwanag sa t’wing napapangiti ka nya. Aangkinin mo ang oras nang kayo ay unang magkakilala. Mauulit at mauulit ang pakiramdam na iyan sa tuwing kayo ay lalabas o mamasyal. Isasabay nyo na lang sa hangin ang bawat biro na inyong binibitawan. Oh kay sarap mainlove sa hindi inaasahang pagkakataon. Matapos ang sakit na naranasan ay may isang bagay at pinto na magbubukas para ibalik ang ngiti mo sa labi.

Sex

Masarap sa pakiramdam na ang inaalayan mo ng init ng iyong katawan ay iyong taong alam mong nagpapaligaya sa iyo. Masarap sa pakiramdam na nagpapalitan kayo ng init ng katawan sa isang lugar na alam mong kayo lang ang naririto. Ibinibigay mo ang isang bagay na alam mong dapat lang ibigay sa taong alam mong nagiging masaya ka pagkasama sya.

 


Mararamdaman mo ang romansa sa bawat bahagi ng iyong katawan. Ibibigay mo ang nais nya dahil sa mahal mo sya. Iniaalay mo ang bawat halik mo sa kanyang labi dahil sa uhaw ka sa halik ng kanyang pagsinta. Matagal mo na ring hindi naranasan ang romansang nagbinigay sa iyo ng init at halong lamig sa katawan. Romansa na nagdadala sayong katawan sa kaba ng iyong pananabik. Masarap ang ibahagi ang iyong pagkatao sa taong alam mong siya ang karapatdapat dito. Yung taong pinanabikan mo sa tuwing titig sya sa iyo na parang hinuhubaran ka sa kawalan.
Goodbye

Matapos ang masasayng sandali na magkasama kayo, matapos ang mga init na naramdaman nyo ay agad siyang aalis ng walang paalam. Ikaw ngayon ay mag iisa at susubukang magsimula muli. Pipiliting kalimutan ang bawat saya na ibinigay nya. Pipilitin mong talikdan ang bawat palasak na salitang binitawan nya. Titingala ka at sasabihing kaya mo pang magsimula kahit ang alam mo ay mahirap at hindi alam kung paano maguumpisa.

Hindi nga sya ang karapat dapat sa iyo. Pinatawa ka at ngayon ay pinaiiyak ka. Hayaan mo ng lumayo ang taong nagpasaya sa iyo. Hayaan mo ng lisanin nya ang Magulo mong buhay, hayaan mong magsimula sa wala. Lumayo aka at kalimutan sya at magsimula ka ng pulutin ang mga pirasong sakit na naiwan mo sa sahig. Magsimula ka na parang walang nangyari at harapin ang katotohanan na marami ka pang makikilala na patuloy na mananakit saiyo hanggang sa matauhan ka. May makakasalamuha kang mas higit pa na sakit ang ipadarama saiyo. May makikilala ka na magbabalik ulit ng ngiti diyan sa mga labi mo. Magbibigay ulit ng kilig at magpaparamdam ulit ng init ng pananabik. Hwag kang matakot na maghanap, hwag kang matakot sumubok dahil ang buhay ay di napapagod na turuan ka ng leksyon. Hayaan mo lang na masaktan ka kung ang hinahanap mo naman ay ligaya. Hindi mo man maramdaman o makita sa simula baka sa huli ay masumpunga  mo na siya.
xoxo