Tag Archives: spoken words

Ang tuldok. kuwit, tandang pananong? At tandang padamdam!


Nagsisimula na naman mag rambolan ang mga neurons ko. Yung buhol buhol na utak ko ay nasisimula na namang lumikot. Hindi na naman ako makatulog at mukhang matatapos ko ang isang epesode nang aking paboritong palabas sa Netflix. 

Hinihila na ako ng higaan pero ang utak ko ang likot parin at ayaw akong patahimikin. Madami na namang mga karakter na tumatakbo at naglalaro sa ulo ko. Iniisip ko kung bakit nga ba walang tuldok ang bawat kwento sa isip ko, walang tuldok na magtatapos sa kong ano ang nasimulan ko, dahil siguro nga ay may mga bagay na mahirap tuldokan, mahirap tapusin dahil sa simula palang walang kuwit na maghihiwalay sa bawat sakit. May mga pangngusap na nangangailangan ng tandang padamdam!para kahit hindi nya ramdam nasusulat mo naman. May mga pangungusap na may tandang pananong? na kahit alam naman natin na ang pinakamasakit minsan ay marinig ang isang tanong na walang sagot; kadalasan mas masakit marinig ang tanong kaysa sa sagot. Bakit mahirap gamitan ng tuldok ang isang kwento na gusto mo ng wakasan. May mga salita na kahit hindi patanong ay nangangailangan ng tandang pananong, dahil may mga tanong tayo na kahit hindi tayo sigurado ay nangangailangan parin nang isang sagot.

Ang dami ko ng nilagay na tuldok sa aking kwento……… mga sampung tuldok na nagpapahiwatig na gusto ko ng tapusin pero parang nagpapakita na may kasunod pa, parang kwento na lagi kung tinatanong kung para saan ba at para kanino ba? Babasahin mo ang sinulat ko nang walang boses na maririnig. Babasahin mo ang kwento ko nang hindi ka sigurado sa kung anong emosyon ang meron dito. Galit ako!!!!!! Yan ang pinapakita nang bawat tandang padamdam na nailagay ko. Pinipilit kong lagyan ng emosyon ang isang kwentong pa ukol sa ‘yo para ang sagot na makuha ko ay isang sagot na patanong na baka sakali ay magbago at hwag ko na lagyan ng tuldok ang isang storyang may simula pero walang pagtatapos.

Ang hirap tuldokan ang isang kwentong maganda dahil ang bawat kwento na sinusulat ko na para sa kanya, ay ayaw ko ng tapusin pa. Mahaba haba na ang nilalakbay ng bawat letra na aking tinitipa. Mga letrang pinipilit kong ilapat sa isang magandang kwento na tanging ako lang naman ang may akda. Isusulat ko at ilalathala ang bawat patanong na kwento at pilit kong lalapatan ng emosyon sa pag gamit ko ng tandang padamdam. Dahan dahan kang hihinga at pilit uunawain ang aking kwento gamit ang isang kuwit na nagbibigay hangin sa tuloy tuloy mong pagbabasa. 

Siguro nga, ayokong lagyan nang tuldok ang mga kwento ko dahil gusto kitang dalhin sa isang masaya at walang katapusang paglalakbay. Subalit ang bawat kwento na nakasulat sa pahina ay unti unti nang nabubura dahil sa aking pagluha. Hindi ko parin alam kung para saan ang gamit ng mga tuldok, kuwit, Tandang pananong at padamdam. Pwede ko bang gamitin ang tandang padamdam sa isang tanong ko kung BAKIT! Pwede ko bang gamitin ang tanda g pananong sa paglabas ko nang emosyon na MAHAL KITA? Pwede ko bang lagyan ng kuwit ang isang relasyon, para naman nakakapagpahinga ako sa bawat sakit na nakikita ko. Pwede ko na bang tapusin at lagyan ng tuldok ang isang pangarap na alam ko naman na dapat na talagang tuldokan. 

Siguro ang bawat tuldok, kuwit, tandang pananong at padamdam ay ginagamit upang ipahayag ng mas maayos ang bawat salita na gusto mong bigkasin. Simbolo sa pangungusap na nagpapaalala nang bawat emosyon na pwede nating ipakita, mga simbolo na ang tamang gamit ay depende kong paano natin dadalhin ang ating kwento.

Hala hindi ko na namalayan umaga na pala. Ang bilis ng pagikot ng orasan parang ikaw at ako na mabilis na umikot sa isang kwentong magtatapos dito. 

Fin

Advertisements

Kong ngayon ang simula


Minsan iniisip ko na lang na kong ngayon ba ang noon mapapansin mo kaya ako? Kong kasing lamig ba nang hangin ang sampung taong lumipas maakap pa kaya kita? Naalala mo pa lahat ng simula na meron tayo. Simula mo na tinapos ko. Iyong mga kamay mo na humahaplos sa palad ko. Gusto ko ang noon mo, gusto ko yung dating tayo na alam kong mahirap ng pantayan. 

Mata mo na parang nagungusap at nagmamakaawa dahil sa pagmamahal na kailangan nating panindigan. Pagmamahal na tinapos ko na walang sabi at pagmamahal mo na una, na inilagay ko sa huli. Naalala  mo pa ba nang una kitang masilayan. Sa pila na puno ng tanong kong pwede bang ikaw ay aking makilala. Pila na walang kasiguraduhan kong ako ba ang mauuna o ikaw dahil sa hindi mo naman ako kilala. Tinitigan kita sa malayo na parang ang mga mata mo ay naguudyok na ikaw ay aking lapitan. Nagtagpo ang ating mata na kunwari hindi kita sinisinta. 

Nagkita tayo sa di inaasahang pagkakataon. Nagsalubong ulit ang ating mga mata, mga mata natin na parang nangulila sa isa’t isa. Nakita kita sa ‘di kalayuan at nakita mo rin ako na alam mong ikaw ay aking lalapitan. Iniwasan mo ako ng tingin na kunwari ay hindi napansin. Mula sa likod mo ay hinaplos kita upang ako ay iyong lingunin. Tanging Kumusta sa isa’t isa ang ating nasambit na parang ang noon na sampung taon ay araw lang ang binilang ng hindi kita nakapiling. Malaki ang pinagbago mo. Malaki at nag iba buhat nang una kitang makita. Pero ang mga mata mo ay katulad parin noong tayong dalawa. Kumikinang sa pag asa na baka sakali ay meron pa.

Natakot akong tanungin ka ng isang tanong na ang sagot ay bahala na. Natakot akong akapin ka baka sakali ikaw ay tuluyan ng nag iba. Muli tayong nagkita doon sa luma kong saan kita muling nasilayan. Inari natin ang gabi na tila tayo lang. Nasundan ng pailang pagkikita na para bang ibinibigay natin ang mga pagkukulang noong tayo pa.

Habang ako ay iyong akap at nilalabanan ang lamig, tila may ibinulong ang hangin na ang sambit ay kong may gusto ba ako sa iyo? Humarap ako at  nangusap at sinabi kong matagal na tayong nagkagustuhan at ang tanong dapat ay kong mahal pa ba natin ang isa’t isa. Tumahimik ang paligid hanggang sa tuluyan tayong nakatulog ng mahimbing.

Kong ngayon ang simula makikilala ba kita? Kong ngayon ang simula maaakap ba kita? Ngayon ang simula ng katapusan nang ating pagkikita. Para akong magnanakaw na inaari ang pag aari ng iba. Para akong bata na takam na takam sa bawat kong nakikita. Kong ngayon ang simula mamahalin din kita gaya nang pagmamahal mo noon nang una mo akong nakita.
Kong ngayon ang simula maaring ayoko ng tapusin pa.
xoxo

Ang 5 kasalanan nang Paghanga


Hinahangad mo man ang kanyang puso, ngunit ito ay napapaloob pa sa kanyang nakaraan.

Ang limang kasalanan sa paghanga.

Unang kasalanan -Magnasa

Humanga ka ng walang halong pagnanasa. Paghanga na walang bahid kasamaan at kahit na ipikit mo ang iyong mata walang maduming imahinasyon ang magpapatupi sa iyong hangarin na kay ganda. Humanga ka ng naaayon sa tibok ng iyong puso, paghanga na sa mata mo nakikita ang pag asang makamtan sya sa panaginip ng iyong pagsinta. Hwag kang magnasa sa hindi mo pag aari isa sa sampung utos na kailanman ay hindi natin kayang masunod. Kasalanan na magpasa hanggang ngayon ay pilit mo paring nilalabanan.

Ikalawamg kasalanan- Umasa

Ilang beses mo na bang narinig na ang paghanga o pagkagusto sa isang bagay ay wag na wag mong hihingian ng kapalit. Hwag kang aasa sa iyong nararamdaman dahil minsan kahit ang sarili nating pakiramdam ang mas higit na nakakasakit sa ating sarili. Hwag kang umasa na gusto ka rin niya. Hwag kang papatay isa sa sampung utos. Hwag mong antayin na patayin mo ang sarili mo dahil sa pag asa at sa salitang “Malay mo”. Umasa ka sa nararamdaman mo na hindi ka talaga nya gusto at umasa ka na sa huli ay ikaw ay talo. Hwag kang aasa sa isang bagay na hindi talaga sayo; at kapag ikaw ay nasaktan na! Bumitaw ka na parang payasong hindi makita ang emosyon, bumitaw ka sa pag asang may tamang panahon ang lahat. Dahil ang tamang panahon na inaantay mo ay iyong ngayon na ang ibig sabihin ay bitaw na sa iyong patuloy na pag asa.

Ikatlong kasalanan- Maghintay

Hwag kang umasang darating ang araw na ikaw ay kanyang balikan. Hwag mong antayin ang oras na siya ay mahumaling at maibaling ang kanyang puso sa iyong nais. Hwag kang mag antay sa pagkakataon na magbago ang isip nya, dahil sa bawat pag aantay may nasasayang na oras. Panahon na dapat sa iba ikaw ay nakalaan. Hwag kang maghintay sa wala., Walang kayo! Walang tayo! Walang pagbabago na hanggang dito na lang ang sasabihin nya sa iyo. Ang maghintay sa taong hindi ka kayang puntahan ay sapat na upang bumitaw ka sa orasang nagpahinto sa pagikot ng mundo mo. Hwag kang mag hintay sa pag asa na siya ay magbabago pa. Hwag mong antayin na matapos ang huling pag bati nya na hindi sya handa sa bawat pagpilit mo sa damdamin nya.

Ika-apat na kasalanan – Magselos

Ang tanging karapatan mo lamang ay humanga at hindi ang pag selosan ang bawat nyang gawa. Wala kang laya na mag bigay nang tampo sa taong iyong minumutya. Wala kang karapatan sa sukdulan ng iyong hangaring sya ay mapaibig. Wala kang karapatang magselos sa isang bagay na kailanman ay hindi mo pa nagiging ari. Wala kang laya na magalit sa bawat titig nya sa kanyang sinisinta dahil ang tanging karapatan mo lamang ay ariin ang iyong nararamdaman at hindi ang akinin na siya ay iyo at ikaw ay para sa kanya. Wala kang batas na sya ay pagtampuhan, dahil sa bawat tampo na iyong binibitawan ay unti unti naman syang maglalamlam papalayo sa iyo. Magselos ka sa bagay na nasa iyo na, hindi sa bagay na kailanman ay papangarapin mong mapasa iyo pa.

Ang huli at ikalimang kasalanan- Mahalin siya

Hindi ka nya inutusan na siya ay mahalin mo. Wala kang salitang narinig sa kanya na pilitin mo syang mahalin. Hwag kang magmamahal sa bagay na alam mong hindi mapapasa iyo dahil alam mo ang sagot. Madudurog lang ang puso mo na parang babasaging baso dahil sa kakapumilit mong magmahal sa isang tao na kailanman ay di ka ginusto. Hwag mong ipilit na patibokin ang puso mo sa isang tao na kahit ni katiting na oras ay walang naiambag sa talambuhay mo. Hwag mong hayaang masaktan ka sa pag ibig na ikaw lang ang nakakaalam. Hwag mong hayaang panghawakan pa ang mukha niyang mapaglinglang dahil sa nabighani ka sa una nyong pagkikita. Hayaan mo na sa huli ng sukdulang mahal mo na sya; ay dahan dahan kang bibitaw sa sakit na iyong nadarama.
Mga kasalanan ng isang taong humahanga sa isang taong manhid at walang pusong maihahatid. Kasalanan na tayo rin ang gumawa upang pasakitan ang ating sarili. 
Kung kasalanan man na humanga sa isang kagaya nya baka sakaling sa lahat ng simbahan ako ay mangumpisal na. Kung krimen ang umibig sa taong di ka iniibig handa akong pumasok sa rehas ng mga pusong bilango. Nakakulong sa pag asa at pangakong “Baka” at  “Malay natin” kaya kung ito ay kasalanan? Patawad sa patuloy kong pagtangis.