Tag Archives: AIDS

HIV: Bakit nga ba?


Anim na taon ang nakaraan ng makakilala ako ng mga taong hindi ko akalain na magtuturo sa akin ng isang bagay na hanggang ngayon ay mamahalin ko. Isang libro ang nagpamulat sa akin sa kahalagahan ng bawat buhay na meron tayo. Anim na taon nakakilala ako ng apat na tao na magpapamulat sa akin sa isang sakit na hindi ko lubos maisip na unti unting babago sa buhay ko, isang sakit na unti unting kumikitil sa mga taong nakikilala ko. 

Wala akong magawa na kahit ang mga dasal na pwede kong ialay ay hindi na mabisa. Hindi ako mahina at hindi rin ako baldado upang hindi ko masimulan ang isang bagay na pwedeng makapagpabago sa buhay nila. Habang lumalapit ako sa isang adbokasiya ay siya namang pagdating ng mga dating kaibigan na napako sa isang nakaraan na kanila ng pinagsisisihan. Unti unting nauupos ang liwanag na dala ko at unti unting lumalamlam ang dala nitong liwanag. Wala akong magawa kundi ang akapin sila sabay ng pagbasak ng aking mga luha. 

Anim na taon ang nakakaraan nang hindi ko rin makita kong saan ba ako patungo. Hindi ko masumpungan kong ano ba ang nais ko sa buhay. Madami ang tumatakbo sa isip ko na pilit kong nilalabanan. Naging pabaya ako sa aking sarili na kahit ang sarili ko mismo ay hindi ko na kilala. Inilayo ko ang mundo sa mga taong dapat ay pinahalagahan ko. Nilamon ako ng isang takot na baka sakaling wala akong magawa. Hindi ako isang bayani na aakapin ang problema ng iba. Para akong natutulog sa isang lugar na ang nakapaligid ay ang sarili ko na hindi ko rin makilala dahil sa mga maskara na naka balot dito. 

Gumising ako sa sa isang lugar na puno ng pag asa. Bumangon ako sa isang pagsubok na dapat kong gawin. Hinarap ko ang takot at sinimulan ko ang pagtulong sa aking sarili. Binago ko ang anyo ng aking kalungkutan at binalikan ko ang kahapon na maaring makatulong sa aking haharaping misyon. 

Narito ako sa isang adbokasiya hindi dahil isa ako sa mga taong nangangailangan ng tulong. Isa ako sa mga taong tinawag upang makatulong. Kahit anong hirap ng aking hinaharap ay pinipilit kong lumaban para sa mga tao na kailangan ako. Sa lugar ko ngayon ay bumuhos ang napakaraming luha. Bumubos ang luha ko sa mga kaibigan ko na malapit sa akin na ngayon ay kailngan kong tulungan. Masakit pala na makita mo silang malungkot. Dati kasama mo lang sila sa saya. Ngayon na nasa gitna sila ng kalungkutan ay sasamahan ko parin sila sa lahat ng aking makakaya. 

Hindi ko pinili ang adbokasiya na ito. Tinawag ako at inilagay sa kinaroroonan ko hindi dahil pinilit ko kundi dahil ang tadhana ang naglagay sa akin dito. Habang tumatagal ay lalo akong tumitibay at lalong lumalalim ang pagnanasa kong tumulong sa mga tao na aking nakikilala. Nilagay ako sa posisyon na ito upang maging tenga ng bawat tao na makakasalamuha ko. Unti unti ng lumiliwanag ang hawak kong ilaw. Unti unti ng bumabalik ang taglay nitong liwanag. 

Ngayon habang kaya ko ay gagawin ko hindi dahil kailangan ko kundi dahil sa kagustuhan kong makita ang halaga ng bawat isa na nabubuhay. Gusto kong ipakita ang halaga nila na kahit sa umpisa ay nagkamali sila, pwede pa nilang itama ang mga pagkakamaling ito. Lalaban tayo hanggang sa dulo at babangon tayo sa tuwing tayo ay nadarapa. 

Salamat

Advertisements

In the HIV counselor’s eyes


“Maliit na sulok ng kwarto, Nababalotan ng lamig at katahimikan. Wala kang maririnig kundi mga panaghoy ng isang taong umikot ng makailang beses ang buhay sa isang iglap.”

Ramdam ko ang kalungkutan sa t’wing ibibigay ko ang resulta sa mga nagpapa-test para malaman ang kanilang Status (HIV) . Sa sobrang tahimik bago ko buksan ang sobre na naglalaman ng resulta ay halos naririnig ko na ang kalabog ng kanilang dibdib dahil sa kaba at takot. Mga emosyon na naghahalo sa tuwing sasabihin ko na ang resulta ng kanilang isinagawang HIV test. 

Bilang isang counselor mahirap na sa iyo magmumula ang isang resulta na magpapabago sa kanilang emosyon. Kailangan mong ilagay ang napakatahimik na sitwasyon sa isang komportableng usapan para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ng bawat isa. Habang umaandar ang oras para sa aming counselor ramdam ko na ganoon naman katagal ang paghihintay ng ilan sa pag bukas ng aming bibig, pagbukas ng bibig namin nababangitin ang bawat letra na magbibigay sa kanila nang panlalamig ng katawan.

“Reactive” walong letra na nagpanginig sa kanilang laman mga letra na ayaw marinig ng kahit sino man pag nasa ganoong sitwasyon ka. Kita ko ang pangingilid ng luha ng bawat nakakausap ko, panginginig na sinasabayan ng panlalamig ng mga palad at pagpapawis kahit ang paligid ay nababalutan ng lamig. Nakakabinging panandaliang katahimikan ang nararamdaman ko. Nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang pagyuko. Nakikita ko ang sakit at pagsisi sa bawat pag bukas sara ng kanyang mga palad. Unti unti nyang ititingala ang kanyang ulo at deretsong titingin sa aking mga mata, mangungusap ang mga ito na parang sinasabing sabihin ko sa kanila na ako ay nagkamali lang sa aking binitawan.

Pero Hindi ko mababago ang resulta at kahit na ang kapalaran ng iba. Gustuhin ko mang baguhin ngunit hindi ko magagawa. Gusto ko man silang akapin pero ayokong ipakita na kinakaawaan ko sila dahil gusto kong makita nila na kahit na ganoon ang resulta sila ay tao parin na may pakinabang at dapat lumaban.

Unti unting mababasag ang katahimikan namin dahil sa mga katanungan at kasagutan na dapat nilang malaman. Unti unting mawawala ang panlalamig ng paligid dahil sa kagustuhan na malaman nila ang susunod na hakbang. Pero sa tingin ko na kahit anong simple ng paliwanag na gawin ko at kahit gaano kalakas ang boses ko mananatiling komplikado sa kanila ito at mananatiling bulong ang bawat boses ko dahil sa kanilang kaisipan na lumilipad at hindi lubos na nauunawan ang mga pangyayari na nagpabago sa kanilang emosyon. Ang bawat boses ko ay parang usok sa kanilang paningin na unti unting naglalaho na kahit nakikita mo nang malinaw ay mawawala na lang dahil sa hindi sila handang makinig o dahil balot parin sila ng takot. Takot sa katotohanang kanilang narinig.

Isang malalim na bugtong hininga ang kanilang bibitawan. Hininga na hinugot sa kailaliman ng kanilang tapang. Unti unting bubuka ang bibig nila at magsisimula ulit akong simulan kong ano ang nauna kong sinabi. Liliwanag ang paligid sa kanilang maririnig. Mula sa kadiliman ay para silang dinala sa liwanag ng pag asa. Pag asa na ang buhay ay tuloy tuloy lang, na ang mundo ay umiikot sa lahat at hindi lang sa kanila. Muling magbabalik ang ingay ng kwarto, unti unting madadag dagan ng init ang apat na sulok nito. Babalik sa dati kong saan nagsimula at magtatapos sa pag asang kaya pang lumaban.

Normal ang lahat ng bagay pagkatapos ng mabigat na pag uusap. Unti unting mababanaad sa kanilang mukha ang pag asang mabuhay na kahit sa kabila ng sitwasyon may pag asa para lumaban. Kitang kita ko na habang papalayo sila ay dala-dala parin nila ang bigat ng nangyari. Uuwi sila at magmumokmok at iisipin ang bawat oras na nagdaan. Bibigat ang nararamdaman na parang kong ano ang dinidikta ng kaisipan ay iyon ang nangyayari sa kanila. Panghihinaan ng loob at iiyak hanggang sa makatulog at sa pag gising isang malakas na nilalang na haharapin ang problema upang bigyan ng solusyon hindi para bigyan ng isa pang problema.

-Fin

Can we eliminate HIV?


Everyday I was able to meet different kind of people including Newly diagnosed PLHIV, Young people suffering from Depression because of this infection. Bakit ba halos araw araw may mga bagong Narereport na kaso? Ano bang mali sa atin? Meron bang mali sa ginagawa natin o may kulang ba sa mga ginagawa natin. Nakakakilala ako ng mga tao na infected sa HIV. Nakakausap sila kung saan at sa papaanong paraan nila maaring nakuha ang Virus na ito. 

Sa dinami dami na ng nakausap at natulungan ko, may mga pagkakataon parin na bibigay ka at manghihina ka lalo na kung kaibigan mo mismo ang binibigyan mo ng suporta upang palakasin ang loob. Minsan tatanungin ko ano ba ang pagkukulang ko bilang kaibigan? ako ba ang nagkulang o sila ang hindi nakinig sa mga sinasabi ko. pero hindi iyon ang oras na kailangan kong sisihin sila o ang sarili ko, Oras iyon upang harapin kung ano yung bagong simula na kailangan naming pagtagumpayan at labanan. Marami na akong kaibigan na malapit sa akin ang Namatay dahil sa komplikasyon dulot ng HIV. Namatay ang ilan sa kanila na walang kalaban laban at kaalam alam na meron na sila sa loob ng katawan nila. Namatay ang iba na alam ang kalagayan nila pero huli na dahil nasa higaan na sila ng karamdaman, Huli na ng malaman nila na meron na sila dahil huli na nang magsisi sila. May mga nakakausap ako na tanggap ang kalagayan nila dahil sabi nila ito ang kapalit sa kanilang naging maling desisyon. 

The statistic or the reported cases of HIV here in the Philippines are exponentialy increasing, Halos buwan buwan ay domoduble ang bilang ng HIV sa bansa natin. Halos araw araw may mga bagong naaapektohan ng sakit na ito. Stigma ba talaga ang kalaban natin sa HIV? Diskriminasyon ba na nagmumula sa ibang tao ang kalaban natin o ang sarili mismo natin ang kinakalaban natin. Natatakot ang iba kung kakilala na magpatest dahil takot silang malaman kung ano ang kalagayan nila. Bakit ka matatakot kung malaman mong Positive ka? Takot ka sa sasabihin ng iba o takot kang mamatay? kung takot ka sa sasabihin ng iba bakit kailangan ba nilang malaman? kung takot kang mamatay bakit ka natatakot malaman ang status mo kung alam mo naman sa sarili mo na 2016 na at wala ng namamatay sa HIV. Hindi naman huli ang lahat. Matakot ka kung isang araw ay kagaya ka ng mga kaibigan ko na sa huli na nalaman at hindi na nila kaya pang lumaban.

Nakausap ko ang nanay sa isa sa mga kakilala at nakausap kung PLHIV. Tinanong ko kung papaano nya tinanggap ng sabihin ng anak nya na PLHIV siya. Sinabi sa akin ng nanay lahat lahat ng katigasan ng ulo ng anak nya. Hindi siya nagkulang bilang magulang sa pag papaalala ng pag iingat. Inakap nya ang anak nya ng buong buo at tinanggap kung ano ang kalagayan nito. Anak nya iyan at hindi nya hahayaang malugmok ulit sa pagkakamali. Mahal nya ang anak nya dahil bunga ito ng pagmamahal nya sa asawa nya. Hindi nya itinakwil o pinagalitan kundi inakap nya pa upang iparamdam na di sya nagiisa. Pinaramdam nya na dalawa nilang lalabanan ang kung ano mang inpeksyon na meron siya. Kaya iyong kakilala ko buong buo ang pag asa na malalabanan nya ang lahat lahat.
Can we eliminate HIV? Yes we can. Umpisahan mo sa sarili mo. Hindi sapat ang alam mo lang ang sakit na ito, dapat alam mo rin kung papaano mo maiiwasan at dapat alam mo kung kailan tama na at sobra na ang ginagawa mo. Hindi pa huli ang lahat. 

Ngayon marami pa akong kaibigan na unti unting nawawala, Pero marami parin akong kaibigan na patuloy na lumalaban at patuloy na nabubuhay ng normal. Kagaya mo kagaya ko na pag humarap sa salamin iisa lang ang nikikita isang malakas at masayahing nilalang. Hindi naman talaga huli ang lahat. Hindi naman katapusan ng mundo o ng buhay mo pag nalaman mong PLHIV ka. Dahil sa bawat pagbabago o balitang nakukuha natin ay isang panibagong kabanata ng buhay natin na dapat ay ipagpatuloy at wag na wag tutuldukan. Marami dyan na hindi mo alam na mas matindi pa ang pinagdadaanan sa iyo pero nakukuha paring ngumiti dahil sa positibong pananaw sa buhay. Early detection and early diagnosis we can eliminate HIV. 

Hwag kang magpadala sa takot na malaman ang katotohanan dahil iyang takot mo baka iyan ang ikamatay mo. Hindi naman masamang makipagtalik kahit positibo ka, kaligayahan mo yan na hindi naman kayang ibigay ng iba. Dapat lang alam mo kung paano mo maiiwasan pang maipasa ito sa iba. Dapat laging may proteksyon at kaakibat na pagiingat para saiyo at sa iyong kapareha. Hindi naman natatapos ang kaligayahan ng isang tao sa isang masakit na kasagutan. Natatapos lang ang kaligayahan mo kung ikaw mismo ang tatapos nito. 

xoxo

HIV: POSITIVE life


Lagi na lang tayo nakakabasa o nakakarinig ng mga balita tungkol sa HIV. ilan na naman ba ang maapektuhan  ng sakit na ito araw araw. Ilan na naman ba sa mga Pilipino ang magiging positibo dahil sa Sakit na ito. 

Limang taon na ang nakalipas ng una akong sumubok na mag pa kuha ng dugo upang eksaminin ito sa isang sakit na tinatawag na HIV. Kaba, pawis at panginginig ng katawan ang naranasan ko bago sabihin sa akin ang resulta, marahil kaya ko naramdaman ang mga ito dahil na rin siguro na alam ko ang mga nakaraang ginawa ko na maaring maglagay sa akin sa alanganin sa pag kakaroon ng sakit na ito (HIV).  Ang tindi ng tibok ng puso ko na halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng counselor ko. Tagaktak ang pawis at hanggang palad ay nararamdaman ko ang pagtulo nito. Gusto ko na ayaw na marinig ang mga susunod na sasabihin ng kaharap ko. Damang dama ko ang bawat minutong dumadaan na halos kay bagal ng oras sa mga sandali na iyon

Paano kung Reactive ang magiging resulta ng test mo” . Parang may kumalimbang na matining na kampana sa tenga ko at para akong binibusan ng napakalamig na tubig sa mga tanong na narinig ko. Hindi ako nakasagot agad dahil sa kaba na baka Positive  ako kaya niya ako tinatanong ng ganoon. Walang narinig sa akin na sagot ang kausap ko, hanggang sa ipakita na lang nya ang nakalagay sa papel na NON REACTIVE or NEGATIVE. Gusto kong umiyak ng mga panahon na yon at parang gusto kung sumigaw ng napakalakas at gusto kong akapin ang taong kaharap ko dahil sa magandang resulta na nakuha ko. Mula noon ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na gagawin ang mga bagay bagay na mag lalagay sa akin sa alanganin. 

Akala ko mapapanindigan ko ang pangako ko. Patuloy parin ako sa mga makamundong ginagawa at hindi ko na naman iniisip ang magiging resulta nito sa akin. Patuloy kung ginagawa ang mga kilos na itinatawag ng aking laman. Patuloy kong inilalapit ang sarili ko sa mga bagay bagay na maaring maglagay sa akin sa alanganin. Hanggang isang araw dumating ulit ako sa punto na mag papatest  ulit ako ng dugo para sa HIV. kung ano ang naramdaman ko noong una ay mas dinoble pa nito ang pinaramdam sa akin sa pangalawang pagkakataong mag papa test ako para sa HIV.  Sa hindi ko inaasahang resulta dahil alam ko na sa sarili ko ang pwedeng mangyari nakuha ko ang pangalawang resulta ko at NONREACTIVE  ang nakasulat. Dito na ako nakinig sa pangalawa o pangatlong pagkakataon na ibinigay sa akin. Nakinig na ako sa pagbatok sa akin at di ko na hinayaang itulak ako upang mas maunawaan ko ang mga pinag gagawa ko. 

Nagsimula na akong makakilala ng mga taong Positibo sa sakit na ito. Inumpisahan ko ang pagtulong sa maliit na paraan na magagawa ko hanggang sa unti unting di ko namamalayan na mismong mga kaibigan ko ang naging biktima ng sakit na to. Isang taon na halos ang nakakaraan ng may bumukas na pintuan sa akin. Pintuan upang mas palawakin ko pa ang kaalaman ko at mas mapamahagi ko pa ang karanasan ko. The Love Yourself inc.  Ang nagbigay ng pagkakataon sa akin upang mas makatulong pa ako sa komunidad na ginagalawan ko. Dito na ako nakatagpo ng mga tao na tinatawag natin ngayon na PLHIV o People living with HIV.  Unti unti kong narinig ang mga kwento nila na halos walang pagkakaiba sa kwento na naranasan ko. Nararamdamn ko ang bawat kaba nila sa tuwing sasabihin ko ang resulta nila. Nararamdaman ko ang bawat mahigpit na akap nila mg pasasalamat sa bawat tinik na nabunot sa kanila. Naging daan man ako sa iba na malaman ang kalagayan nila pero mas naging bukas palad naman ako na akapin ang pagkatao nila kahit ano pa ang resulta ng kanilang HIV test. Mas higit kung nauunawaan ang tapang ng mga PLHIV na harapin ang bagong hamon na ibinigay sa kanila. Mga PLHIV na matapang hinaharap ang bawat araw na kakaharapin nila. Mas naging malawak ang kaalaman ko sa mga bagay bagay na meron sila na hindi sa una o pangalawa mo sya makukuha o hindi dahil hindi ka naging tapat sa iyong kaparehas o hindi dahil sa kung ano ka kundi makukuha mo ito kung hindi mo iingatan at mamahalin ang sarili mo. Sabi ng mga kaibigan kong PLHIV “immunity lang ang  nawala sa amin hindi ang aming humanity”.  

hwag dapat tayong matakot na mag patingin o mag patest ng ating HIV status. Dahil sa bawat resulta na makukuha natin ay laging may pangalawang pagkakataon na ibinibigay sa atin. Pag  non reactive ang resulta, second chance para baguhin mo ang mga pagkakamali mo o pangalawang pagkakataon na baguhin mo ang mga bagay bagay na maglalagay sa iyo sa alanganin ( corect and consistent condom use) pangalawang pag kakataon na mas mahalin mo ang sarili mo.  Pag Reactive naman second chance para mabuhay ng maayos at masigla, second chance upang magpagamot at uminom ng gamot, second chance para mas alagaan ang sarili at mas mahalin pa. Hindi pa huli ang lahat.

Simple way to prevent HIV: Triangle of Self Care

Timely testing and treatment. Safe and satisfying Sex. Corect and Consistent Condom Use.