Tag Archives: philippines

Bakit saging lang ang may Puso?


Ikaw at ako halos pareho tayo ng tanong, bakit nga ba may puso ang saging? Napapaisip pa nga tayo minsan na kong bakit saging lang ang may puso? ilan ba talaga ang puso nang saging. Marunong bang magmahal ang saging? 

Napapaisip tuloy ako at napapasulat ng kong ano-ano. Iniisip ko mataas na kaya ang presyo ng bigas? May pag asa pa bang magbago ang pagtingin ni crush? O kong bakit dilat ang mata ng isda pag namamatay? Madaming tanong na tumatakbo sa isip ko na wala namang kinalaman sa kong ano ang tinatakbo ng ekonomiya natin. May kinalaman kaya ang HEKASI sa mga nangyayari sa atin. Natanggap mo na ba ang teyorya ni Charles Darwin na nagmula ka daw sa unggoy? Oo bes Ikaw lang hwag mo kaming isama. Basta maraming tanong na siguro hanggang ngayon ay walang sagot. Bakit hindi ka crush ng crush mo? Bakit May gusto kang tao pero kaibigan lang ang tingin sayo? Bilog ba talaga ang mundo? Ilang taon ba si lapu-lapu ng lumaban sya sa Mactan. Bakit may mga kandado ang mga convenience store kong 24/7 naman silang bukas? Ilan ba talaga ang butas ng Sky Flakes kasi last time ng binilang ko hindi pare preho *Binilang ko talaga. Sa 3n1 instant coffee pantay ba ang sangkap nila? *Well hindi ko na sinubukan pang bilangin at paghiwalayin ang kape, asukal at creamer sayang ang time baka mapaghalo ko pa.

 Ang daming tanong diba? Pero may mga naisagot ba tayo sa tanong natin? Bakit may mga nagugustuhan tayo na hindi tayo gusto? Sabi nga sa nabasa ko pwede daw tayong magselos sa taong gusto natin dahil may nararamdaman tayo pero wala tayong karapatan na makiaalam sa kong sino ang kausap nila. Itatanong ko pa ba kong bakit Single ka parin hanggang ngayon? Kahit ilang 11:11 na ang nakita mo sa orasan *Pero ang totoo inaabangan mo talaga. Pag nakita mo na ang oras na yan magbubugtong hininga ka at hihiling sa mga tala, sa buwan, sa mga fairy dust bug mites na sana ay magustuhan ka din nya. Kikiligin ka pa kasi hindi ka makatulog sa gabi at iniisip mo na baka kaya naman di ka makatulog dahil iniisip ka nya. Ayan naniwala ka na naman sa nabasa mo sa internet na kong hindi ka makatulog sa gabi ay may nagiisip sayo *Hwag patola bes.

Pinaniwalaan mo din nag matandang kasabihan na kapag makati ang ilong mo may humahalik sa picture mo. *Bes derma lang katapat nyan. Naniwala ka din sa sinabi nya na aantayin mo sya pero bes ang kati, nauna pa ang higad na magka “Jowa” sa iyo at ikaw nag antay ka hanggang sa tubuan ka na ng ugat at baka naman pwede ka ng gawing rebulto sa monumento sa tigas ng katawan mo dahil sa paniniwalang MAAANTAY ka nya. Hirap bes nuh? Kaya pa? 

May time na kinikilig ka kapag kausap mo sya iyon bang kahit “seen” na nya message mo deadma ka lang kasi iniisip mo na baka Busy sya? *Bes Tang ang inumin mo H’wag MILO, Anong busy? isa lang ibig sabihin nyan hindi ka priority at kapag naubusan na sya ng kausap saka sya magrereply sayo. Ikaw naman na kamag anak ng GOMBURZA todo kilig ka naman. Akala mo talaga gusto ka nya. Bes gumising tayo sa katotohanan na sa mundong ito na ginagalawan natin laging may 2nd option, laging may plan B at laging may pangalawa. Isa pa dahan dahan lang sa kilig, sabi nga nang isa kong kaibigan tipirin lang ang landi. Pag nag message sya sayo ng “Okay lang naman” Aba bes hwag naman essay ang i reply mo! nakakatamad kayang magbasa ng nobela na hindi ka interisado. Kaya pa bes?

Sa kagustuhan mo na mapansin ka nya, Aba! bes lahat ng qoutes sa Google inaraw araw mo na. Akala mo naman nababasa nya. Hinay hinay lang. Diba? ang dami nating tanong pero bakit nga ba saging lang ang may puso? Nakailang bulalakaw na ba ang dumaan at nakailang hiling ka na ba? Hiniling mo na sana ay mapansin ka nya pero sa kabilang dako hinihiling naman nya na sana ay mapansin naman sya ng crush nya. Saklap bes nalilito ang bulalakaw kong sino sa inyo ang pagbibigyan. Pati yata buto ng manok pinag intiresan nyo, Iyon bang joy bone ba yun? na kapag pinutol mo at sayo napunta yung isang malaking part eh matutupad ang wish mo? Hindi ko sya nasubukan kasi pati yata buto ng manok nauubos ko.  

Bakit ba binabasa natin ang horoscope nya at pinipilit natin ikonekta sa horoscope natin. Bakit kahit alam natin ang sagot Pinipilit parin nating paniwalain ang sarili natin na “baka hindi naman” at “Baka naman pwede pa. Nakakalito at nakakahilo ang napaka daming tanong, nakakahilo at nakaka baliw na ang mga sagot na ayaw mo namang tanggapin. Nag aantay tayo at umaasa sa mga natitirang “sana” *Hugot yan ng kaibigan ko. Minsan naiisip mo at haharap ka sa salamin at sasabihin ang mga linyang “Panget ba ako? kapalitpalit ba ako?” Bes di ka si liza tangapin mo na lang ang tanong na “Why?” para may explanation at kapg nakuha mo ang sagot balik ka ulit sa una mong tanong.

Ilang kilong luha pa ba ang maluluha mo? *OA lang ako bes sa kilo. Baka naman patak. Aasa ka pa ba sa post nya na akala mo pinaparingan ka nya. May pa heart heart ka pa na akala mo ikaw ang pinaparingan nya, pero ang katotohanan ang syang magpapalaya sayo. Hindi ikaw yun bes wag mag assume. Bakit nga ba may Puso ang saging. Mahal na mahal nya ba ang mga taong pumipitas sa bunga nya? ginawa ba talaga sya para kahit na akapin mo sya hindi ka masasaktan. Ang puno ba ng saging ang syang nagsasabi na kahit isa lang ang puso mo isang laksa namang bunga ang ibibigay nito. Bakit saging lang ang may puso. Bakit pula ang puso nito? Naranasan na ba ng saging ang magmahal at masaktan? Datinkaya syang tao na pinarusahan dahilnmeron syang matigas na puso? Ano ba ang alamat nya at bakit sukat na sikat sya. Minsan natanong ko na rin, sa kantang leron leron sinta bakit naging buko ang papaya? Minsan kahit masaya ang kanta malukungkot ka na lang dahil nararamdamn mo parin ang lyrics nito. Kahit nga sa huling kanya ng Leron leron sinta iniyakan mo na. “Kapos kapalaran humanap ng iba”. Diba ang bastos lang ng kanta at tinuturaan ka pang mangaliwa sa konting mali na nagawa mo. 

Sa kantang bahay kubo bakit parang ang sarap sarap ng mga gulay? pero pag pinagsama sama mo lahat ng nabangit sa kanta wala namang lasa? Pero naisip mo na ba ang sagot sa tanong kong bakit saging lang ang may puso? Sya iiwan ko na kayo dyan, nasayang ko oras nyo sa walang kwentang phuhugot ko.

Bakit saging lang ang may puso? Pero ang puno ng mangga sa amin inukitan ko ng puso at ang naka paloob dito ay ang pangalan ko at pangalan mo. Kaya hindi lang talaga ang saging ang may puso.

FIN

(Picture credit to Theanabanana.com

Advertisements

Romblon Travel: Love beyond expectations 


Share your love story.. Hahaha Naku ewan wala naman akong Isi-share na love stories, ewan ko ba bakit ganto ang title ng blog ko sino ba kasi ang nagbabasa nito. Ganito kasi iyon.

Sabi nga sa pelikula “Wala namang magbibilang kong ilang beses kang nasaktan”  pwes mali sila binibilang ko kaya LOL. Anyway my travel in Romblon was one of the most memorable experience for me this year. Biruin mo iyon dito ako nagsimulang mag aral at natutong magsulat at halos ng kabataan ko ay nabuo sa probinsyang to.


Ang saya diba yung mga simpleng bagay at laro okay na at masaya kana. Taguan, Patintero pati ang paghahabulan sa malawak na damuhan. Simple lang ang buhay noon diba kahit mga laro noon ay napaka simple lang din.



Kilala ang probinsya ng Romblon sa pangunahing produkto nito na marmol. Bukod sa pangingisda isa sa mga ikinabubuhay nang mga romblanon ay ang pag gawa at pag ukit ng ibat- ibang klaseng imahe na yari sa marmol. 

Maliit lang ang aming probinsya na mayroong tatlong malalaking pulo ang Tablas kong saan matatagpuan ang lokal na paliparan ng probinsya, Romblon ang sentro ng Romblon kong saan pangingisda at pag ukit ng marmol ang pangunahing ikinabubuhay at ang Sibuyan na kong saan matatagpuan ang Mt. Guiting-Guiting at mga dekalidad na talon. Lumaki at nagkaisip ako sa bayan ng Romblon kong saan dito ako nagsimulang mag aral at natutunan ang responsibilidad ng isang pribinsyano. Tagalog at bisaya ang mga pangunahing dialekto ng bayan namin. 


Simple lang ang pamumuhay dito basta mairaos mo lang ang maghapon ay sapat na sa mga pamilya na naninirahan sa aming Probinsya. Malayo sa modernong kultura ng maynila. Palibhasa napapaligiran kami ng tubig kaya naman madali sa mga taga rito ang matutong mangisda at palibhasa bundok ang aming bayan kaya ang iba ang pagsasaka ang ininabubuhay. 


Nagbalik sa aking mga ala ala ang pamumuhay namin noon. Isang kahig isang tuka ang nararanasan namin. Walang modernong kagamitan na maglilibang sa amin kaya naman ang paglalaro sa kalsada at sa tabing dagat ang aming kinalakihan. Lumaki kami na malayo sa kultura na aming nakagisnan dito sa maynila. Walang kuryente na magbibigay liwanag sa gabi namin habang nag aaral. Walang Electric fan ang ang magpapagaan sa aming pakiramdamat halos lahat ng simpleng pamumuhay at naipamulat sa amin. Pagmamahal sa mga kapitbahay na kahit hindi mo ka ano ano at tatawagin mong anti at angkol tanda yan nang pag galang sa kanila.



Sa gabi naman ay masisinagan ng liwanag ng parola ang aming munting bahay. Akala mo tuloy isang liwanag na nagmumula sa kong saan. 

Masarap na mahirap ang pamumuhay dito. Sa bayan na ito dinko naranasan ang masaktan sa pag ibig at hindi ko naranasan ang paasahin dahil sa simpleng buhay na meron kami dito. haha humuhugot ako LOL. 

Magaganda din ang mga beach dito namaihahalalitulad sa mga kilalang beach sa bansa natin. Nandito rin ang isa sa pinakamasayang pista sa buong bansa. 

VIDEO: Biniray Festival

​​

Romblon, Akala ko hindi ako mabibighani na sa ganda ng probinsya namin pero nagkamali ako dahil mas pinahalagahan ko pa ang bayan namin na halos dalawampung taon na hindi ko nakitabat nabisita. Mula Batmgas Pier ay 8 oras bago mo marating ang bayan namin lulan ng barko (2go). Masaya at kalmado ang akong byahe ptungo sa bayan na mamahalin ko habang buhay. 

Fin

LIMOT


Ayokong pumikit ng hindi lamang kita nasisilayan. Ayokong matulog ng hindi ko man lang nahahawakan ang iyong mga kamay. Nais kong maramdaman ang bawat init ng iyong palad na dumadausdos sa aking mga daliri. Iyong init na dati ay sa akin dumadampi, init na dati ay ako lamang ang nakakadama. Gusto kong mahagkan ang iyong mga bisig na kahit sa panandalian ay aking maramdaman.

Yakapin mo ako kahit minsan, yakapin mo ako kahit sa huling sandali lang. Yakapin mo ako na parang walang bukas na nag aantay. Hagkan mo ko at hwag mo ng pakawalan. Yapusin mo ang aking katawan na kahit sandali at sa huli ay aking maramdaman na ako ay iyong minahal. Punasan mo ang luha ko at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.Punasan dugoang puso ko na tuloy tuloy sa pag tagas dahil sa sakit na ginawa mo. Nakikiusap ako na hwag kang lumisan na parang ikaw ang syang nasaktan.

Hipan mo ang aking tenga at ipadama mo ang init ng iyong hininga. Hininga mo na parang musika sa aking pag tulog. Ibalik mo sa akin ang dati kong matamis na ngiti. Ibalik mo sa akin ang ngiti na dati ay iyong ibinigay, Ngiti na sa ngayon ay hindi mo na makikita pa. Lasingin mo ako ng iyong mga salita upang sa ganoon ay maging manhid ako na parang may anestisya. Manhid sa pagtingin ko sayo na kahit mahal pa kita ay kailangan na kitang pakawalan. Manhid upang hindi ko maramdaman ang iyong tuluyang paglisan.

Sa Huling pagkakataon hayaan mo akong sabihin ko sa iyo na salamat sa sakit na ibinigay mo dahil ngayon ay natuto akong lumaban sa bawat insulto at sakit pa na makukuha ko. Salamat sa bawat salita na binitawan mo na mahal mo ako iyon pala ay hindi totoo. Salamat sa sampung kasinungalingan na pinaniwalaan ko noong tayo. Salamat sa mali at tamang nagawa mo dahil ngayon alam ko na na hindi ako bato. Salamat sa tawang ibinigay mo na ngayon alam ko na na kahit payaso ay may maskara na kagaya mo.

Sa huling pagkakataon hayaan mo ako na hindi ka mahalin, sa huling pagkakataon hayaan mo ako na ako ang unang makalimot. makalimot sa lahat ng katangahang nagawa ko, sa pag limot sa bawat pangako mo, sa paglimot sa bawat salitang inasahan ko at sa paglimot na tayo ay minsang nagkakilala,

 

-fin

HIV: POSITIVE life


Lagi na lang tayo nakakabasa o nakakarinig ng mga balita tungkol sa HIV. ilan na naman ba ang maapektuhan  ng sakit na ito araw araw. Ilan na naman ba sa mga Pilipino ang magiging positibo dahil sa Sakit na ito. 

Limang taon na ang nakalipas ng una akong sumubok na mag pa kuha ng dugo upang eksaminin ito sa isang sakit na tinatawag na HIV. Kaba, pawis at panginginig ng katawan ang naranasan ko bago sabihin sa akin ang resulta, marahil kaya ko naramdaman ang mga ito dahil na rin siguro na alam ko ang mga nakaraang ginawa ko na maaring maglagay sa akin sa alanganin sa pag kakaroon ng sakit na ito (HIV).  Ang tindi ng tibok ng puso ko na halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng counselor ko. Tagaktak ang pawis at hanggang palad ay nararamdaman ko ang pagtulo nito. Gusto ko na ayaw na marinig ang mga susunod na sasabihin ng kaharap ko. Damang dama ko ang bawat minutong dumadaan na halos kay bagal ng oras sa mga sandali na iyon

Paano kung Reactive ang magiging resulta ng test mo” . Parang may kumalimbang na matining na kampana sa tenga ko at para akong binibusan ng napakalamig na tubig sa mga tanong na narinig ko. Hindi ako nakasagot agad dahil sa kaba na baka Positive  ako kaya niya ako tinatanong ng ganoon. Walang narinig sa akin na sagot ang kausap ko, hanggang sa ipakita na lang nya ang nakalagay sa papel na NON REACTIVE or NEGATIVE. Gusto kong umiyak ng mga panahon na yon at parang gusto kung sumigaw ng napakalakas at gusto kong akapin ang taong kaharap ko dahil sa magandang resulta na nakuha ko. Mula noon ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na gagawin ang mga bagay bagay na mag lalagay sa akin sa alanganin. 

Akala ko mapapanindigan ko ang pangako ko. Patuloy parin ako sa mga makamundong ginagawa at hindi ko na naman iniisip ang magiging resulta nito sa akin. Patuloy kung ginagawa ang mga kilos na itinatawag ng aking laman. Patuloy kong inilalapit ang sarili ko sa mga bagay bagay na maaring maglagay sa akin sa alanganin. Hanggang isang araw dumating ulit ako sa punto na mag papatest  ulit ako ng dugo para sa HIV. kung ano ang naramdaman ko noong una ay mas dinoble pa nito ang pinaramdam sa akin sa pangalawang pagkakataong mag papa test ako para sa HIV.  Sa hindi ko inaasahang resulta dahil alam ko na sa sarili ko ang pwedeng mangyari nakuha ko ang pangalawang resulta ko at NONREACTIVE  ang nakasulat. Dito na ako nakinig sa pangalawa o pangatlong pagkakataon na ibinigay sa akin. Nakinig na ako sa pagbatok sa akin at di ko na hinayaang itulak ako upang mas maunawaan ko ang mga pinag gagawa ko. 

Nagsimula na akong makakilala ng mga taong Positibo sa sakit na ito. Inumpisahan ko ang pagtulong sa maliit na paraan na magagawa ko hanggang sa unti unting di ko namamalayan na mismong mga kaibigan ko ang naging biktima ng sakit na to. Isang taon na halos ang nakakaraan ng may bumukas na pintuan sa akin. Pintuan upang mas palawakin ko pa ang kaalaman ko at mas mapamahagi ko pa ang karanasan ko. The Love Yourself inc.  Ang nagbigay ng pagkakataon sa akin upang mas makatulong pa ako sa komunidad na ginagalawan ko. Dito na ako nakatagpo ng mga tao na tinatawag natin ngayon na PLHIV o People living with HIV.  Unti unti kong narinig ang mga kwento nila na halos walang pagkakaiba sa kwento na naranasan ko. Nararamdamn ko ang bawat kaba nila sa tuwing sasabihin ko ang resulta nila. Nararamdaman ko ang bawat mahigpit na akap nila mg pasasalamat sa bawat tinik na nabunot sa kanila. Naging daan man ako sa iba na malaman ang kalagayan nila pero mas naging bukas palad naman ako na akapin ang pagkatao nila kahit ano pa ang resulta ng kanilang HIV test. Mas higit kung nauunawaan ang tapang ng mga PLHIV na harapin ang bagong hamon na ibinigay sa kanila. Mga PLHIV na matapang hinaharap ang bawat araw na kakaharapin nila. Mas naging malawak ang kaalaman ko sa mga bagay bagay na meron sila na hindi sa una o pangalawa mo sya makukuha o hindi dahil hindi ka naging tapat sa iyong kaparehas o hindi dahil sa kung ano ka kundi makukuha mo ito kung hindi mo iingatan at mamahalin ang sarili mo. Sabi ng mga kaibigan kong PLHIV “immunity lang ang  nawala sa amin hindi ang aming humanity”.  

hwag dapat tayong matakot na mag patingin o mag patest ng ating HIV status. Dahil sa bawat resulta na makukuha natin ay laging may pangalawang pagkakataon na ibinibigay sa atin. Pag  non reactive ang resulta, second chance para baguhin mo ang mga pagkakamali mo o pangalawang pagkakataon na baguhin mo ang mga bagay bagay na maglalagay sa iyo sa alanganin ( corect and consistent condom use) pangalawang pag kakataon na mas mahalin mo ang sarili mo.  Pag Reactive naman second chance para mabuhay ng maayos at masigla, second chance upang magpagamot at uminom ng gamot, second chance para mas alagaan ang sarili at mas mahalin pa. Hindi pa huli ang lahat.

Simple way to prevent HIV: Triangle of Self Care

Timely testing and treatment. Safe and satisfying Sex. Corect and Consistent Condom Use.

  

VIDEO: Only One reason Why PMA should allow LGBT in the Academy


pma

Bakit ba? masaya ang bakasyon papuntang baguio lalo na kung makakapunta ka sa Philippine Military Academy.

The Badets Of PMA Class  1898.

Note: Katuwaan lang po wag seryosohin. Bawal ang SAD dapat Happy.

Video Credit to Josh Bernarte via You Tube JOSH BURNE

Feel Free To share. Good Vibes everyone!!

OMG!! ( Oh My Ghost ) Diplomat Hotel Baguio.


wpid-picsart_1425288550484.jpg

“Sa bawat gusali o bahay na abandonado ay may mga nilalang na naninirahan dito.”

Diplomat Hotel Baguio

Baguio, Sa kakaibang ganda at natatanging klima kaya naman dinarayo ng mga turista ang baguio. Maganda ang tanawain pati na rin ang ilang pasyalan na pilit na ipinipreserba ng lokal na pamahalaan at ng mga taga rito. Hindi lang sikat ang baguio dahil sa klima kundi sikat na sikat din ang lugar na ito sa mga kwentong kasaysayan at kwentong magpapatindig sa balahibo mo. Isa sa mga sikat na puntahan kung nais mong tumayo ang balahibo mo sa lamig, Hindi ng klima kundi sa lamig ng hilakbot na mararamdaman mo sa loob DIPLOMAT HOTEL. Itanayo ang lumang gusali  noong 1900’s, bilang isang bahay pahingahan ng mga paring dominikano.

Dahil sa ganda at natatanging istraktura nito kaya naman pati ang mga amerikano ay ginawa itong pahingahan na tinawag nilang DIPLOMAT HOTEL. Dahil na rin sa ikalawang digmaang pandaigdig kaya naman tuluyang nasira ang ganda ng gusali.

wpid-picsart_1425291031988.jpg

Sabi ng mga taga rito kaya ito naging tampulan ng katatakutan matapos maging abandonado ang gusali dahil sa tuwing kumakagat ang dilim ay may kung anong ingay silang naririnig sa loob ng abandonadong Diplomat Hotel. Tawanan, Iyakan at minsan ay sigawan, mga boses na naririnig ng mga residenteng malapit sa gusali. Minsan ay may naririnig silang kalabog ng pinto at minsan ay mga tumatangis na bata. Matagal ko ng gustong puntahan ang lugar na ito upang subukan ang aking tapang na harapin ang mga kakaibang nilalalang o mga kaluluwang ligaw na magpasa hanggang ngayon ay hindi parin magawang manahimik. Minsan na itong dinayo ng ibat ibang grupo ng mga ISPIRITISTA, mga grupo na kumakausap daw sa mga kaluluwang naliligaw. Minsan na rin itong isina pelikula na pinagbidahan ni Gretchen Baretto. (indi Film) 

wpid-picsart_1425291490612.jpg

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa baguio at sa pag kakataong ibinigay sa akin ay hindi ko pinalagpas na hindi puntahan ang DIPLOMAT HOTEL at alamin ang mga kwento na matagal ko nang naririnig hingil sa kinatatakutang lumang gusaling ito. Sa pag pasok ko pa lang sa pintuan ng gusali ay agad na akong nilamig at may kung anong lamig ang kumakapit sa gilid ng aking mga kamay, hindi ko alam kung lamig ng panahon o sadyang gumagana na ang aking pakiramdam. Tinungo ko ang ikalawang palapag ng gusali upang ikutin ang nakakakilabot na lugar. Sa ikalawang palapag ay makikita mo ang mga abandonadong silid. Nawala ang lamig na bumalot sa akin at pinalitan ng ilang ulit na pag-iling ng aking ulo dahil na rin sa mga bandilismo na nakikita ko sa pader ng lumang HOTEL.

10995496_1029257633754296_7587827868285850602_n

May isang kwarto sa ikalawang palapag na may tsiminiya, dito ko naramdaman ang talaga namang malakas na enerhiya na hindi lang ako ang nakaramdam kundi pati na rin ang kasamahan namin. Gayon pa man mukhang wala nang ibang nilalang na nandidito, wala narin siguro ang ibang kaluluwang ligaw na naninirahan dito. Sa dinami dami na ng nagpunta dito at ang lokal na pamahalaan ay ginawa na itong pasyalan, marahil ay hindi na nakayanan pa ng mga kakaibang nilalang na manatili sa lugar na ito o baka naman ay napatahimik na sila ng mga ispiritista na kumakausap daw ng mga multo o kaluluwang ligaw. Sabi sa akin ng mga kaibigan ko na kapag nagustuhan ka raw ng mga nasabing kaluluwa ay sasama daw ito sa iyo, pero sa tingin ko ay hindi naman ganoon kadali dahil pang ilan na ba ako sa mga turistang naparito sa lugar na kanilang kinatatakutan.

Minsan ang ating malawak na imahinasyon ang siyang gumagawa ng tauhan sa bawat kwentong katatakutan. Ang ating nakaraan ay sya nating nagiging kasaysayan. Sadyang mayaman sa kwento ang lugar ng baguio, mayaman sa kasaysayan at sa natural na ganda ng kalikasan. Ang mga kwentong tulad nito ay may katotohanan din naman noong hindi pa sila nagagambala, pero ang mga kwentong ito ang nanatiling pang akit sa mga turista na bisitahin ang diplomat hotel. Isa pa sa mga nakakahanga ay kanilang Hardin na pinapanatili parin nilang maganda at maayos at patuloy na inaalagaan. Mga bulaklak sa paligid na nanatiling namumukadkad ang kagandahan.

11015474_1029257217087671_8973301712118746085_n

Kung ano mang kilabot ang naramdaman ko sa pag apak ko sa lugar na ito ay sadyang di ko mapaliwanag pero ang kilabot na iyon ay napalitan ng kasiyahan ng malaman ko ang mayamang kasaysayan ng DIPLOMAT HOTEL.

EDSA 29: NOY NOY Parin


Web-Banner-2-940x310
Photo Credit to edsapeoplepower.com

Naaalala pa ba natin ang pinakamatagumpay  at mapayapang Rebolusyon  sa pilipinas na  hinangaan sa buong Mundo. Sumasariwa pa ba sa ating mga kaisipan ang tunay na diwa nito.

EDSA, isang malawak at isa sa pangunahing kalsada dito sa pilipinas, isa rin sa pinakaabalang lansangan sa kamaynilaan. Kalookan, lungsod ng Quezon, San Juan, Mandaluyong, Makati at Maynila ang mga pangunahing lungsod na kinabibilangan ng kalsadang ito. North-South Circumferential Road,  Avenida 19 de Junio at Highway 54, isa lamang sa mga ipiningalan sa ngayon ay sikat na sikat na EDSA.

Ano nga ba ang diwa ng EDSA people power para sa atin at sa mga makabagong henerasyon. Kasing tanda ko na halos ang unang EDSA people power. Alam kaya ng karamihan sa atin na ang PEOPLE POWER ay hindi binubuo kundi kusang nabubuo. Bakit sa tuwing may ayaw tayo sa isang pangulo ay ito ang nagiging dulugan natin upang ipagsigawan ang DEMOKRASYA na pilit natin isinisik sa ating bukabularyo, salita na gasgas na gasgas na at sobra na nating ginagamit. Demokrasya na kailan man ay hindi na mawawala sa atin. Masyado na nga ba tayong abusado sa pag gamit ng salitang ito.

Marami na ang pangulo ang napatalsik o kahit hindi man napatalsik ay idinaan lahat sa EDSA. Gaya noong napatalsik si MARCOS, pagkatapos nang EDSA1 nakaramdam tayo ng kalayaan pero may nagbago ba? Ilang Kudeta ang sumiklab dahil na rin sa kanaiisan ng ilan na sila ang umupo at mamuno sa ating bansa, ilan ba nag nag nais na pamunuan ang pilipinas. May nagbago ba sa ating bansa pagkatapos ng lahat? Nakinabang ba ang mga tao na nasa kalsada sa pinagsigawan nila? Siguro OO ang sagot, pero mas higit na nakinabang ang mga taong nasa likod ng malaking pag aaklas na ito at sila pa ngayon ang may makapangyarihan sa ating bansa, sila ang mas higit na nakinabang hindi ang mamamayan. EDSA2 pinatalsik si ERAP dahil tiwali at Mandarambong daw? Pagkatapos, ang mashigit na nakinabang si GMA. May nangyari ba sa daan daang kaso na isinampa? May nangyari ba sa mga tao na sumali at umaklas laban sa dating administrasyon? Meron, may mga nakinabang sa pangyayari pero ang talo parin ang MAMAMAYANG PILIPINO. Nagpatuloy parin ang kurapsyon at patuloy na hindi umunlad ang bansa natin. Kinasuhan ng ilang kaso pero ano ngayon ang nangyayari mukhang nakakalimutan na nating mga PINOY.

EDSA3? May pinatunguhan ba ang mga maralita na sumama sa pag aaklas na ito laban sa administrasyon ni GMA. Wala! dahil natapos ni GMA ang kanyang termino at patuloy parin ang pagsulong ng kaso at sa sumunod na termino nya ipinatong ang mga problemang naiwan nang kanyang administrasyon.

Ngayon sumisigaw tayo na patalsikin si PNOY dahil sa kapalpakan at kamaliaan na nagawa nya sa kanyang pamumuno. Naiisip ba natin na pag katapos nito ay may mangyayari ba sa atin o makikinabang ba lahat tayo sa hangarin natin na pababain sya sa pwesto? Tayo ba ang makikinabang o ang mga BUWAYANG nasa likod ng planong EDSA4? Ilang EDSA ba ang pwede nating gawin upang makita natin ang nararapat na pinuno sa ating bansa. EDSA ba ang sagot sa bawat nating paghihimagsikan? Kung namili ba tayo ng matinong leader ng ating bansa noong eleksyon may EDSA kaya na tatawagin. Kung hindi natin pinagbibili ang boto natin at hindi tayo nagpapadala sa kasikatan ng tao may EDSA kaya ulit?

Masyado tayong nagpapadala sa kung ano ang binubuyo ng MEDIA na minsan naman ay sila ang isa sa pinakamagaling na MANUNULAT ng kasaysayan ng PILIPINAS. Bakit ang bilis nating sumuko ng hindi man lang tayo lumalaban at hindi natin ilaalam kung ano ba ang mangyayari pag katapos ng ating mga PAG AAKLAS. Tayo ba talaga ang makikinabang o ang mga POLITIKO na gahaman sa kapangyarihan.

ANG EDSA o PEOPLE POWER ay kusang Nabubuo gaya ng sinabi ko. Hindi sya isinusulsol ng mga ITIM na politikong may masamang hangarin sa ating mga pilipino. TAMA na siguro ang minsan ay naging matagumpay ang EDSA REVOLUTION.  Sana sa susunod na pumili tayo ng LEADER ay maging matalino tayo at maging mapagmasid sa bawat kilos ng mga taong gahaman sa ating bansa.

 

#JUSTSAYING

#PaintTheirHandsBack: Equal Love


Masyado na ngang malawak ang usaping sekswalidad sa ating bansa. Masyado na tayong nagpapatali sa kung ano  ang idinidikta nang ating nakaraan at ng relihiyon, Kung saan lalake at babae lang ang magkapareha at kasalanan ang parehong kasarian na nagmamahalan.

Masyado nating pinagsisigawan ang “Filipino Family traditon” . Na kung susumahin ay hindi naman nakakalimutan nang ating henerasyon. Nandyan parin naman ang tradisyon nang pag respeto at pagmamahal sa magulang at sa pamilya pero nawawala na ang tradisyon nang pag Mamano at ang pag gamit ng PO at OPO.

Malaya na ba tayo at malawak na ba talaga ang ating pang unawa sa usapin nang same sex relationship. Mali ba ang magmahal ang dalawang tao sa kakaibang paraan. Itinuro ba ng PUNONG NARRA na sinasamba nang ating mga ninuno noon na masama ang magmahal ng parehong kasarian. Itinuro ba ni bathala ang umiibig sa kakaibang paraan.

image
PHOTO credit to the owner

Bakit sa lipunan nating mapang husga Ok lang ang dalawang babae na magkawak ng kamay, Bakit ok lang sa atin na makita silang hinahalikan ang isat isa. Pero bakit bulag tayo at galit sa katotohanang pag ang dalawang Brusko ang naghawakan ng kamay at ang dalawang brusko ang naghalikan sa ating harapan ay hindi na agad maganda sa paningin nang iilan. Hindi ba sila tao na nagmamahal? Sila ba ay nilalang nang kakaibang PUNO na iniluwa sa kalupaan? Sila ba ay wala nang karapatan na lumigaya sa paraang alam nila.? Ito ba ang turo sa atin nang ating simbahan ang husgahan ang dalawang tao na nagpapakita nang karupukan sa usaping pag ibig. Ito ba ang itinuro nang simbahan natin na itakwil ang mga taong ganito dahil mali at marumi sa paningin nang DIYOS nyo?. Iniutos ba nang DIYOS na husgahan sila at isumpa? Kung gayon ang turo nang inyong DIYOS di nyo ako kaisa kung sino ang pinaniniwalaan nyo. Ang alam kung DIYOS ay mapagmahal at walang paghuhusga.

Kung ang mga leader ng simbahan ay magpaaakatotoo lamang sa kung ano ang itinuturo nila eh hindi sana tayo ngayon ay may pag kakaiba. Tanggap na ba talaga nang lipunan natin na si ADAN ay minamahal din ang Kapiraso nang kanyang laman. Pwede ba na si adan ay inihugot sa puso ni adan at si eba ay sa tadyang na maaring pinaghugutan din ng eba sa kabila ng kanyang puso.

Wag tayong impokrito sa kong ano ang totoo at sa kung ano ang hindi. Dahil kahit kailan hindi mali ang umiibig sa kapareho mong kasarian, dahil ang tunay na mali ay kung ano ang idinidikta nang kaisipan nang iilang mapanghusga. Hindi kasalanan na umibig sa kakaibang paraan ang kasalanan ay ang humusga nang hindi mo nalalaman.

Xoxo

HASHTAG: #SAF44 Bagong Bayani


police

Noong bata ako iniisip ko rin na maging isang pulis, Nakasuot nang uniporme na plantsado at iginagalang at tinitingala ng karamihan. Akala ko noong bata ako ganun kadali ang trabaho at tungkulin nila, akala ko ganun kadali ang maging isang alagad ng batas. Para kasing pelikula ang napapanuod ko na ang gagaling nila pag dating sa barilan. Bibihira ang namamatay at bibihira ang natatalong pulis pag dating sa isang pelikulang PINOY.

Lahat pala ng mga yun ay isang maling akala, mahirap pala ang maging isang pulis na marangal at isang pulis na handang ibuwis ang buhay para sa bayan. Pero bakit karamihan sa mga kabaro nila ang hindi takot suwayin ang batas.

Ngayon buong bansa ang nagluluksa dahil sa apat napung kapulisan ang nalagas dahil sa kanaisan nilang maging maayos at matiwasay ang pamumuhay ng bawat pilipino. Saludo kami sa mga bagong bayani ng PILIPINAS. Tunay na di matatawaran ang karangalan na ibinigay nyo sa inyong pamilya. Nawa ay maraming Pulis ang tularan kayo sa mga larangan na napili nyo. Sumalangit po ang inyong mga kaluluwa.

#SAF44 #BAYANI

The Untold Story of Imelda Marcos


image

One of the darkest Era of the philippines is during the time of Martial Law. I was born after peolple power so i dont know what is Martial Law during those darkest time.

As a young generation I’ve facinated by the story of Marcoses. What kind of life they have during the time of FM. What kind of country do we have during those nightmare era of the philippines. One thing for sure if you born after people power or during the 80’s. You only knew the history not the story.

At my age right now this is the time for me to really understand the situation of Martial law, to know more about the history of the People behind the history of suffering, death and Freedom.

I saw this kind of  book The Untold Story of Imelda Marcos.. Asa 500++ sya so binili ko sya kasi gustong gusto ko ang mga kwento ni Imelda kung gaano sya katalino o kaganda, kung paano nya narating yung kinalalagyan nya ngayon. Sabi ng author sa libro na si Ms. CARMEN NAVARRO isa ang mga libro na ito ang ipinagbawal noong panahon ng Martial Law pero ganun pa man hindi napigilan ang pagpapaimprinta nito, sa labas man o sa loob ng ating bansa at sa ngayon ay na ilimbag uli ito para sa baging henerasyon.

The author tuckled some sensitive matter and some malicious stories of life and suffering of Imelda during her younger days. Actually I love this book, very informative and  eye opener to everyone. She wrote the early age of imelda as one of the Romualdez of manila. Included to her book is the history and story of the first Generation of romualdez, nakwento din dito ang pinagmulan ng mga mistisong romualdez mula sa kanilang Lolong Prayle hanggang sa paghihirap ng buhay nina Imelda. Kung babasahin mo naman ang libro eh mukhang pabor kay imelda pero siguro ayaw na balikan ni imelda ang kanyang nakaraan kaya nya siguro ipinagbawal ang pagpapublish nito noong martial law.

Nung sinimulan ko nang basahin ang libro eh halos hindi ko na ito mabitawan dahil sa kwentong akala mo ay sa fairy tale mo lang mababasa. Ang alta sa syudad na pamumuhay ng mga rumualdez hanggang sa kanilang pagtungtong sa pulitika. Mula sa isang maliit na probinsya ng tacloban hanggang sa kamaynilaan.

Halos natapos ko lang syang basahin ng dalawang araw at ayun na nga nasa hiraman parin sya hanggang ngayon. Kung bubuksan natin ang ating mata sa pagbabasa ng mga akda ni Ms. C. NAVARRO para nya kayong dadalhin sa sitwasyon at sa panahon ng kanyang kwento.

Bawat chapter eh aabangan mo para bang nanunuod ka ng isang teleserye na aabangan mo agad kinabukasan  ang kasunod. Highly recommended ang Libro na ito. You will never know the story unless you read it. You will never jugde the marcoses unless you have this book.

For me as one of the young generation of the filipino we must know our history. Not because we need it but because we are part of it. We are the history of the past and we are the maker of the present history.

Thank you Ms. Carmen Navarro for this wonderful book of life and adventure of Mrs. IMELDA ROMUALDEZ MARCOS.