Tag Archives: Pilipinas

May KOTA ba sa pag ibig?


Sa mahigit sa pitong bilyong tao sa mundo tiyak daw na may para sa iyo, kahit pa nasa magkabilang dulo kayo ng daigdig kong para kayo sa isa’t isa eh di kayo talaga. Sa bawat taong nagmamahal may tao ding nasasaktan. Na sa bawat minamahal mo ay may nagmamahal din naman sa iyo. Na kahit sa magkabilang dulo nang mundo ay magkatalikod kayo, panigurado magtatagpo din ang landas nyo. 

Sa bawat taong nagiging masaya ay may isang tao naman na tuloy parin sa pagasa. May Kota ba talaga ang taong umiibig? Iyong naging masaya ka ngayon dahil sa ilang bilyong tao ay may nakilala ka at may nagpatibok ng puso mo. Pero hindi parin pala sya ang taong makakatuluyan mo. 

Mabuti pa ang tambay sa kanto hindi iniisip kong sino ang makakapareha nya. Nakita mo ba iyong taong grasa na namamalimos? iniisip din kaya nya kong sino ang para sa kanya. Iyong nanay at tatay mo naisip mo ba o natanong mo ba sa kanila kung ilang beses silang sumubok bago nila nakilala ang isa’t isa. Nakaabot kaya sila sa kota? o sadyang nakuntento na lang sila sa bawat isa. 

Naisip ko lang habang nakahalukipkip ang aking mga kamay, naabot ko na ba ang kota sa pag ibig? Kong OO ang sagot maari ay dumating na sya pero napakawalan ko pa o maari na wala talagang nakatakda para sa akin. Kung HINDI naman ang sagot, ilang beses pa akong susubok para malaman kong tama na at naka kota na ako.
 Sinubukan ko na nga yata ang red string na sinasabi nila. Pati ang pulang sinulid nang lola ko na nakatabi sa lata ng biskwit ay nasubukan ko na ring abutin ang dulo pero ayon nagkabuhol buhol lang at napingot pa ako sa tenga ni felomina. 

Kong talagang may kota ang pag ibig eh di para kang isang ahente na naghahabol nang benta? na kong hindi mo maabot ang kita ay malamang matanggal ka. Saklap naman na walang nakakaalam sa atin kong naabot na ba natin ang kota ng pag ibig. 
Sa ilang bilyong tao sa mundo sadya ba talagang may kapareha tayo? ano kaya ang kasarian nya? makakapili ka ba para lang maabot mo ang tinatawag nilang kota o sadyang darating sya sayo. 
Minsan habang pinagmamasdan ko ang bawat pasahero sa MRT naiisip ko isa ba sa kanila ang magsasabi sa akin na “Its over” o magsasabi sa akin na “tama na ako na ang kota mo”. Si kuya ba na nakasandal sa pintuan ng tren, pero hindi sya ang tipo ko! Si ate ba na ang pustura ay parang payaso sa isang kilalang kainan, pero ayoko sa kanya. Si manong ba? Na sumisingaw ang amoy nang maghapong pagtatrabaho sa tirik na araw, pero teka matanda sya sa akin na halos doble ng edad ko. Pero teka! may pinipili bang edad ang pag ibig.
 
Sa dinami dami ng dumaan sa iyo malamang naabot mo na ang kota. Paano pa kaya ang mga tao na magpa hanggang ngayon ay hindi pa nagsisimulang magbilang para sa kanilang hahabulin na kota. Tatanda na lang ba silang mag isa o napagod na sila sa paghahabol dahil kahit isa ay hindi nila naabot ang umpisa nang tinatawag nilang kota.

Sige na nga bahala na kong makailan tayo ang mahalaga ay wala namang nagbabawal kong sino at kong para kanino tayo. Wala namang kota ang taong umiibig diba? Hindi mo kailangan lagyan ng limitasyon ang puso mo. Hindi mo pwedeng sabihin na tama na at ayaw mo na. Walang kota sa taong hindi takot sumubok magmahal. Iyong tao na kahit ilang beses ng nasaktan sige parin. Iyong tao na “Nagmahal, Nasaktan, Naka jackpot”. Hanggang dito na lang baka sakaling maka kota na ako.

fin

Advertisements

Kapitan Pinoy ang Bida ko Noon


Uso Noon ang mga drama sa Radyo na humubog sa kamusmusan ng bawat bata na ipinanganak sa dekada na kung saan ay hindi pa masyadong uso ang telebisyon. Naalala ko Noon sa tuwing hapon nakikinig na kaming apat na magkakapatid sa radyo at inaabangan namin ang pag sisimula nang pambatang drama. Siya si Kapitan Pinoy na ang nagbibigay kapangyarihan sa kanya ay ang kanyang mahiwagang medalyon.

Hindi pa uso ang Tv noon sa probinsya, halos bilang lang sa mga kapitbahay namin ang may TV kaya naman kaming magkakapatid kabilang na ako ay maagang gumana ang Imahinasyon sa pakikinig ng mga dula sa radyo. Minsan pag hindi na kaya ng baterya humihina ang lumalabas sa tunog ng radyo. Buhay ko noon ang radyo halos karamihan sa mga drama na kinagiliwan ng karamihan ay napakinggan ko. Tanda ko pa sa DZRH kami nakikinig at kong minsan ay humahanap kami ng magandang pwesto upang doon makinig. Nakadapa kami at naka pangalumbaba sa harapan ng radyo.

12722769_10208380848495444_1698298203_o
Art By Franco Moje

 

 

Si kapitan ang pinoy ang pangunahing karakter sa radyo na siya namang kinagiliwan ko. Kasama sa drama ay ang iba pang Super hero katulad nina Superman, Wonder woman, batman pati na rin ang sidekick nyang si robin. Talaga namang walang makakapigil sa aming magkakapatid sa tuwing maririnig na namin ang ” Isang araw, nagpupulong-pulong ang mga alagad ng kabutihan”. Halos hindi na maipinta ang ngiti namin dahil hudyat na iyon na magsisimula na ang palabas. Isang Boses na napakalaki na isinasalarawan ang bawat karakter sa radyo.

Si kapitan Pinoy ang una kong nakikilalang Pinoy Super Hero, Hindi  ko pa kilala si darna at si captain barbel. Talaga naman nabibitin kami sa tuwing matatapos na ang aming pinapakingan. Kasama si kapitan pinoy sa mga bumuo ng aking kabataan, kasabay ng paglalaro ng habulan, taguan, tumbang preso at syato sa daan. Sa tuwing sasapit naman ang tag-araw ay sabay sabay kaming magpupunta sa tabing dagat upang maligo at magtampisaw sa napakalinaw na agat ng aming probinsya. Si kapitan Pinoy ang batang super hero na hanggang ngayon ay hindi ko parin makita kong ano ba talaga ang tunay nyang itsura at kung sino ba ang taong nasa likod ng kanyang napaka amo at napakatapang na boses.

 

EDSA30: Ang Kasaysayan ng Lumang Limang daang Piso


“I had no idea of any danger that was facing me when i picked up the flower from the ground and walked towards the soldier to give it.”

Sariwa pa nga siguro sa atin ang mga nangyari noong panahon ng unang People Power sa ating bansa. Tatlong dekada na halos ang nakalipas, parang ang bilis ng mga panahon at halos kasing edad ko na ang unang rebolusyon na hinangaan ng buong mundo.

Pebrero 25, 1986 – Naganap ang pinakamatagumpay na rebulosyon sa pilipinas. Hindi armas ang umiral sa kahabaan ng Highway 45 o mas kilala na ngayong EDSA. Kundi daang daang tao na nakiisa na patalsikin ang dating pangulong Ferdinand Marcos.  Magulo ang mga kabanatang ito sa ating kasaysayan dahil dito natapos ang mahabang pamumuno ng mga MARCOS sa ating bansa. Mapapansin nyo na halos karamihan sa mga POLITIKO natin ngayon ay may naibahaging kasaysayan sa EDSA, Panget man o Maganda ay naging bahagi na rin sila ng kasaysayan.

Noong nakaraang taon isa sa mga talaga namang pumukaw sa atensiyon ko ay yung bata na nagbibigay ng bulaklak sa sundalo. Sabi ko pa nga sa sarili ko parang pamilyar yung eksena na iyon. Hinanap ko agad kong saan ko siya nakita at nalaman ko na ang eksena ng batang nag aabot ng bulaklak sa sundalo ay makikita o matatagpuan natin sa lumang LIMANG DAANG piso.

1934935_10206278047644818_2261073014260159112_n

Angelo Gutierrez, Mag ta-tatlong taon gulang lang siya noong unang magkaroon ng People power sa atin. Halos edad ng batang Kailangan pa ng atensiyon sa paglalaro sa lansangan at bata na hindi pa talaga lubos na nauunawan ang kalagayan ng bansa natin sa mga panahon nang PEOPLE POWER. Pero sa larawan makikita mo na kaya mong gumawa ng isang mahabang kwento habang tinititigan mo ang larawan. Napakaraming kwento ka ng maisusulat dahil sa isang larawan na umantig sa kamalayan ng sambayanang Pilipino.  Kung ngayon ay nauuso ang mga Viral Photos, Noon ang batang ito ang siya namang sumikat sa pahayagan at sa telebisyon dahil sa natatanging kaganapan na umantig sa puso ng mga taong nakiisa sa pakikibaka.

Natanong ko tuloy sa sarili ko. Kumusta na kaya ang batang ito at ano na kaya ang katayuan nya sa buhay? May nagbago ba sa pananaw nya tungkol sa ipinaglalaban noong panahon ng People power. Hinanap ko siya upang pakinggan ang mga kwento nya na halos talaga namang ini-ukit na ng ating kasaysayan. Hindi naman ako nabigo at nahirapan na hanapin siya dahil na rin sa bilis ng komunikasyon ngayon at sa tulong narin ng mga kaibigan ko at koneksyon na nakilala ko dahil sa social media. 

Kwento sa akin ni Angelo.

12037949_10206278002283684_6925683608480937416_n
“I had no idea of any danger that was facing me when i picked up the flower from the ground and walked towards the soldier to give it. At that time when people were gathering, di namalayan ng parents ko na lumakad ako papalayo sa kanila para pulutin yung flowers. Natakot sila for me when they saw me from afar, giving the flower.”
“No one told me to give flower to the soldier. I think its the curiosity in me when i was a child that made me do it. Siguro ginaya ko yung mga tao sa paligid na namimigay ng flowers. It did not have any impact on me at a very young age, but I’m happy that the act of giving the flower to the soldier was captured and it became meaningful to the event.”

 

 

Siguro nga ay maisasama na natin si angelo sa ating kasaysayan lalo na ngayon na hindi na natin ginagamit ang lumang limang daang piso. Mahigit dalawampung taon din nating ginamit ang pera na ito ngunit ang akala ko talaga noon na lahat ng makikita natin sa pera  sa likod nito ay ilusyon lang upang ilarawan ang mga kaganapan na nangyari sa ating bansa. Ipinag walang bahala natin na bahagi pala talaga ng kasaysayan natin ang mga larawan na nasa likod ng ating lumang perang papel. Natanong ko rin si angelo kung may nagbago ba sa kanya pagkatapos ng mga nangyari na yun o may kinalaman ba ito sa kung ano sya ngayon.

 

 

“Wala namang nagbago or wala namang special na nangyari sakin that I can link to the event other than being given the opportunity of having my picture placed in 500 peso bill. Very thankful ako for the experience that i will treasure for the rest of my life. It’s hard to believe na ako yung batang yun na nasa pera. Maski ako di makapaniwala and people won’t really believe at first.”

Hindi lang din ang batang angelo ang makikita natin sa likod ng lumang limang daang piso. Marami pang iba katulad ng hawak ni Ninoy na lumang modelo ng Kamera “Rollieflex”.

8002667-close-up-shot-of-500-philippines-peso-Stock-Photo

Sana sasusunod ay makausap ko naman ang sundalo at ang kumuha sa napakagandang larawan na ito. Ngayon nalalapit na nag eleksyon sana ay hindi na maulit ang nakaraan at sana ay maging matalino tayo sa pag pili ng bagong lider ng ating bansa.

10400789_10206277983763221_8506323564302548848_n
“Sa generation natin ngayon, always choose wisely sa iboboto and pray that the leaders who are most deserving and capable are the ones who will be elected.” – Angelo R. Gutierrez

Salamat Sa unang matagumpay na People Power.

**Special Thanks To Ruben Jay Alvarez.

 

 

Kap kum kap: When in bangkok


Parang Hindi ako mauubusan ng kwento dahil siguro sa first time kung puntahan ang lugar na ito. Well Gaya nga ng una ko ng naisulat eh nakakatuwa naman talaga na makarating ka sa ibang bansa, hindi para magtrabaho kundi para mag relax. Mamangha sa mga bagong nakikita ng mata ko. Siguro pag nag punta ka sa ibang bansa bilang turista naku malamang walang puwang ang salitang pagod kung nais mong madiskubre ang mga sikat na sikat na lugar.

Nakakatuwa diba bilang isang dayuhan sa bayan na di ko alam eh aalamin mo kung ano ang kultura nila. Excited ako na parang bata na tumatakbo at naglalakad sa bawat lansangan ng Bangkok. Kumakain ng mga pagkaing hindi naman pamilyar sa panlasa ko pero minahal ko naman sa halos araw araw na pag kain ng mga to.

  
Mura din halos ng mga paninda, wag mo lang iiconvert sa Php peso baka sabihin mo mahal ang gastusin. Ikot dito ikot doon pero parang pilipinas din sa traffic pero minsan nakakalito dahil nasanay sila sa kalowa at nakakalito pag tatawid ka ng kalsada. Ramdam na ramdam ko ang pagiging dayuhan ko. Hindi ko pinapalagpas bawat kanto kinukuhaan ko picture. Nakaktuwa kasi bago lahat sa paningin ko, kahit wala akong maintindahan na nakasulat go lang ako ng go para sa huli pag nakauwi na ako ng pilipinas may makikita ulit ako na masasabi ko na narating ko rin ang bangkok.
  
Sabi ko nga lahat ng gagawin ko isusulat ko para masabi ko naman na Hello firs time kong lumabas ng bansa hahaha. Sa wakas may tatak na ang passport ko. Dati kasi isang tatak lang ang nakalagay Not valid to travel in iraq  eh ngayon may green at blue na na nakalagay haha. Mahirap nga lang pag dito ka mang gagaling sa pinas ang daming tanong sa immigration, ano trabaho mo ilang araw ka sa labas may pera ka ba? etc etc.. bigla na lang baba ang energy mo dahil sa kawalang pag asa na makalabas ka pa. Pero anyway charm lang talaga ang kailngan para makalusot ka hahaha.. Magandnag pakikipag usap at maayos na pakikisalamuha.

Nantra Silom 8 

Ayan ang pangalan ng hotel namin. Sobrang ang babait ng mga nagtatrabaho na thai. Sa silom din pag gabi isang hilera ng mga paninda ang makikita mo. Mauumay ang mata mo para kang nasa divisoria ng gabi dahil sa kaliwat kanan na mga paninda. Subukan mo rin ang authentic Thai massage na para bang binabale ang katawan mo sa sobrang pag uunat sa katawan mo.

  
Madami pa akong kwento pero iyong iba doon ay mananatili na lang na sekreto haha alam mo na kung ano ang ibig kung sabihin. Parang Ermita manila din kasi ang lugar na tinuluyan namin.

Anyway sa susunod na labas ko ng bansa sisiguraduhin kong bawat sulok na pupuntahan ko ay hindi ko papalagpasin para naman may tinitignan ako sa oras na mabagot ako at sa oras na managinip ako na nasa ibang bayan ulit ako. Eto siguro ang isa sa pinakamasarap gawin pag single ka ang hanapin ang kasiyahan mo sa ibang lugar ang mamasyal at gumala ng walang iniisip na oras. Mamasyal at gawin lahat ng gusto mong gawin na walang pipigil sa iyo.
xoxo

The First Time you fell Inlove


Naalala mo pa ba ang unang kabog ng dibdib mo sa tuwing nakikita mo ang crush mo? Iyong may kung anong bagay na gumagalaw sa tiyan mo sa tuwing papalapit na sya sa iyo. Masarap balikan yung mga panahon na akala mo hindi masakit ang magmahal iyong akala mo walang katapusan  ng kilig na nararamdaman mo.

Naranasan mo na bang mautal sa tuwing kinakausap ka nya at iyong akala mo ay tumigil ang orasan dahil wala kang naririnig kundi ang malakas na pag kabog ng iyong dibdib. Kailan nga ba ang unang bese na nainlove ka sa taong inaakala mong siya na? Iyong akala mo hindi ka masasaktan at di iiyak sa oras na iwan ka niya. Huwag na nating balikan ang mga sakit, balikan natin iyong mga masasayang pangyayari sa unang beses na tumibok ang puso mo at nasabi mo na “shit siya na nga”.

Ang sarap sarap sa pakiramdam na tinutubuan ka ng tigyawat sa pisngi dahil sa kakapuyat ng mga bagay bagay na pwedeng mangyari kung magiging kayo. Iyong ganado kang pumasok sa eskwela dahil parang araw araw kang idinuduyan sa tuwing nakikita mo siya. Iyong Mr. Pakipot ka pa sa tuwing tinutukso ka ng barkada.

Kailan ba ang huling beses na kinilig ka ng ngumiti sya sa iyo. Iyong kinilig ka na may halong pamumula ng mga pisngi. Kailan ka ba huling pinagpawisan ng butil butil sa tuwing dumadaan siya sa harapan mo, iyong kinikilig ka sa bawat HI and Hello na binibitawan nya sa iyo. Kailan ka ba huling  naging excited sa pag sagot sa bawat tanong sa slam book. Iyong tipong hindi mo na sya ma describe kaya space is not enough na lang ang nasulat mo. Iyong uso pa ang stationary  iyong papel na mabango at may ibat-ibang klaseng desenyo. Nauubos na ang likod ng kwaderno mo dahil sa walang katapusang Flames. Kikiligin ka sa sagot na sweet o kaya naman lover. Naging Magaling ka na rin sa Math dahil sa pag papabibo mo sa kanya. Iyong ini-imagine mong makasabay mo sya sa uwian.
Ito yung mga panahon na galit na galit ka sa sabado at linggo dahil sa dalawang araw na hindi mo siya masisilayan. Yung kwaderno mo na may larawan ng mga artista ay papalitan mo ng mga litrato nya na pina develop pa nya para ibigay sa iyo.

Abg sarap ng mga unang beses na mainlove ka. Ang sarap ng mga pagkakataon na sabay kayong tumatawa na parang walang bukas. Iyong akala mo ay siya na at wala ng iba. Masarap balikan pero masakit alalahanin ang mga nangyari na ang kilig at saya ay napalitan ng lungkot at luha.

Kailan mo ba kaya ulit mararanasan ang kiligin sa isang tao? Iyong kilig na una mong naramdaman noong panahon na hindi pa masyado kilala ang teknolohiya yung mga panahon na simpleng palitan ng sulat ay masaya kana. Sulat na ihuhulog mo sa bintana ng classroom o kaya naman ay ipapaabot mo pa sa tropa.

Kailan mo kaya ulit mararanasan ang magmahal ng hindi nasasaktan at hindi napapalitan ng luha ang bawat kilig na iyong nararamdaman. Iyong wala kang iniisip kundi ang mga oras na kayong dalawa lang. Kailan mo kaya ulit mararanasan ang ma inlove sa unang pagkakataon sa taong kailanman ay hindi naging kayo.

Xoxo

image

VIDEO: Only One reason Why PMA should allow LGBT in the Academy


pma

Bakit ba? masaya ang bakasyon papuntang baguio lalo na kung makakapunta ka sa Philippine Military Academy.

The Badets Of PMA Class  1898.

Note: Katuwaan lang po wag seryosohin. Bawal ang SAD dapat Happy.

Video Credit to Josh Bernarte via You Tube JOSH BURNE

Feel Free To share. Good Vibes everyone!!

#PaintTheirHandsBack: Equal Love


Masyado na ngang malawak ang usaping sekswalidad sa ating bansa. Masyado na tayong nagpapatali sa kung ano  ang idinidikta nang ating nakaraan at ng relihiyon, Kung saan lalake at babae lang ang magkapareha at kasalanan ang parehong kasarian na nagmamahalan.

Masyado nating pinagsisigawan ang “Filipino Family traditon” . Na kung susumahin ay hindi naman nakakalimutan nang ating henerasyon. Nandyan parin naman ang tradisyon nang pag respeto at pagmamahal sa magulang at sa pamilya pero nawawala na ang tradisyon nang pag Mamano at ang pag gamit ng PO at OPO.

Malaya na ba tayo at malawak na ba talaga ang ating pang unawa sa usapin nang same sex relationship. Mali ba ang magmahal ang dalawang tao sa kakaibang paraan. Itinuro ba ng PUNONG NARRA na sinasamba nang ating mga ninuno noon na masama ang magmahal ng parehong kasarian. Itinuro ba ni bathala ang umiibig sa kakaibang paraan.

image
PHOTO credit to the owner

Bakit sa lipunan nating mapang husga Ok lang ang dalawang babae na magkawak ng kamay, Bakit ok lang sa atin na makita silang hinahalikan ang isat isa. Pero bakit bulag tayo at galit sa katotohanang pag ang dalawang Brusko ang naghawakan ng kamay at ang dalawang brusko ang naghalikan sa ating harapan ay hindi na agad maganda sa paningin nang iilan. Hindi ba sila tao na nagmamahal? Sila ba ay nilalang nang kakaibang PUNO na iniluwa sa kalupaan? Sila ba ay wala nang karapatan na lumigaya sa paraang alam nila.? Ito ba ang turo sa atin nang ating simbahan ang husgahan ang dalawang tao na nagpapakita nang karupukan sa usaping pag ibig. Ito ba ang itinuro nang simbahan natin na itakwil ang mga taong ganito dahil mali at marumi sa paningin nang DIYOS nyo?. Iniutos ba nang DIYOS na husgahan sila at isumpa? Kung gayon ang turo nang inyong DIYOS di nyo ako kaisa kung sino ang pinaniniwalaan nyo. Ang alam kung DIYOS ay mapagmahal at walang paghuhusga.

Kung ang mga leader ng simbahan ay magpaaakatotoo lamang sa kung ano ang itinuturo nila eh hindi sana tayo ngayon ay may pag kakaiba. Tanggap na ba talaga nang lipunan natin na si ADAN ay minamahal din ang Kapiraso nang kanyang laman. Pwede ba na si adan ay inihugot sa puso ni adan at si eba ay sa tadyang na maaring pinaghugutan din ng eba sa kabila ng kanyang puso.

Wag tayong impokrito sa kong ano ang totoo at sa kung ano ang hindi. Dahil kahit kailan hindi mali ang umiibig sa kapareho mong kasarian, dahil ang tunay na mali ay kung ano ang idinidikta nang kaisipan nang iilang mapanghusga. Hindi kasalanan na umibig sa kakaibang paraan ang kasalanan ay ang humusga nang hindi mo nalalaman.

Xoxo