Tag Archives: paasa

Ang tuldok. kuwit, tandang pananong? At tandang padamdam!


Nagsisimula na naman mag rambolan ang mga neurons ko. Yung buhol buhol na utak ko ay nasisimula na namang lumikot. Hindi na naman ako makatulog at mukhang matatapos ko ang isang epesode nang aking paboritong palabas sa Netflix. 

Hinihila na ako ng higaan pero ang utak ko ang likot parin at ayaw akong patahimikin. Madami na namang mga karakter na tumatakbo at naglalaro sa ulo ko. Iniisip ko kung bakit nga ba walang tuldok ang bawat kwento sa isip ko, walang tuldok na magtatapos sa kong ano ang nasimulan ko, dahil siguro nga ay may mga bagay na mahirap tuldokan, mahirap tapusin dahil sa simula palang walang kuwit na maghihiwalay sa bawat sakit. May mga pangngusap na nangangailangan ng tandang padamdam!para kahit hindi nya ramdam nasusulat mo naman. May mga pangungusap na may tandang pananong? na kahit alam naman natin na ang pinakamasakit minsan ay marinig ang isang tanong na walang sagot; kadalasan mas masakit marinig ang tanong kaysa sa sagot. Bakit mahirap gamitan ng tuldok ang isang kwento na gusto mo ng wakasan. May mga salita na kahit hindi patanong ay nangangailangan ng tandang pananong, dahil may mga tanong tayo na kahit hindi tayo sigurado ay nangangailangan parin nang isang sagot.

Ang dami ko ng nilagay na tuldok sa aking kwento……… mga sampung tuldok na nagpapahiwatig na gusto ko ng tapusin pero parang nagpapakita na may kasunod pa, parang kwento na lagi kung tinatanong kung para saan ba at para kanino ba? Babasahin mo ang sinulat ko nang walang boses na maririnig. Babasahin mo ang kwento ko nang hindi ka sigurado sa kung anong emosyon ang meron dito. Galit ako!!!!!! Yan ang pinapakita nang bawat tandang padamdam na nailagay ko. Pinipilit kong lagyan ng emosyon ang isang kwentong pa ukol sa ‘yo para ang sagot na makuha ko ay isang sagot na patanong na baka sakali ay magbago at hwag ko na lagyan ng tuldok ang isang storyang may simula pero walang pagtatapos.

Ang hirap tuldokan ang isang kwentong maganda dahil ang bawat kwento na sinusulat ko na para sa kanya, ay ayaw ko ng tapusin pa. Mahaba haba na ang nilalakbay ng bawat letra na aking tinitipa. Mga letrang pinipilit kong ilapat sa isang magandang kwento na tanging ako lang naman ang may akda. Isusulat ko at ilalathala ang bawat patanong na kwento at pilit kong lalapatan ng emosyon sa pag gamit ko ng tandang padamdam. Dahan dahan kang hihinga at pilit uunawain ang aking kwento gamit ang isang kuwit na nagbibigay hangin sa tuloy tuloy mong pagbabasa. 

Siguro nga, ayokong lagyan nang tuldok ang mga kwento ko dahil gusto kitang dalhin sa isang masaya at walang katapusang paglalakbay. Subalit ang bawat kwento na nakasulat sa pahina ay unti unti nang nabubura dahil sa aking pagluha. Hindi ko parin alam kung para saan ang gamit ng mga tuldok, kuwit, Tandang pananong at padamdam. Pwede ko bang gamitin ang tandang padamdam sa isang tanong ko kung BAKIT! Pwede ko bang gamitin ang tanda g pananong sa paglabas ko nang emosyon na MAHAL KITA? Pwede ko bang lagyan ng kuwit ang isang relasyon, para naman nakakapagpahinga ako sa bawat sakit na nakikita ko. Pwede ko na bang tapusin at lagyan ng tuldok ang isang pangarap na alam ko naman na dapat na talagang tuldokan. 

Siguro ang bawat tuldok, kuwit, tandang pananong at padamdam ay ginagamit upang ipahayag ng mas maayos ang bawat salita na gusto mong bigkasin. Simbolo sa pangungusap na nagpapaalala nang bawat emosyon na pwede nating ipakita, mga simbolo na ang tamang gamit ay depende kong paano natin dadalhin ang ating kwento.

Hala hindi ko na namalayan umaga na pala. Ang bilis ng pagikot ng orasan parang ikaw at ako na mabilis na umikot sa isang kwentong magtatapos dito. 

Fin

Advertisements

Noong minsan may TAYO


Masaya tayo na nagtatawanan nagbibiroan at niyayapos ang sandaling magkasama. Noong minsan ay may tayo, pinangako mo na ikaw lang at ako doon sa sa upuan kong saan tayo unang nagtagpo.

Pinangako mo ang mga salitang “Mahal mo ako” at napaniwalang ito ay totoo. Habang binibigkas mo sa mga labi mo ang mga katagang pangako ko, ay para akong isang kahoy na ipinako mo sa kinatatayuan ko.

Binuhos mo ang kilig sa katawan ko na para bang ikaw ang una at huling taong mamahalin ko. Mahal kita! yan ang binitawan mo habang ang mga mata mo ay nakatitig sa mga mata ko. Nakatitig ang mga mata mo na parang Tala na nagbigay liwanag sa puso ko. Nakita ko ang katotohanan at pagsusumamo mo na kahit bulag itong puso ko ay naramdaman ko naman ang mga katagang sinasambit mo, Tumatagos ang bawat linya na binibigkas mo. Linya na dumadaloy sa dugo ko patungo sa puso ko  at ang puso ko ay ibinubuga ito kasabay ng pagtibok nito.

Noong minsan ay may tayo, gumawa ako ng isang tula na ang bawat talata ay binibigkas ko na may saya at lambing. Lambing ng isang nagmamahal at nabubulag sa pagmamahal. Gumawa ako ng tula upang ipakita sa iyo na kahit ang mga tala ay kumikinang sa kinatatayoan mo. Liwanag ang nakikita ko dahil sa pagkakataong iyon nabulag ako sa liwanag na inihatid nito.

Pinakilig mo ako na parang isang halaman na ngayon lang nadiligan. Pinaramdam mo ang salitang tayo sa maraming tao na kahit ang mga mata nila ay nanlilisik sa panghuhusga ng makita nila ang dalawang lalake na naghahawak kamay na hindi alintana ang mga taong akala mo ay nakasutana. Hinawakan mo ang mga kamay ko kasabay sa paghigpit nito na ang pangakong ngayon ay tayo ay hindi magbabago.

Pero Natapos ang minsan na may tayo ng makita kita sa parehong lugar na may pinapangakuan at inaalayan ng parehong pagmamahal na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang kab0g ng dibdib ko. Kumakabog sa kaba at lungkot na ang dating linya na binabangit mo ay unti unting nanunuot sa puso ko. Linya ng pagmamahal na ngayon ay gumuguhit at nagdadala ng sakit sa puso ko.

Tumayo ako sa di kalayuan habang kayo ay pinagmamasdan. Nakangiti ka sa kanya gaya ng mga ngiti na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang lungkot at poot ng makita kitang hinawakan ang kanyang mga kamay gaya ng paghawak mo sa aking mga kamay noong minsan ay may tayo. Nakita ko ang saya sa labi at mga mata mo habang kinakausap mo sya at nakatitig ka sa mga mata nya.

Lumakad ako papalapit sa inyo upang malaman mo na ako ay nandirito, na handang patawarin ang kamalian mo. Pinilit kong kausapin ka upang ibalik ang salitang TAYO, pero mas pinili mo ang bago mo, na kapareho lang halos ng pagmamahal na ipinakita mo noong minsan ay may salitang TAYO.

Lumakad kayo papalayo sa akin. unti unting nawawala sa paningin ko na halos hindi na matanaw ng mga mata ko. Habang dating tala na meron ako ay unti unting nawawala ang kinang nito. Sabay sa paglayo nyo ay ang pagbuhos ng ulan na para bang sinabayan ang pagbagsak ng luha ko. Lumakad akong nakayoko upang hindi makita ng mga tao ang sakit na meron ako, Sakit na dulot ng mga salitang binitawan mo noong minsan ay may Tayo.

Natapos na ang minsan ay may tayo. Nakita kitang nakatayo sa harapan ko. Malungkot at lumuluha.Ang dating tala na napundi ang liwanag ay unti unting kumikislap.  Inakap mo ako at umiyak dahil nasaktan ka sa pagpili sa kanya. Nasaktan ka ng iwanan ka nya na ang pangako na ginawa mo sa akin noon ay ginawa nya sa iyo pero sa huli ay minsan lang din na may Kayo. Ang tala ko na akala ko ay ptuloy na sa pagkinang ay tuluyan ng naglamlam.

Inakap kita nang sobrang higpit, Inakap kita na may kasamang tayo na lang ulit. Pero ang mga akap mo ay akap nang sakit na naramdaman mo sa taong minahal mo. Inakap mo ako upang damayan ka, hindi upang mahalin ako. Binitawan na kita upang mahalin sya at kahit masakit na hindi na pala pwede talaga ay pinilit ko na talikuran ka. Ngumiti ako sayo at ngumiti ka rin sa akin tanda na tayo ay magkaibigan na.

Tinalikuran kita gaya ng pagtalikod mo sa mga pangako mo. Tinalikuran kita habang ako ay lumuluha, Tinalikuran kita habang ang bawat salita na lumalabas sa aking puso ay sobrang sakit na. Mga salitang umasa ako na baka pwede pa?

Sana tayo na lang ulit, Sana ako na lang ulit. Pero hindi ko naramdaman yan sa mga akap mo. Dahil ang naramdaman  ko ay ang sakit na naranasan mo ng ikaw naman ay iwan ng taong totoong minamahal mo. Lumayo na ako sa iyo upang iparamdam na OKAY na ako. Pinaubaya na pala kita matagal na. At sa wakas binitawan ko na ang pag asang sana ay may tayo ulit. Sa huli, paalam sa unang tao na nagbigay ng salitang TAYO.
~fin

Trending: TIPS PARA PANSININ NI CRUSH


 

1. Iwasang maglike sa mismong status at picture. Ilike lang yung mismong reply niya sa mga comment para solo mo ang notification.

2. Kapag nagpost siya ng picture, wag agad ilike. Baka matabunan lang ng ibang likers kapag nakisabay ka. Pakalmahin at pahupain ang sitwasyon. Wag sa peak season. Magcomment 4 hours after.

3. Wag basta ‘Hi’ o ‘hello’ lang. Dapat, “Hi koya. Alam ko mapapansinin mo din ako someday. :D” Lagyan ng ‘someday’ para hindi magmukhang atat.

4. Kapag magfflood likes sa profile niya, palima-lima muna. Wag kang ganid. Bukas naman yung iba para may tira pa. Tandaan, ang kalandian binubudget din.

5. Pero kung gusto mong magpakawalwal sa paglilike dahil sa tindi ng emosyong nadarama mo, dun ka sa instagram feed niya. Mas safe dun kasi walang instagram yung mga tiyahin mo. Walang magjujudge sa’yo na malandi ka…kasi medyo tago.

6. Don’t ever chat like, “Hi. Pwede pong makipagkaibigan?” Ano yun parang nagsosolicite lang sabay abot ng sobre tapos friends na agad? Ang friendship pinag-eefortan yan hindi basta tinatanong lang.

7. Ingatan ang dangal when stalking sa profile niya. Baka aksidente mong ma-like yung picture niyang bakat ang utong ‘posted 4 years ago’ pa. Kalma lang when scrolling.

8. Kapag nagpost siya ng joke, wag “haha” lang. Mukhang napipilitan. Dapat “HAHAHAHAHAHALaplapi­nMoKoHAHAHAHAHAHAHA!­!!!” Gets na niya yun.

9. I-compliment mo na lang yung bagong bili niyang jacket hindi yung puro ka“Musta?”. Isang ice-cold na “Okay lang.” ang isasagot niya. Wala pa siyang balak mag-open up agad sa’yo tungkol sa nawawala nilang tabo.

10. Kapag nagpost siya ng selfie na kumakain o may hawak na pagkain, wag na wag magcomment ng ‘Sarap naman’. Then wala pang tatlong minuto, sabay PM din ng, ‘Sarrrrap naman.’ Wag kame! Alam ng lahat na hindi pagkain yung tinutukoy mo. ‘

11. Wag banatan ng comment na, “Uwi ka na babe. Di na ‘ko galit.” Hindi yan nakakalaki ng dede. Wala siyang pake kung galit ka. Uuwi siya kung kelan niya gusto.

12. Hindi porket nagreply lang sa chat mo, yayayain mo na agad lumabas para magkape. Baka isipin niya nagnenetworking ka. Ang uso ngayon, net-twerking.

13. Wag maging desperada when stalking. Wag mong hayaan ang sarili mong makarating sa proflie niya until the date he started joining FB. Hindi yan pantawid-gutom. Magsaing ka muna.

14. Kapag ginawa mo na ang lahat pero dedma pa din, ichat siya sa huling pagkakataon. Wala kang kailangang sabihin. Wala kang kailangang ipaliwanag. Pakyuhan mo sabay unfriend

 

Disclaimer: Hindi po sa akin galing yan nabasa ko lang. Originaly posted sa Facebook share ko lang sa inyo.