Tag Archives: Tanga sa Pag ibig

Ang tuldok. kuwit, tandang pananong? At tandang padamdam!


Nagsisimula na naman mag rambolan ang mga neurons ko. Yung buhol buhol na utak ko ay nasisimula na namang lumikot. Hindi na naman ako makatulog at mukhang matatapos ko ang isang epesode nang aking paboritong palabas sa Netflix. 

Hinihila na ako ng higaan pero ang utak ko ang likot parin at ayaw akong patahimikin. Madami na namang mga karakter na tumatakbo at naglalaro sa ulo ko. Iniisip ko kung bakit nga ba walang tuldok ang bawat kwento sa isip ko, walang tuldok na magtatapos sa kong ano ang nasimulan ko, dahil siguro nga ay may mga bagay na mahirap tuldokan, mahirap tapusin dahil sa simula palang walang kuwit na maghihiwalay sa bawat sakit. May mga pangngusap na nangangailangan ng tandang padamdam!para kahit hindi nya ramdam nasusulat mo naman. May mga pangungusap na may tandang pananong? na kahit alam naman natin na ang pinakamasakit minsan ay marinig ang isang tanong na walang sagot; kadalasan mas masakit marinig ang tanong kaysa sa sagot. Bakit mahirap gamitan ng tuldok ang isang kwento na gusto mo ng wakasan. May mga salita na kahit hindi patanong ay nangangailangan ng tandang pananong, dahil may mga tanong tayo na kahit hindi tayo sigurado ay nangangailangan parin nang isang sagot.

Ang dami ko ng nilagay na tuldok sa aking kwento……… mga sampung tuldok na nagpapahiwatig na gusto ko ng tapusin pero parang nagpapakita na may kasunod pa, parang kwento na lagi kung tinatanong kung para saan ba at para kanino ba? Babasahin mo ang sinulat ko nang walang boses na maririnig. Babasahin mo ang kwento ko nang hindi ka sigurado sa kung anong emosyon ang meron dito. Galit ako!!!!!! Yan ang pinapakita nang bawat tandang padamdam na nailagay ko. Pinipilit kong lagyan ng emosyon ang isang kwentong pa ukol sa ‘yo para ang sagot na makuha ko ay isang sagot na patanong na baka sakali ay magbago at hwag ko na lagyan ng tuldok ang isang storyang may simula pero walang pagtatapos.

Ang hirap tuldokan ang isang kwentong maganda dahil ang bawat kwento na sinusulat ko na para sa kanya, ay ayaw ko ng tapusin pa. Mahaba haba na ang nilalakbay ng bawat letra na aking tinitipa. Mga letrang pinipilit kong ilapat sa isang magandang kwento na tanging ako lang naman ang may akda. Isusulat ko at ilalathala ang bawat patanong na kwento at pilit kong lalapatan ng emosyon sa pag gamit ko ng tandang padamdam. Dahan dahan kang hihinga at pilit uunawain ang aking kwento gamit ang isang kuwit na nagbibigay hangin sa tuloy tuloy mong pagbabasa. 

Siguro nga, ayokong lagyan nang tuldok ang mga kwento ko dahil gusto kitang dalhin sa isang masaya at walang katapusang paglalakbay. Subalit ang bawat kwento na nakasulat sa pahina ay unti unti nang nabubura dahil sa aking pagluha. Hindi ko parin alam kung para saan ang gamit ng mga tuldok, kuwit, Tandang pananong at padamdam. Pwede ko bang gamitin ang tandang padamdam sa isang tanong ko kung BAKIT! Pwede ko bang gamitin ang tanda g pananong sa paglabas ko nang emosyon na MAHAL KITA? Pwede ko bang lagyan ng kuwit ang isang relasyon, para naman nakakapagpahinga ako sa bawat sakit na nakikita ko. Pwede ko na bang tapusin at lagyan ng tuldok ang isang pangarap na alam ko naman na dapat na talagang tuldokan. 

Siguro ang bawat tuldok, kuwit, tandang pananong at padamdam ay ginagamit upang ipahayag ng mas maayos ang bawat salita na gusto mong bigkasin. Simbolo sa pangungusap na nagpapaalala nang bawat emosyon na pwede nating ipakita, mga simbolo na ang tamang gamit ay depende kong paano natin dadalhin ang ating kwento.

Hala hindi ko na namalayan umaga na pala. Ang bilis ng pagikot ng orasan parang ikaw at ako na mabilis na umikot sa isang kwentong magtatapos dito. 

Fin

Advertisements

Huwag Kang Tanga! Pero ok lang yan!


Hindi naman masama ang mag paka-tanga diba? iyong kahit na sobrang sakit na ginagawa mo pa dahil alam mo na doon ka masaya. 

Ewan ko ba dati pag ikaw ang walang kaparehas ang galing galing mong magbigay ng Advise, ang galing mong magsalita sa mga taong nagpapakatanga dahil sa pag ibig na yan. Ngayon na ikaw naman ang nakaramdam ng ganyan hindi mo naman kayang gawin lahat ng ipinapayo mo noon sa mga kaibigan mong humihingi ng payo. Diba nga nagpapakatanga ka rin ngayon.

Ok lang yan. Walang masama sa pagiging tanga paminsan minsan. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin na sa tingin mo ay tama at sa tingin mo ay nakakatulong sa iyo. Pero hnay hinay lang huh lalo na kung maramdaman mong hindi na nya kaya pang tangapin ang mga bagay bagay na nagagawa mo. Bitaw na dahil sa huli talo ka parin, pero ok lang yan dahil masasabi mo sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat at hindi ka nag kulang.

Kung may gusto ka naman at gusto ka rin pero hindi kayang bitawan ang kasalukuyan aba teka mag isip isip ka muna. Hwag kang mag tanim ng emosyon sa taong pangalawa lang ang tingin sayo at ang pag kagusto sayo. Ang tingin nya sayo ay parang pagkain lang na nakakatakam sa una pero pag natikman na at nagpagsawaan na di na babalikan pa. Masakit OO pero nag pakatanga ka ng gustuhin sya at nagpakatanga ka ng napaniwalang mahal ka rin nya. Ok lang yan kahit papaano nalaman mo ang mali sa tama at may natutunan kang maaari mong ilagay sa mga susunod na pahina ng buhay pag-ibig mo. Tandaan pag nagpakatanga ka ngayon siguraduhin mo na may makukuha kang aral.

May taong may gusto sa iyo pero kahit kailan ay hindi mo nagustuhan. Bulag ka kasi sa mga taong inaakala mong magugustuhan ka. Naging tanga ka na naman sa desisiyon mo ng hindi mo pinili iyong taong kaya kang mahalin at alagaan. Pinili mo parin ang taong sinasaktan ka at ginagawa kang tanga. Ok lang yan dahil atleast ang pagiging tanga mo sa taong yan ang nagturo sa iyo at nagsabi sa iyo na mali ang naging desisyon mo ng pinili mo sya. Sa huli nasaktan ka pero darating ang panahon na babagon ka na may natutunan sa mga pagkakamali mo at pagpapakatanga mo.
xoxo