Tag Archives: Kwento

Ang tuldok. kuwit, tandang pananong? At tandang padamdam!


Nagsisimula na naman mag rambolan ang mga neurons ko. Yung buhol buhol na utak ko ay nasisimula na namang lumikot. Hindi na naman ako makatulog at mukhang matatapos ko ang isang epesode nang aking paboritong palabas sa Netflix. 

Hinihila na ako ng higaan pero ang utak ko ang likot parin at ayaw akong patahimikin. Madami na namang mga karakter na tumatakbo at naglalaro sa ulo ko. Iniisip ko kung bakit nga ba walang tuldok ang bawat kwento sa isip ko, walang tuldok na magtatapos sa kong ano ang nasimulan ko, dahil siguro nga ay may mga bagay na mahirap tuldokan, mahirap tapusin dahil sa simula palang walang kuwit na maghihiwalay sa bawat sakit. May mga pangngusap na nangangailangan ng tandang padamdam!para kahit hindi nya ramdam nasusulat mo naman. May mga pangungusap na may tandang pananong? na kahit alam naman natin na ang pinakamasakit minsan ay marinig ang isang tanong na walang sagot; kadalasan mas masakit marinig ang tanong kaysa sa sagot. Bakit mahirap gamitan ng tuldok ang isang kwento na gusto mo ng wakasan. May mga salita na kahit hindi patanong ay nangangailangan ng tandang pananong, dahil may mga tanong tayo na kahit hindi tayo sigurado ay nangangailangan parin nang isang sagot.

Ang dami ko ng nilagay na tuldok sa aking kwento……… mga sampung tuldok na nagpapahiwatig na gusto ko ng tapusin pero parang nagpapakita na may kasunod pa, parang kwento na lagi kung tinatanong kung para saan ba at para kanino ba? Babasahin mo ang sinulat ko nang walang boses na maririnig. Babasahin mo ang kwento ko nang hindi ka sigurado sa kung anong emosyon ang meron dito. Galit ako!!!!!! Yan ang pinapakita nang bawat tandang padamdam na nailagay ko. Pinipilit kong lagyan ng emosyon ang isang kwentong pa ukol sa ‘yo para ang sagot na makuha ko ay isang sagot na patanong na baka sakali ay magbago at hwag ko na lagyan ng tuldok ang isang storyang may simula pero walang pagtatapos.

Ang hirap tuldokan ang isang kwentong maganda dahil ang bawat kwento na sinusulat ko na para sa kanya, ay ayaw ko ng tapusin pa. Mahaba haba na ang nilalakbay ng bawat letra na aking tinitipa. Mga letrang pinipilit kong ilapat sa isang magandang kwento na tanging ako lang naman ang may akda. Isusulat ko at ilalathala ang bawat patanong na kwento at pilit kong lalapatan ng emosyon sa pag gamit ko ng tandang padamdam. Dahan dahan kang hihinga at pilit uunawain ang aking kwento gamit ang isang kuwit na nagbibigay hangin sa tuloy tuloy mong pagbabasa. 

Siguro nga, ayokong lagyan nang tuldok ang mga kwento ko dahil gusto kitang dalhin sa isang masaya at walang katapusang paglalakbay. Subalit ang bawat kwento na nakasulat sa pahina ay unti unti nang nabubura dahil sa aking pagluha. Hindi ko parin alam kung para saan ang gamit ng mga tuldok, kuwit, Tandang pananong at padamdam. Pwede ko bang gamitin ang tandang padamdam sa isang tanong ko kung BAKIT! Pwede ko bang gamitin ang tanda g pananong sa paglabas ko nang emosyon na MAHAL KITA? Pwede ko bang lagyan ng kuwit ang isang relasyon, para naman nakakapagpahinga ako sa bawat sakit na nakikita ko. Pwede ko na bang tapusin at lagyan ng tuldok ang isang pangarap na alam ko naman na dapat na talagang tuldokan. 

Siguro ang bawat tuldok, kuwit, tandang pananong at padamdam ay ginagamit upang ipahayag ng mas maayos ang bawat salita na gusto mong bigkasin. Simbolo sa pangungusap na nagpapaalala nang bawat emosyon na pwede nating ipakita, mga simbolo na ang tamang gamit ay depende kong paano natin dadalhin ang ating kwento.

Hala hindi ko na namalayan umaga na pala. Ang bilis ng pagikot ng orasan parang ikaw at ako na mabilis na umikot sa isang kwentong magtatapos dito. 

Fin

Advertisements

Kapitan Pinoy ang Bida ko Noon


Uso Noon ang mga drama sa Radyo na humubog sa kamusmusan ng bawat bata na ipinanganak sa dekada na kung saan ay hindi pa masyadong uso ang telebisyon. Naalala ko Noon sa tuwing hapon nakikinig na kaming apat na magkakapatid sa radyo at inaabangan namin ang pag sisimula nang pambatang drama. Siya si Kapitan Pinoy na ang nagbibigay kapangyarihan sa kanya ay ang kanyang mahiwagang medalyon.

Hindi pa uso ang Tv noon sa probinsya, halos bilang lang sa mga kapitbahay namin ang may TV kaya naman kaming magkakapatid kabilang na ako ay maagang gumana ang Imahinasyon sa pakikinig ng mga dula sa radyo. Minsan pag hindi na kaya ng baterya humihina ang lumalabas sa tunog ng radyo. Buhay ko noon ang radyo halos karamihan sa mga drama na kinagiliwan ng karamihan ay napakinggan ko. Tanda ko pa sa DZRH kami nakikinig at kong minsan ay humahanap kami ng magandang pwesto upang doon makinig. Nakadapa kami at naka pangalumbaba sa harapan ng radyo.

12722769_10208380848495444_1698298203_o
Art By Franco Moje

 

 

Si kapitan ang pinoy ang pangunahing karakter sa radyo na siya namang kinagiliwan ko. Kasama sa drama ay ang iba pang Super hero katulad nina Superman, Wonder woman, batman pati na rin ang sidekick nyang si robin. Talaga namang walang makakapigil sa aming magkakapatid sa tuwing maririnig na namin ang ” Isang araw, nagpupulong-pulong ang mga alagad ng kabutihan”. Halos hindi na maipinta ang ngiti namin dahil hudyat na iyon na magsisimula na ang palabas. Isang Boses na napakalaki na isinasalarawan ang bawat karakter sa radyo.

Si kapitan Pinoy ang una kong nakikilalang Pinoy Super Hero, Hindi  ko pa kilala si darna at si captain barbel. Talaga naman nabibitin kami sa tuwing matatapos na ang aming pinapakingan. Kasama si kapitan pinoy sa mga bumuo ng aking kabataan, kasabay ng paglalaro ng habulan, taguan, tumbang preso at syato sa daan. Sa tuwing sasapit naman ang tag-araw ay sabay sabay kaming magpupunta sa tabing dagat upang maligo at magtampisaw sa napakalinaw na agat ng aming probinsya. Si kapitan Pinoy ang batang super hero na hanggang ngayon ay hindi ko parin makita kong ano ba talaga ang tunay nyang itsura at kung sino ba ang taong nasa likod ng kanyang napaka amo at napakatapang na boses.

 

MOMOL: That Thing called Baguio


“Kung saan ang kalsada ay taas Baba at ang pag ihi ay limang piso at ang pangunahing transportasyon ay taxi.”

That Thing Called Baguio.

image

Masarap talaga sa lahat ang First time, lahat nang gagawin mo ay hindi mo makakalimutan. Lahat ng una ay magiging bahagi ng iyong magandang ala ala. Unang beses ko sa baguio at talaga namang namangha ako sa mumunti at nakakabilib na ganda nito. Biruin mo siyudad sa itaas ng bundok? Sakto ang klima, malamig at di naman ganun kainit. Sa dinami dami ng lugar na napuntahan ko na, ngayon ko lang narating ang baguio.

Ang iba sabi pumupunta sila dito para hanapin ang sarili para maglibang at makalimutan ang mga masasalimoot na nangyari sa kanyang buhay pag ibig. Parang sa pelikulang That thing called tadhana. Hindi mo man mahanap ang sarili mo pero paniguradong maaliw at malilibang mo  ang sarili mo lalo na kapag kasama mo ang mga kaibigan o barkada mo.

Everybody deserve to be happy, they deserve what they want to be in terms of  love. Di mo naman makikilala ang sarili mo sa pagpunta sa baguio kundi mamahalin mo lalo ang sarili mo sa bawat lugar na pupuntahan mo dito. Matutuwa ka sa bawat oras na ilalagi mo sa lugar na ito. Mamangha ka sa kalikasan na hanggang ngayon at kahit papaano ay nagagawa nilang pangalagaan.

Firts time ko sa baguio at talaga namang sinulit ko ang bawat lugar na pinupuntahan namin. Cafe by ruins, PMA school, Diplomat hotel, Our Lady  of lourdes grotto, Burnham park, Camp john hay, Good sheperd at ang sikat na Session road, ilan lang naman yan sa mga lugar na sinulit kong puntahan para sa ganun naman maramdaman ko ang pagiging turista sa baguio.

Mahabang byahe ang nagdala sa amin sa napakalayong lugar na ito, mataas na daanan patungo sa lugar na kung saan ang karamihan ay napapadpad para maging masaya at makalimutan lahat ng dapat makalimutan. No more drama sa lugar ng baguio na kung saan sa taxi, kung ano ang dapat mong ibayad siyang sukli naman na sapat ang makukuha mo. Kung sa bawat pag ihi ay may kapalit na kabayaran at papawiin ang bigat na iyong dinadala. Kung saan ang mga daanan ay paliko liko at pataas at pababa pero tiyak namang mararating mo ang lugar na gusto mo. Kung saan  kung anong ang ang ibinigay mo sa bawat tao na taga rito syang ngiti naman  ang ibabalik sayo.

Lahat nang ibinigay mo ay susuklian. Dito mo rin makikita ang loyalty sa isang lugar sa baguio PMA. ( Courage, Integrity, Loyalty ) na kung saan  ang katapatan sa isang grupo o relasyon ay iyong mararamdaman.

Hindi ito  ang huli ng aking paglalakbay patungo sa lugar na kung saan matatagpuan ko ang pangangailangan na hinahanap ko para sa sinasabi nilang That thing called tadhana.

Xoxo.

Mang Juan Dela Cruz

#PaintTheirHandsBack: Equal Love


Masyado na ngang malawak ang usaping sekswalidad sa ating bansa. Masyado na tayong nagpapatali sa kung ano  ang idinidikta nang ating nakaraan at ng relihiyon, Kung saan lalake at babae lang ang magkapareha at kasalanan ang parehong kasarian na nagmamahalan.

Masyado nating pinagsisigawan ang “Filipino Family traditon” . Na kung susumahin ay hindi naman nakakalimutan nang ating henerasyon. Nandyan parin naman ang tradisyon nang pag respeto at pagmamahal sa magulang at sa pamilya pero nawawala na ang tradisyon nang pag Mamano at ang pag gamit ng PO at OPO.

Malaya na ba tayo at malawak na ba talaga ang ating pang unawa sa usapin nang same sex relationship. Mali ba ang magmahal ang dalawang tao sa kakaibang paraan. Itinuro ba ng PUNONG NARRA na sinasamba nang ating mga ninuno noon na masama ang magmahal ng parehong kasarian. Itinuro ba ni bathala ang umiibig sa kakaibang paraan.

image
PHOTO credit to the owner

Bakit sa lipunan nating mapang husga Ok lang ang dalawang babae na magkawak ng kamay, Bakit ok lang sa atin na makita silang hinahalikan ang isat isa. Pero bakit bulag tayo at galit sa katotohanang pag ang dalawang Brusko ang naghawakan ng kamay at ang dalawang brusko ang naghalikan sa ating harapan ay hindi na agad maganda sa paningin nang iilan. Hindi ba sila tao na nagmamahal? Sila ba ay nilalang nang kakaibang PUNO na iniluwa sa kalupaan? Sila ba ay wala nang karapatan na lumigaya sa paraang alam nila.? Ito ba ang turo sa atin nang ating simbahan ang husgahan ang dalawang tao na nagpapakita nang karupukan sa usaping pag ibig. Ito ba ang itinuro nang simbahan natin na itakwil ang mga taong ganito dahil mali at marumi sa paningin nang DIYOS nyo?. Iniutos ba nang DIYOS na husgahan sila at isumpa? Kung gayon ang turo nang inyong DIYOS di nyo ako kaisa kung sino ang pinaniniwalaan nyo. Ang alam kung DIYOS ay mapagmahal at walang paghuhusga.

Kung ang mga leader ng simbahan ay magpaaakatotoo lamang sa kung ano ang itinuturo nila eh hindi sana tayo ngayon ay may pag kakaiba. Tanggap na ba talaga nang lipunan natin na si ADAN ay minamahal din ang Kapiraso nang kanyang laman. Pwede ba na si adan ay inihugot sa puso ni adan at si eba ay sa tadyang na maaring pinaghugutan din ng eba sa kabila ng kanyang puso.

Wag tayong impokrito sa kong ano ang totoo at sa kung ano ang hindi. Dahil kahit kailan hindi mali ang umiibig sa kapareho mong kasarian, dahil ang tunay na mali ay kung ano ang idinidikta nang kaisipan nang iilang mapanghusga. Hindi kasalanan na umibig sa kakaibang paraan ang kasalanan ay ang humusga nang hindi mo nalalaman.

Xoxo

Pwede ang taym pers! Promise.


Heto na naman ako, habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA ay gumagana na naman ang aking Emosyon ay este Emahenasyon. Gising na gising pa ang mga kulot kong neurons, ang sisigla pa nila at patuloy parin sa pag talon kahit mag aalas dose na nang umaga sa aking orasan. Habang lulan ako ng isang BUS patungo sa lugar kung saan ang aking destinasyon. teka lang nandyan ang konduktor at ako ay sinisingil na.

Sa pagpapatuloy nang aking kwento, ngayon ko lang napansin meron na palang SM na tinatayo sa may Sangandaan, siguro naman di na mahihirapan ang mga taga rito na magtungo pa sa MOA o sa monumento upang dayuhin ang isa pang Mall. Sa totoo lang wala namang koneksyon ang mga nadaanan ko sa aking sinusulat, hindi ko nga alam kung anong kwento ba ang isusulat ko dahil sa lamig ng bus na nasakyan ko.

Naiisip ko lang pwede rin naman pala ang mag taym pers pagdating sa isang relasyon, yung tipong teka muna pwede bang cool off . Shit eto na naman ako sa aking mga hugot moments. Bakit ba kasi biglang tumugtog sa radyo ang kanta ng paborito kong foreign band ang air supply, Bakit Here I am pa ang pinatutog, alam kaya nila o ng DJ na paborito ko ang kanta na ito at alam ba nila na kasalukuyang nagsusulat ako nang pang makabagbag damdaming kwento, yung kwento na paluluhain ang mga mambabasa ko. Hahahhaaha..

Trapik parin sa EDSA  parang ako lang na di maka move on move on sa mga hugot ko. Parang itong katabi ko na nakikibasa sa kung ano ang tinitipa ng aking mga daliri. ( OO ate ikaw nga, nakikita kita sa gilid ng mga mata ko. ) Oh diba biglang nagpatay malisya si ate kunwari di nya nabasa na patungkol sa kanya ang sinulat ko. Pwede bang taym pers muna ako sa pag ibig, pwede bang taym pers muna at pagod pa ang puso ko na mag mahal. Di ba nga kong pwede langnturuan ang puso na hwag masaktan at hwag nang magmahal eh matagal ko ng ginawa, Kaso hindi pwede dahil kusa itong tumitibok sa tamang oras at kusa rin itong nasasaktan sa maling panahon.

EDSA parin, di ba nga sabi ko trapik parin at ang EDSA ay napakahaba parang buhok ni ate na nakasabay ko sa jeep kanina, feeling ata model ng shampoo at ayaw itali ang buhok na tumatama at humahampas sa mukha kong makinis. LOL. Para maramdaman ni ate na tinatamaan ako at maramdaman nya na di ko feel ang split ends nya inipit ko ng bahagya para kunwari naipit sa kung saan man, e di nasaktan sya at doon nya naisip na hawiin after a very very ewww moments na ginawa nya.

Taym pers muna. di pala maganda ang magsulat sa cellphone habang umuusad ang bus at habang lubak lubak na kalsada ang dinadaanan. Nakakahilo sa totoo lang, nasusuka na ata ako.

Iba na naman ang katabi ko sa Bus!. Alam nyo na malayo ang pinang galingan ko at syempre malayo din ang destinasyon ko. EDSA parin pero sa ngayon nasa gitnang parte na ng EDSA, Wala ng trapik pero marami paring pasahero sa kalsada.

Taym pers muna ako sa pag ibig dahil wala pa namang dumarating na bagong magpapakislot ng aking pihikang puso hahaha.  Pero hanggang kailan ito eh meron namang bago na kumakatok, Kumakatok nga ba eh bat nakapasok na. Well wala naman talaga sigurong salitang taym pers sa taong di takot magmahal at di takot na masaktan ulit. Kasama naman diba ang masaktan pag nagmahal ka. Kasama rin naman ang umiyak pag nasaktan ka. Pero sino ba ang may karapatang mag sabi nang Taym pers. Ikaw ba na nasaktan o ikaw na nanakit. Hmpft ewan basta ang taym pers sinasabi ko lang noon nyan pag hingal na hingal na ako sa paglalaro ng habulan. Masarap nga maging bata Nuh? Dahil noon tuhod mo lang ang nasusugatan at nagdurugo.

Medyo malapit na ako sa aking destinasyon at sa pagkakataong ito dalawa na ang katabi ko sa bus. Mag ama ata sila may dalang mga bag mukhang pinalayas este mukhang may pupuntahan o galing probinsya at pauwi na sila. Taym pers muna at baba na ako.

Nakahiga na rin ako sa aking malambot at amoy lumad na kama, Pero bakit ganun napaka himbing parin nang aking tulog. Any way balik tayo sa usapang LOVE. Kailan ba talaga dapat sabihin ang salitang TIME FIRST? ( Taym pers ). Pwede ba talagang hingiin natin ito sa oras na ayaw na natin sa taong akala natin mahal tayo, O kailangan na nating hingiin ito sa taong akala natin ay mahal tayo? inulit ko lang ata, nahalata nyo ba?  May taym pers ba talaga pag nagmahal ka ng sobra sobra at may taym pers ba pag mahal mo pa ang tao pero ayaw na nya sayo.

Ang gulo diba? Pero ok lang yan sigaw ka na lang ng TAYM PERS pag alam mo nang pagod na pagod kana, malay mo ibigay na din naman nya sayo, Ibibigay nya sayo kung kailan sobrang pagod kana at di na kayang tumakbo pa para maghanap nang iba. Ganyan ang laro ng buhay. Hwag kang matakot na mapagod at hwag kang magdalawang isip tumakbo. Go lang nang Go hanggat kaya pa at hanggang humihinga ka pa.

Ako`y matutulog na Baka sakaling sa panaginip ko ay habulin nya ako at baka masabi ko ang salitang taym pers.

xoxo

image
Photo Credit to the owner