Category Archives: politics

EDSA30: Ang Kasaysayan ng Lumang Limang daang Piso


“I had no idea of any danger that was facing me when i picked up the flower from the ground and walked towards the soldier to give it.”

Sariwa pa nga siguro sa atin ang mga nangyari noong panahon ng unang People Power sa ating bansa. Tatlong dekada na halos ang nakalipas, parang ang bilis ng mga panahon at halos kasing edad ko na ang unang rebolusyon na hinangaan ng buong mundo.

Pebrero 25, 1986 – Naganap ang pinakamatagumpay na rebulosyon sa pilipinas. Hindi armas ang umiral sa kahabaan ng Highway 45 o mas kilala na ngayong EDSA. Kundi daang daang tao na nakiisa na patalsikin ang dating pangulong Ferdinand Marcos.  Magulo ang mga kabanatang ito sa ating kasaysayan dahil dito natapos ang mahabang pamumuno ng mga MARCOS sa ating bansa. Mapapansin nyo na halos karamihan sa mga POLITIKO natin ngayon ay may naibahaging kasaysayan sa EDSA, Panget man o Maganda ay naging bahagi na rin sila ng kasaysayan.

Noong nakaraang taon isa sa mga talaga namang pumukaw sa atensiyon ko ay yung bata na nagbibigay ng bulaklak sa sundalo. Sabi ko pa nga sa sarili ko parang pamilyar yung eksena na iyon. Hinanap ko agad kong saan ko siya nakita at nalaman ko na ang eksena ng batang nag aabot ng bulaklak sa sundalo ay makikita o matatagpuan natin sa lumang LIMANG DAANG piso.

1934935_10206278047644818_2261073014260159112_n

Angelo Gutierrez, Mag ta-tatlong taon gulang lang siya noong unang magkaroon ng People power sa atin. Halos edad ng batang Kailangan pa ng atensiyon sa paglalaro sa lansangan at bata na hindi pa talaga lubos na nauunawan ang kalagayan ng bansa natin sa mga panahon nang PEOPLE POWER. Pero sa larawan makikita mo na kaya mong gumawa ng isang mahabang kwento habang tinititigan mo ang larawan. Napakaraming kwento ka ng maisusulat dahil sa isang larawan na umantig sa kamalayan ng sambayanang Pilipino.  Kung ngayon ay nauuso ang mga Viral Photos, Noon ang batang ito ang siya namang sumikat sa pahayagan at sa telebisyon dahil sa natatanging kaganapan na umantig sa puso ng mga taong nakiisa sa pakikibaka.

Natanong ko tuloy sa sarili ko. Kumusta na kaya ang batang ito at ano na kaya ang katayuan nya sa buhay? May nagbago ba sa pananaw nya tungkol sa ipinaglalaban noong panahon ng People power. Hinanap ko siya upang pakinggan ang mga kwento nya na halos talaga namang ini-ukit na ng ating kasaysayan. Hindi naman ako nabigo at nahirapan na hanapin siya dahil na rin sa bilis ng komunikasyon ngayon at sa tulong narin ng mga kaibigan ko at koneksyon na nakilala ko dahil sa social media. 

Kwento sa akin ni Angelo.

12037949_10206278002283684_6925683608480937416_n
“I had no idea of any danger that was facing me when i picked up the flower from the ground and walked towards the soldier to give it. At that time when people were gathering, di namalayan ng parents ko na lumakad ako papalayo sa kanila para pulutin yung flowers. Natakot sila for me when they saw me from afar, giving the flower.”
“No one told me to give flower to the soldier. I think its the curiosity in me when i was a child that made me do it. Siguro ginaya ko yung mga tao sa paligid na namimigay ng flowers. It did not have any impact on me at a very young age, but I’m happy that the act of giving the flower to the soldier was captured and it became meaningful to the event.”

 

 

Siguro nga ay maisasama na natin si angelo sa ating kasaysayan lalo na ngayon na hindi na natin ginagamit ang lumang limang daang piso. Mahigit dalawampung taon din nating ginamit ang pera na ito ngunit ang akala ko talaga noon na lahat ng makikita natin sa pera  sa likod nito ay ilusyon lang upang ilarawan ang mga kaganapan na nangyari sa ating bansa. Ipinag walang bahala natin na bahagi pala talaga ng kasaysayan natin ang mga larawan na nasa likod ng ating lumang perang papel. Natanong ko rin si angelo kung may nagbago ba sa kanya pagkatapos ng mga nangyari na yun o may kinalaman ba ito sa kung ano sya ngayon.

 

 

“Wala namang nagbago or wala namang special na nangyari sakin that I can link to the event other than being given the opportunity of having my picture placed in 500 peso bill. Very thankful ako for the experience that i will treasure for the rest of my life. It’s hard to believe na ako yung batang yun na nasa pera. Maski ako di makapaniwala and people won’t really believe at first.”

Hindi lang din ang batang angelo ang makikita natin sa likod ng lumang limang daang piso. Marami pang iba katulad ng hawak ni Ninoy na lumang modelo ng Kamera “Rollieflex”.

8002667-close-up-shot-of-500-philippines-peso-Stock-Photo

Sana sasusunod ay makausap ko naman ang sundalo at ang kumuha sa napakagandang larawan na ito. Ngayon nalalapit na nag eleksyon sana ay hindi na maulit ang nakaraan at sana ay maging matalino tayo sa pag pili ng bagong lider ng ating bansa.

10400789_10206277983763221_8506323564302548848_n
“Sa generation natin ngayon, always choose wisely sa iboboto and pray that the leaders who are most deserving and capable are the ones who will be elected.” – Angelo R. Gutierrez

Salamat Sa unang matagumpay na People Power.

**Special Thanks To Ruben Jay Alvarez.

 

 

Advertisements

Open Letter to VP BINAY


 

Dear Vice President Jejomar Cabauatan Binay, Sr.

Malayo layo pa ang lakbayin nang bansa natin patungo sa talaga namang maganda at maunlad na PILIPINAS. Bilang Isa sa pangalawang mataas na Lider ng ating bansa diba po ay responsibilidad nyo rin ang mga PILIPINO na na nanalig sa kaayusan ng ating bansa. Meron din po kayong kapangyarihan na maging maganda ang ating bayan.

Sa katatapos lang na SONA ninyo sa Cavite State University tila po ata nakalimutan nyo ang ibig sabihin ng SONA. Diba ito ay ulat sa bayan ng kung ano po ang mga nagawa at naiambag nyo sa ating bansa pero ni isa po sa mga linya ninyo ay wala akong narinig na accomplishment pulos paratang at pag sagot sa ginawang SONA ng ating Pangulo. Pulos batikos sa GOBYERNO na kinabibilangan ninyo. Naaalala nyo pa ba na ang isa sa mataas ng opisyal ng kapulisan ay minsan nyo nang binigyan ng pagkakakilala dahil sa magandang nagagawa nya sa usaping kapayapaan. (Senior Superintendent Elmer Jamias, Deputy Director of Southern Police Distict). Pero noong subukan nyang ikalma ang mga supporters nang anak nyo sa nakaarang kaguluhan sa MAKATI city Hall  ano po ang ginawa ninyo. Dinuro Duro nyo ang isang Pulis na ginagawa lang ang tungkulin nya sa bayan. Hindi nyo kinilala ang Batas na pinapatupad nya at hindi nyo man lang sinaluduhan dahil sa kagitingan nyang maprotektahan ang lungsod na minsan ninyong pinagsilbihan. Sa inyong nakaraang SONA nagbigay pugay kayo sa  Apat napot apat na  pulis na nasawi sa nakaraang kaguluhan sa MINDANAO, Sumaludo kayo at binigyan sila ng pagpupugay isa isa. Para saan po ang ginawa ninyo para sa simpatya na nais ninyo para sa pagrespeto sa kanila na kahit isa ay hindi namin naramdaman ang sinsiridad mo. ( Saludo ang sambayanang Pilipino sa SAF44)

 

Binatikos mo ang katiwalian ng Kasalukuyang Gobyerno, binatikos mo ang mga nagawang PAGNANAKAW ang kurapsyon na sakit na ng ating bansa. Saludo ako sa ginawa mong pambabtikos dahil nararapat naman talaga na Halungkatin ang mga korapiyon sa GOBYERNO. Pero Nakakalimutan nyo po ata na Hanggang ngayon ay wala paring linaw ang Paratang sa Inyo ng pagnanakaw sa kaban ng BAYAN. Bilyoon Bilyong pera na hindi parin ninyo sinasagot. Kung magpapratang po tayo sa kasalukuyang pamamahala siguraduhin po natin na nasagot din po natin ang mga paratang sa atin upang sa ganuon ang kompyansa at tiwala ng PILIPINO ay manumbalik sa inyo. Ilang beses po kayo inimbitahan ng Senado para sagutin ang mga paratang sa inyo pero sinabi nyo na bakit kayo haharap eh kung hinusgahan na kayo ng sambayanan. Isa sa mga punto na dapat kayo po ang makakasagot ng deretso.

 

2010 Pa lang po ay nagpakita na kayo ng interest sa mas mataas na Posisyon. Kung iyon din po ang araw na kayo ay tatakbo baka sakaling binoto ko po kayo. Pero Lumipas ang mga taon at unti unting lumabas ang tunay ninyong hangarin sa bayan natin. Maawa ka VP BINAY kung meron man kayong nararamdaman. Namimigay kayo ng isang banal na rosaryo na may nakaukit na letter “B”. Para saan po iyon para sabihing banal kayo at walang bahid dungis na pati ang relihiyon na kinalakihan ko at ng ibang Pilipino ay ginamit nyo sa inyong pansariling ambisyon. Nanlumo ako sa ginawa nyo di ko alam na kaya nyong gamitin ang isang relihiyon alang alang sa ambisyon nyo.

 

VP Binay Kung sakali pong manalo kayo (Hwag naman sanang pahintulutan) Isa po ako sa mag babantay sa bawat kilos na gagawin nyo na labag sa batas. Pero kung magaganda naman ang magiging takbo isa po ako sa susuporta sa inyo. Pero Bago po mahuli ang lahat sagutin nyo po kung saan napunta ang bilyong bilyong pera na nawala sa kaban ng bayan. Hwag po tayong mag paawa sa mga maralita o mahihirap nating kababayan, hwag po nating bilugin ang ulo nila, Hwag mo po silang lokohin. Naniniwala ako na maunlad ang MAKATI pero sa iilang lugar lang po ng Makati. Iikot po ninyo ang inyong ULO sabi nga ng isang Trangender Woman na si Maria Sofia Love, 360 ang ikot para Makita mo ng buong buo ang nasapaligid mo.

 

VP Binay Lahat na po ata ng paninira ay kaya nyong gawin para lamang manalo. Hwag po nating kalimutan ang Dasma incident na kinasangkutan ng mga anak mo. Kawawa ang mga Security Guard na inagrabyado ng mga anak mo. Hwag din po nating kalimutan ang paratang sa atin ng pagnanakaw. Hwag nyo din po sanang kalimutan ang hangarin ninyo na magpatuloy ang pamilya nyo sa politika na minsan ay tumutol narin kayo sa pamamalakad ni MARCOS. Hwag ninyong kalimutan na lahat ng ginagawa nyo ay Drama lang po ninyo para humingi ng simpatya sa mga mahihirap  na tao.  Hwag din po ninyong kalilimutan na bawat Relief goods na pinamimigay nyo ay may nakalagay na pangalan nyo. Asan po ang sensiridad sa bawat ginagawa nyo.

 

Para sa mga kababayan kong Pilipino sa susunod na halalalan pumili po tayo ng pinuno na alam natin ay may malaking maitutulong sa bansa natin, Lider na alam natin na iyon ang nasa puso natin. VP BINAY Inuulit kop o n asana ay sagutin nyo sa Senado ang mga paratang sa inyo!

 

Lubos na gumagalang,

Kapitan Pinoy

HIV: Ang Panganib ng Pulang Laso.


image

#Finally

The Love Yourself Inc.

Free HIV Test at Victoria Court Malate Manila May 17, 2015

just Click the link : Free HIV test Direction going to Victoria Court Malate

or register at Registration Form

March 2015, Naitala ang pinakamataas na kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus. 665 PLHIV o mahigit sa 21 ang nagiging positibo araw araw dahil sa sakit na ito.

Naitala ang pinakamataas na kaso ngayong taon at naitala sya sa buwan ng marso. Kahit sa patuloy na pakikibaka ng ating pamahalaan at ibat ibang NGO laban sa sakit na ito ay di parin maiiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa ating bansa. Hindi natin maiisantabi ang kadahilanang hindi sapat ang kaalaman ng iilan tungkol sa HIV. Marami na parin sa atin ang takot na mag patest ng ating HIV status Dahil na rin sa takot na baka malantad ang ating kalagayan pag nalaman natin ang ating kondisyon laban sa sakit na ito. Nawawalan tayo ng tiwala sa mga taong makakaalam ng ating kalagayan. Marami ang takot na baka magkaroon sila ng mga karanasan ng diskriminasyon sa ating lipunan o baka naman madami ang takot na malaman ang kanilang kalagayan dahil hindi nila alam ang pwede nilang gawin sa oras na malaman nila ang kanilang HIV status.

Confidential HIV testing and Counseling

Ayun sa ating batas na RA 8504 o HIV/AIDS law of 1998. Nararapat o karapatan ng bawat isang pilipino na malaman ang kanilang kalagayan ng may laya at hindi sapilitan. Karapatan nilang magkaroon ng confidentiality sa sakit na ito. Karapatan nilang magsampa ng demanda sa bawat diskriminasyon na matatangap nila kung sakaling sila ay Positibo. Diskriminasyon sa Trabaho, Paaralan o kahit sa lipunan na kanilang ginagalawan. Isa ang The love yourself Inc. Sa nagbibigay ng tama at wastong counseling sa mga taong nais na malaman ang kanilang kalagayan. Libre at propesyonal ang bawat member nito sa pagbibigay ng wastong counseling sa mga nagpupunta dito. Ang iba sa kanila ay certified RITM change agent at DOH certified Counselor na naglaan ng ilang buwan at araw para maging sertipikado sa larangan na ito. Pre at post test counseling ang serbisyong ibinibigay nila. Libre ang HIV testing at sigurado ang confidentiality ng inyong resulta.

ARV Drugs

Sa Ngayon wala naman talagang gamot upang masugpo ang HIV sa loob ng katawan ng tao na PLHIV. Pero meron namang gamot na binibigay ang ating gobyerno upang malabanan ang mga maaring sakit na maiduuulot ng HIV. Gamot na magbibigay sa inyo ng kahulugan nang salitang may Pag asa. Ang HIV ay parang Diabetes o altapresyon na nangangailangan ng maintenance para mapanatili nating malakas ang ating pagangatawan. HIV is not a death sentence.

Sino ba ang pwedeng magkaroon ng HIV?

Bata, Matanda, Babae man o lalake ay maaring malagay sa panganib ng pagkakaroon ng HIV. Hindi dahil sa kung ano ka o kung ano man ang sekswalidad kaya ka magkakaroon ng HIV, kundi sa kung ano ang ginagawa mo sa pagkakaroon nito. Sa maling kaalaman tungkol sa HIV ay maaring malagay ka sa panganib o mailagay mo ang sarili mo sa pagkakaroon nito. Hindi mo maisasa walang bahala ang HIV status mo lalo na kung may mga pagkakataon sa buhay mo na naging progresibo ka sa iyong mga kilos at ginagawa.

Paano ba nakukuha ang HIV?

Dugo, Semilya, Hema o vaginal fluid at gatas ng ina ang mga pangunahing likido na maaring makahawa sa oras na lumabas ito sa taong mayroong HIV.  Unprotected sexual intercourse o hindi pag gamit ng condom, Blood to Blood products o pagsasalin ng dugo na hindi dumaan sa tamang proseso at Mother to child transmittion o ang mga inang nagbubuntis at nagbuntis na positibo sa HIV.  Iyan ang mga paraan kong paano makukuha o magkakaroon ang isang indibidwal ng  HIV.

Know your status

Karapatan mo na malaman ang iyong kalagayan para naman na sa oras na ikaw ay negatibo ay malalaman mo ang mga pamamaraan para makaiwas sa sakit na ito at kung ikaw naman ay positibo malalaman mo rin ang mga paraan upang maiwasan ang pag salin pa nito sa ibang tao at sa ganyun din ay malalaman mo na maraming handang tumulong sa inyo. Kung ikaw ay positibo maaring mabago mo pa ang konotasyon mo sa sakit na HIV. Hwag kang matakot may gamot naman na nagbibigay alaga para sa ating katawan upang maiwasan ang pagpasok pa ng ibat ibang uri ng mga sakit.

Paano ito maiiwasan (Triangle of Self Care)

Sapat na kaalaman at edukasyon tungkol sa sakit na ito ang tangi nating panlaban upang hindi na kumalat ang HIV sa ating bansa. Pakikipagtulungan at sapat na pagkalinga at pang unawa ang mga tulong na pwede nating ibigay.

T3 o Timely Testing and Treatment.

Mag pa test at mag pa counsel tuwing tatlong buwan lalo na kung may mga bagay kang ginagawa na maglalagay sayo sa alanganin ng pagkakaroon nito. Kung malaman mo naman ang iyong status at ikaw ay positibo maari kang makipagugnayan sa RITM o sa gobyerno at mga NGO upang masimulan mo na ang gamutan.

S3 o Safe and Satisfying Sex

Ang pakikipagtalik ay normal sa ating mga tao na nasa hustong gulang. Ngunit ang hindi pag protekta sa iyong sarili ay hindi magandang gawain ng isang indibidwal na may sapat na kaalaman tungkol sa HIV o sa mga bagay na maglalagay sa atin sa alanganin. Maging ligtas sa bawat ginagawa natin upang maiwasan natin nag mga bagay bagay na maari nating pagsisihan sa huli.

C3 o Correct and Consistent Condom use.

Tamang kaalaman sa pag gamit ng condom at lubricant hindi basta bastang ipinapasok. Maaring maglagay ito sa alanganin ng pagkasira ng condom sa oras na mali ang paglagay at pag gamit ng lubricant. Iba na ang may alam. Protektahan mo ang iyong sarili at ang iyong kabiyak o partner.

BE MUTUALLY FAITHFUL

Ikaw at ako lang ay sapat na. Isa sa magandang ugaliin ng bawat isa na nasa relasyon. Matotong makuntento sa kung ano ang nakahain upang maiwasan ang pagkasira ng buhay at relasyon.

Hwag kang matakot na malaman ang iyong kalagayan. Labanan natin ang HIV. Sugpuin natin ang sakit na ito upang sa kinabukasan ng ating pamilya at mga susunod na henerasyon. Hwag kang magpahuli sa balita ng pagiwas dito. Hindi pa huli ang lahat hindi ito ang katapusan ng bawat nating pangarap.

Know your status and LOVEYOURSELF

 

SALUTATORIAN: The Controversial Speech of graduation 2015


 

“A Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by cheating. Adios!”

-Krisel Mallari

Kailan at saan ba dapat inilalagay ang kalayaan nating makapagsalita? kailan ba dapat itigil o patigilin kung ito ay sobra na. Saludo ako sa tapang ng bata na ito na ipahayag ang kanyang saloobin.

Watch the Video below:

 

——FULL SPEECH

BY: SALUTATORIAN OF Sto. NiÑo Parochial School Quezon City. Krisel Mallari

A pleasant morning to my fellow batchmates, to my teachers, guests, welcome to the 13th Commencement Exercises. Sa okasyong ito ay pinipili kong magsiwalat sa wika na aking kinagisnan, ang wikang Filipino o wikang Tagalog. Taong 2004 ng una akong umapak sa silid-aralan ng eskwelahang ito, upang mag-aral. Ngayon, makalipas ang labing isang taon, ay narito ko sa inyong harapan upang ibahagi ang aking karanasan at magbigay-aral. Sa bawat taon na lumipas ay puspusan ang pag-aaral na ginawa ko sa eskwela, naniwala ko sa patas na labanan. Sa pagtatapos ng school year na ito’y isang hakbang nalang ang layo ko sa finish line, ngunit sa pagdating ko rito’y naglaho ang pulang tali na sisimbolo sana sa aking tagumpay, naglaho nga ba o sadyang kinuha? Maraming tao ang nagbulag-bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda-duda. Ngunit di ko ito tinuluran, ipinaglaban ko ang sa tingin ko’y tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino na palaban at may takot sa Diyos. Chismis, isang piyesta ng chismis ang inabot ko ng pinagmukha nila akong masama. Ganun talaga minsan, pag umayon ka sa kung alin ang tama, ikaw pa ang lumalabas na mali. Di na nga nila pinakinggan ang iyong hinaing, nakuha ka pa nilang laitin. Kung sinasabi niyong wala akong acceptance, marami ako niyan, pero pano kong tatanggapin ang isang bagay na di naaayon sa katotohanan. Para san pa ang aking dedikasyon sa pag-aaral at hustisya kung di ko naman ito ipaglalaban. Sa kabila ng nangyari ay masaya padin ako, tulad nga ng laging sinasabi sa teleseryeng Dream Dad, “Maganda ang buhay”, kaya bakit ako mag-aaksaya ng oras sa kanila kung mas maraming mas kapaki-pakinabang na bagay ang pwede kong gawin. Ngayon ay may piling indibidwal akong gustong pasalamatan, ito yung mga tao na sumuporta sakin sa kabila ng eskandalo na idinulot ng ipaglaban ko kung ano ang sa tingin ko ay tama. Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Diyos, isa siyang ama, kapatid, kaibigan na naging sandigan ko sa lahat ng pagkakataon, sa hirap at ginhawa. Sa aking ama, dad salamat, salamat kasi ni minsan ay di mo kami sinukuan, salamat kasi naniwala ka sa kakayanan ko, salamat kasi ipinaglaban mo ko kahit pa sumama ang tingin sayo ng iba, salamat kasi ikaw si Ernesto Mallari, ang haligi ng tahanan na nakukuha paring magpatawa kahit alam ko na sa loob niya ay nahihirapan na siya. Sabi nga sa isang pelikula ni Robin Williams, “You are the world’s greatest dad”. Sa aking ina, isang napakalaking thank you, siguro nga’y madalas akong makulitan sa’yo dahil sa madalas mong pangangaral, paulit-ulit nga siguro ang mga sinasabi mo, pero ma, yan ang tunay na dahilan kung bakit the best ka, dahil di ka tumitigil na pangaralan kami pag alam mong naliligaw kami ng landas. Talaga ngang totoo yung kataga na “Mother knows best”. Sa pinakamaganda kong ate, Ate Kat, salamat kasi ikaw ang pinaka nakakaintindi sa mga hilig at pinagdadaanan ko bilang isang babae, ikaw ang aking selfie buddy, church buddy, at shopping buddy na pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto. Sa napakatalino kong kuya, Kuya Kerwin mainitin ang ulo mo, medyo mayabang ka nga siguro, at medyo tamad mag-aral; pero ang di alam ng marami, busilak ang puso mo, salamat kuya, sa pagturo sakin na manindigan pag alam kong ako ang nasa tama. Sa napaka-cute kong kapatid, salamat Kristine, ikaw na siguro ang pinakamatuturing kong tunay na BFF. Julia, Clang, Katrina, Faye, Dane, Nico at sa iba pa, napatunayan niyo sakin na tama ang katagang “quality over quantity”, siguro nga’y di kayo karamihan, pero alam ko na bawat isa sa inyo ay maaasahan at mapagkakatiwalaan ko, kaya salamat! Sa mga teachers na napalapit na sa aking puso, Ma’am Factora, Mam Calanoga, Mam Amil, Mam Garcia, Mam Restor, Mam Castillo, Mam Acacio at Sir Francis, nagsilbi po kayong pangalawang magulang ko, salamat po. At siyempre pa, sa mga taong bumabatikos at nagbibigay ng negatibong komento sa akin, isang napakalaking thank you, kayo ang dahilan kaya’t mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral, tulad nga ng sinabi ng basketbolistang si Dwyane Wade, “My belief is stronger than your doubt”. Panibagong kabanata ang aking haharapin, bilang isang accountancy student sa University of Santo Tomas. Panibagong hamon na nakangiti kong haharapin. At para sa ating lahat mga kapwa ko graduates, ito’y isang mahalagang kabanata kung saan natin gagawin ang pinakamahalagang mga desisyon sa ating buhay. Kaya naman good luck sa inyo, at good luck din para sa kinabukasan ng paaralang ito. Let me finish this in style and say my last words in the vernacular language of the world. I am Krisel Mallari, a Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by cheating. Adios!

 

Open Letter To Sen. Grace Poe (From FaceBook comment)


gp

Isa lang naman ang masasabi ko kahit na anong galing mo may masasabi parin ang mga taong bumoto at nakapaligid sa iyo.  Goodluck Sen. Grace Poe.

Nakita ko lang sya isa sa mga nag comment sa post at may point nga naman sya. Kayo na po ang bahalang humusga.

————————————-

View previous comments for Sen. GRACE POE… Aron Garo Razalle MANILA, Philippines — A Senate draft report found President Benigno Aquino III responsible for the Mamasapano operation, Senator Grace Poe said on Tuesday. Dear Madam Grace Poe, I agree he is responsible but he is not liable for a failed Police operation. For example, you directed your staffs to gather evidence and in the process somebody got killed, are you criminally liable? There were so many failed Police and Military operations in history. In 1972 Munich Olympics, six Israeli athletes, five Israeli coaches and one German police officer were massacre/killed by the terrorists, in a FAILED POLICE OPERATION. Nobody was prosecuted nor was held liable because it was a FAILED POLICE OPERATION. No one, not even the officer who directed the FAILED OPERATION, nor the chief of police were held liable. That is why I totally disagree with your findings that the President can be held liable and can be impeached. There is too much political influence in that senate investigation. At first I admired your sincerity and honesty, but my observation was that you got carried away by your fellow senators who wants to bring down a good president. I say a good president because he is fighting the root cause of POVERTY which is CORRUPTION in the government. And those people who wants to bring down the president are the CORRUPTS and THIEVES in the Government. Our country will move backward to the Marcos Enrile Era where political enemies are killed, tortured and jailed, if these evil conspirators successfully bring down a good president. Good as in NOT A THIEF. I hope madam senator, you will not let your children and their children live in the old rotten society of CORRUPTION. The fight on corruption have just begun with Pres. Aquino’s term, 50 years of corruption cannot be eliminated in six years especially when many corrupt officials with billions of stolen taxpayers money are still around. Their stolen billions is very powerful to influence the mass media, the voters, the bishops, the judiciary and many more money can buy. Just look at the Supreme Court in the case against the People of the Philippines versus Erap Estrada. The Judges ruled in favor of a CONVICTED CRIMINAL to run the government of Manila. The supreme court ruling have set a precedent to all the Judges in the entire country that it is MORAL and JUST for a CRIMINAL to run a government of a country. An ordinary citizen need a police clearance and NBI clearance to get accepted for a job. How can we explain this to the children of the future??? The Supreme Court of the land has just LEGALIZED CORRUPTION…May GOD help and save the Philippines and its People… its about good and evil not politics…

 

Don’t English me, I’m Panic.!!


Credit to the Owner
Credit to the Owner

Isang sentence lang ang alam ko di nyo naman sinabi na essay ang kailangan.”

 

Oh well papel. I don’t know where to start, Do i need to write this article in a full english blog or do i…… Shit nose bleed.. Any way ayokong mag pretend na napaka galing ko sa Ingles ayoko din namang subukan kasi baka magka epistaxis ako. Bakit ba marami sa atin ang hirap sa INGLES pero pilit parin nakikipagsabayan sa madlang bayan sa pagbigkas ng wika na ito.

Kanina lang sa coffee shop sa may Greenfield may grupo ng mga babae sa kabilang lamesa, They are so Konyo, you know.Tagalog tapos kunting Ingles tapos tagalog ulit tapos Ingles ulit. So pasosyal Duh! Then they make inum the milk tea for almost 2hrs at di parin nila maubos. Its so unlimited ba? Wala naman sa akin iyon walang judgement huh. Promise di ko talaga sila hinusgahan. May mga kakilala nga ako na pag nagsalita ng English aba tinalo pa ang BOKABULARYO ko. Ang sakit sa tenga mag Ingles kulang na lang kumuha ako ng silbato at hipan ko para mapahinto ko sya. Yung tipong pilit sumasabay sa usapan nang mga taong dala dala ang buong edition ng Merriam (ME RA YAM) dictionary. Dudugo na nga ang tenga mo sa pakikinig aba dudugo pa ang ilong mo sa pagsasalita na alam mo naman na one english per minute Lang ang kapasidad mo. Inuulit ko di po ako nanghuhusga.

Meron din naman na pag nagsalita ng Ingles napakasarap pakinggan, pero subukan mong isulat at intindihin ulit malilito ka na kung saan nya inilagay ang tinatawag nilang subject verb agreement. May mga ganyan na ang galing mamuna lalo na pag nagkamali ka. Asahan mo in full english subtle pa ang reply, pero pag inintindi mo mali din naman.

Well i don’t want to pretend that i know everything in this world, Im not a jugde promise hahahaha.. Ano daw?. Ganyan ganyan alam mo ng mali pilit ka parin ng pilit hanggang sa buong senaryo ay magkakamali kana. Marunong naman akong mag english hello nakapagtapos ako ng ilang school year english lang yan so chicks. In tagalog sisiw ( ay plural may “S” ) eh di mga sisiw.

Marunong naman tayong mag english iyon nga lang di lahat sa atin may kapasidad na makipagsabayan at may kakayahang bumuo ng isang pangungusap sa english na hindi nagkakamali. Minsan tayong mga pilipino kasi  ang basehan minsan ng katalinuhan ng isang tao ay ang kakayahan nyang makipagsabayan sa inglesan o kaya naman ang basehan ng estado ng isang tao ay nakakapagsalita ng Ingles. Hindi ko naman kayo masisi diyan dahil english is our 2nd language. Pero hwag naman sanang pag tawanan kung ang kaibigan nyo ay hindi marunong o hindi komportable sa lingwahe na ito. Malay mo marunong pala silang mag french, latin o espanyol eh di tinalo ka pa sa pagiging lingwistik nya.

Masarap kasi minsan na nailalabas mo ang saloobin mo sa salitang komportable ka iyong alam mo na walang hahadlang sa bawat salitang binibitawan mo, iyong walang pupuna sa bawat balarilang masasambit mo. Payo ko nga kaibigan kung di mo kayang magsalita sa english ng tuloy tuloy magtagalog na lang. Masarap pa sa tenga at mas nauunawaan pa ng karamihan.

Promis di ka namin huhusgahan dahil lahat naman tayo nagkakamali din minsan.

May mga tao naman namagaling sa pagsusulat ng ingles pero pagdating sa konbersasyon eh doon na nagkakatalo. Meron din ako mga kakilala na nakapasok lang sa call center aba hindi na marunong magtagalog ( Eh di Wow ). Naalala ko na naman tuloy yung kapitbahay naming OFW aba dalawang taon lang halos sa hongkong pagbalik sa pinas nakalimutan na agad magtagalog. Hmm di ko lang mapuna na minsan mali na sya mag Ingles pero ayun si ate sige parin ng sige. Nag isip tuloy ako kung mga puti ba ang nakatira na sa hongkong kasi ang alam ko sinakop lang sila ng britanya, pero mga tsino parin naman ang nandoroon.

Natatawa parin ako sa kasambahay ng boss ko, English only policy kasi ang kailangan pag kakausapin mo ang mga anak nya. Minsan narinig ko sya nagsalita sya kasi humihingi ng pagkain ang alaga nya sabi nya. ” WET BEBI JUST WET.” aba sumagot ang alaga nya “OK YAYA IM WETING”. ( anak ng JUETENG naman )Napalunok na lang ako ng laway. Minsan kasi wala sa mali ng grammar ang english minsan nasa pronunciation (pronountion) din naman. Magaling ka nga mag english pero ang tigas naman ng bawat pagbigkas mo eh di lalong naging komplikado (Bisdak AKo).

Mahirap nga malaman kung ano ang tama at maling ingles dahil maraming pinagmulan ang lingwahe na ito. Maraming salita na nagpasalin salin sa bawat bansa at maraming salita ang nabubuo sa english na minsan ay mag kasing iba na nang kahulugan. Kung pag aaralan natin ang lingwahe (english) masasabi natin na tayong mga pilipino ay may pinakatamang pagbigkas at tamang pagbaybay sa mga pangungusap na ito, kaya lang tayo rin ang may pinakamapanghusga sa bawat isa na nagkakamali ng paminsanan sa pag iingles. Masyado tayong perpekto sa sarili natin na minsan nakakalimutan natin na nakakasakit na tayo.

Be your self and everyone will be true to you. Don’t english me beacause my capacity to communicate in english is very limited and it’s up to the person who im talking. Hahhhahah What?? Im panic. Don’t English me in 1 2 3 4 5 *Nose bleed.

Xoxo

VIDEO: Only One reason Why PMA should allow LGBT in the Academy


pma

Bakit ba? masaya ang bakasyon papuntang baguio lalo na kung makakapunta ka sa Philippine Military Academy.

The Badets Of PMA Class  1898.

Note: Katuwaan lang po wag seryosohin. Bawal ang SAD dapat Happy.

Video Credit to Josh Bernarte via You Tube JOSH BURNE

Feel Free To share. Good Vibes everyone!!

EDSA 29: NOY NOY Parin


Web-Banner-2-940x310
Photo Credit to edsapeoplepower.com

Naaalala pa ba natin ang pinakamatagumpay  at mapayapang Rebolusyon  sa pilipinas na  hinangaan sa buong Mundo. Sumasariwa pa ba sa ating mga kaisipan ang tunay na diwa nito.

EDSA, isang malawak at isa sa pangunahing kalsada dito sa pilipinas, isa rin sa pinakaabalang lansangan sa kamaynilaan. Kalookan, lungsod ng Quezon, San Juan, Mandaluyong, Makati at Maynila ang mga pangunahing lungsod na kinabibilangan ng kalsadang ito. North-South Circumferential Road,  Avenida 19 de Junio at Highway 54, isa lamang sa mga ipiningalan sa ngayon ay sikat na sikat na EDSA.

Ano nga ba ang diwa ng EDSA people power para sa atin at sa mga makabagong henerasyon. Kasing tanda ko na halos ang unang EDSA people power. Alam kaya ng karamihan sa atin na ang PEOPLE POWER ay hindi binubuo kundi kusang nabubuo. Bakit sa tuwing may ayaw tayo sa isang pangulo ay ito ang nagiging dulugan natin upang ipagsigawan ang DEMOKRASYA na pilit natin isinisik sa ating bukabularyo, salita na gasgas na gasgas na at sobra na nating ginagamit. Demokrasya na kailan man ay hindi na mawawala sa atin. Masyado na nga ba tayong abusado sa pag gamit ng salitang ito.

Marami na ang pangulo ang napatalsik o kahit hindi man napatalsik ay idinaan lahat sa EDSA. Gaya noong napatalsik si MARCOS, pagkatapos nang EDSA1 nakaramdam tayo ng kalayaan pero may nagbago ba? Ilang Kudeta ang sumiklab dahil na rin sa kanaiisan ng ilan na sila ang umupo at mamuno sa ating bansa, ilan ba nag nag nais na pamunuan ang pilipinas. May nagbago ba sa ating bansa pagkatapos ng lahat? Nakinabang ba ang mga tao na nasa kalsada sa pinagsigawan nila? Siguro OO ang sagot, pero mas higit na nakinabang ang mga taong nasa likod ng malaking pag aaklas na ito at sila pa ngayon ang may makapangyarihan sa ating bansa, sila ang mas higit na nakinabang hindi ang mamamayan. EDSA2 pinatalsik si ERAP dahil tiwali at Mandarambong daw? Pagkatapos, ang mashigit na nakinabang si GMA. May nangyari ba sa daan daang kaso na isinampa? May nangyari ba sa mga tao na sumali at umaklas laban sa dating administrasyon? Meron, may mga nakinabang sa pangyayari pero ang talo parin ang MAMAMAYANG PILIPINO. Nagpatuloy parin ang kurapsyon at patuloy na hindi umunlad ang bansa natin. Kinasuhan ng ilang kaso pero ano ngayon ang nangyayari mukhang nakakalimutan na nating mga PINOY.

EDSA3? May pinatunguhan ba ang mga maralita na sumama sa pag aaklas na ito laban sa administrasyon ni GMA. Wala! dahil natapos ni GMA ang kanyang termino at patuloy parin ang pagsulong ng kaso at sa sumunod na termino nya ipinatong ang mga problemang naiwan nang kanyang administrasyon.

Ngayon sumisigaw tayo na patalsikin si PNOY dahil sa kapalpakan at kamaliaan na nagawa nya sa kanyang pamumuno. Naiisip ba natin na pag katapos nito ay may mangyayari ba sa atin o makikinabang ba lahat tayo sa hangarin natin na pababain sya sa pwesto? Tayo ba ang makikinabang o ang mga BUWAYANG nasa likod ng planong EDSA4? Ilang EDSA ba ang pwede nating gawin upang makita natin ang nararapat na pinuno sa ating bansa. EDSA ba ang sagot sa bawat nating paghihimagsikan? Kung namili ba tayo ng matinong leader ng ating bansa noong eleksyon may EDSA kaya na tatawagin. Kung hindi natin pinagbibili ang boto natin at hindi tayo nagpapadala sa kasikatan ng tao may EDSA kaya ulit?

Masyado tayong nagpapadala sa kung ano ang binubuyo ng MEDIA na minsan naman ay sila ang isa sa pinakamagaling na MANUNULAT ng kasaysayan ng PILIPINAS. Bakit ang bilis nating sumuko ng hindi man lang tayo lumalaban at hindi natin ilaalam kung ano ba ang mangyayari pag katapos ng ating mga PAG AAKLAS. Tayo ba talaga ang makikinabang o ang mga POLITIKO na gahaman sa kapangyarihan.

ANG EDSA o PEOPLE POWER ay kusang Nabubuo gaya ng sinabi ko. Hindi sya isinusulsol ng mga ITIM na politikong may masamang hangarin sa ating mga pilipino. TAMA na siguro ang minsan ay naging matagumpay ang EDSA REVOLUTION.  Sana sa susunod na pumili tayo ng LEADER ay maging matalino tayo at maging mapagmasid sa bawat kilos ng mga taong gahaman sa ating bansa.

 

#JUSTSAYING