Tag Archives: trending

Bakit saging lang ang may Puso?


Ikaw at ako halos pareho tayo ng tanong, bakit nga ba may puso ang saging? Napapaisip pa nga tayo minsan na kong bakit saging lang ang may puso? ilan ba talaga ang puso nang saging. Marunong bang magmahal ang saging? 

Napapaisip tuloy ako at napapasulat ng kong ano-ano. Iniisip ko mataas na kaya ang presyo ng bigas? May pag asa pa bang magbago ang pagtingin ni crush? O kong bakit dilat ang mata ng isda pag namamatay? Madaming tanong na tumatakbo sa isip ko na wala namang kinalaman sa kong ano ang tinatakbo ng ekonomiya natin. May kinalaman kaya ang HEKASI sa mga nangyayari sa atin. Natanggap mo na ba ang teyorya ni Charles Darwin na nagmula ka daw sa unggoy? Oo bes Ikaw lang hwag mo kaming isama. Basta maraming tanong na siguro hanggang ngayon ay walang sagot. Bakit hindi ka crush ng crush mo? Bakit May gusto kang tao pero kaibigan lang ang tingin sayo? Bilog ba talaga ang mundo? Ilang taon ba si lapu-lapu ng lumaban sya sa Mactan. Bakit may mga kandado ang mga convenience store kong 24/7 naman silang bukas? Ilan ba talaga ang butas ng Sky Flakes kasi last time ng binilang ko hindi pare preho *Binilang ko talaga. Sa 3n1 instant coffee pantay ba ang sangkap nila? *Well hindi ko na sinubukan pang bilangin at paghiwalayin ang kape, asukal at creamer sayang ang time baka mapaghalo ko pa.

 Ang daming tanong diba? Pero may mga naisagot ba tayo sa tanong natin? Bakit may mga nagugustuhan tayo na hindi tayo gusto? Sabi nga sa nabasa ko pwede daw tayong magselos sa taong gusto natin dahil may nararamdaman tayo pero wala tayong karapatan na makiaalam sa kong sino ang kausap nila. Itatanong ko pa ba kong bakit Single ka parin hanggang ngayon? Kahit ilang 11:11 na ang nakita mo sa orasan *Pero ang totoo inaabangan mo talaga. Pag nakita mo na ang oras na yan magbubugtong hininga ka at hihiling sa mga tala, sa buwan, sa mga fairy dust bug mites na sana ay magustuhan ka din nya. Kikiligin ka pa kasi hindi ka makatulog sa gabi at iniisip mo na baka kaya naman di ka makatulog dahil iniisip ka nya. Ayan naniwala ka na naman sa nabasa mo sa internet na kong hindi ka makatulog sa gabi ay may nagiisip sayo *Hwag patola bes.

Pinaniwalaan mo din nag matandang kasabihan na kapag makati ang ilong mo may humahalik sa picture mo. *Bes derma lang katapat nyan. Naniwala ka din sa sinabi nya na aantayin mo sya pero bes ang kati, nauna pa ang higad na magka “Jowa” sa iyo at ikaw nag antay ka hanggang sa tubuan ka na ng ugat at baka naman pwede ka ng gawing rebulto sa monumento sa tigas ng katawan mo dahil sa paniniwalang MAAANTAY ka nya. Hirap bes nuh? Kaya pa? 

May time na kinikilig ka kapag kausap mo sya iyon bang kahit “seen” na nya message mo deadma ka lang kasi iniisip mo na baka Busy sya? *Bes Tang ang inumin mo H’wag MILO, Anong busy? isa lang ibig sabihin nyan hindi ka priority at kapag naubusan na sya ng kausap saka sya magrereply sayo. Ikaw naman na kamag anak ng GOMBURZA todo kilig ka naman. Akala mo talaga gusto ka nya. Bes gumising tayo sa katotohanan na sa mundong ito na ginagalawan natin laging may 2nd option, laging may plan B at laging may pangalawa. Isa pa dahan dahan lang sa kilig, sabi nga nang isa kong kaibigan tipirin lang ang landi. Pag nag message sya sayo ng “Okay lang naman” Aba bes hwag naman essay ang i reply mo! nakakatamad kayang magbasa ng nobela na hindi ka interisado. Kaya pa bes?

Sa kagustuhan mo na mapansin ka nya, Aba! bes lahat ng qoutes sa Google inaraw araw mo na. Akala mo naman nababasa nya. Hinay hinay lang. Diba? ang dami nating tanong pero bakit nga ba saging lang ang may puso? Nakailang bulalakaw na ba ang dumaan at nakailang hiling ka na ba? Hiniling mo na sana ay mapansin ka nya pero sa kabilang dako hinihiling naman nya na sana ay mapansin naman sya ng crush nya. Saklap bes nalilito ang bulalakaw kong sino sa inyo ang pagbibigyan. Pati yata buto ng manok pinag intiresan nyo, Iyon bang joy bone ba yun? na kapag pinutol mo at sayo napunta yung isang malaking part eh matutupad ang wish mo? Hindi ko sya nasubukan kasi pati yata buto ng manok nauubos ko.  

Bakit ba binabasa natin ang horoscope nya at pinipilit natin ikonekta sa horoscope natin. Bakit kahit alam natin ang sagot Pinipilit parin nating paniwalain ang sarili natin na “baka hindi naman” at “Baka naman pwede pa. Nakakalito at nakakahilo ang napaka daming tanong, nakakahilo at nakaka baliw na ang mga sagot na ayaw mo namang tanggapin. Nag aantay tayo at umaasa sa mga natitirang “sana” *Hugot yan ng kaibigan ko. Minsan naiisip mo at haharap ka sa salamin at sasabihin ang mga linyang “Panget ba ako? kapalitpalit ba ako?” Bes di ka si liza tangapin mo na lang ang tanong na “Why?” para may explanation at kapg nakuha mo ang sagot balik ka ulit sa una mong tanong.

Ilang kilong luha pa ba ang maluluha mo? *OA lang ako bes sa kilo. Baka naman patak. Aasa ka pa ba sa post nya na akala mo pinaparingan ka nya. May pa heart heart ka pa na akala mo ikaw ang pinaparingan nya, pero ang katotohanan ang syang magpapalaya sayo. Hindi ikaw yun bes wag mag assume. Bakit nga ba may Puso ang saging. Mahal na mahal nya ba ang mga taong pumipitas sa bunga nya? ginawa ba talaga sya para kahit na akapin mo sya hindi ka masasaktan. Ang puno ba ng saging ang syang nagsasabi na kahit isa lang ang puso mo isang laksa namang bunga ang ibibigay nito. Bakit saging lang ang may puso. Bakit pula ang puso nito? Naranasan na ba ng saging ang magmahal at masaktan? Datinkaya syang tao na pinarusahan dahilnmeron syang matigas na puso? Ano ba ang alamat nya at bakit sukat na sikat sya. Minsan natanong ko na rin, sa kantang leron leron sinta bakit naging buko ang papaya? Minsan kahit masaya ang kanta malukungkot ka na lang dahil nararamdamn mo parin ang lyrics nito. Kahit nga sa huling kanya ng Leron leron sinta iniyakan mo na. “Kapos kapalaran humanap ng iba”. Diba ang bastos lang ng kanta at tinuturaan ka pang mangaliwa sa konting mali na nagawa mo. 

Sa kantang bahay kubo bakit parang ang sarap sarap ng mga gulay? pero pag pinagsama sama mo lahat ng nabangit sa kanta wala namang lasa? Pero naisip mo na ba ang sagot sa tanong kong bakit saging lang ang may puso? Sya iiwan ko na kayo dyan, nasayang ko oras nyo sa walang kwentang phuhugot ko.

Bakit saging lang ang may puso? Pero ang puno ng mangga sa amin inukitan ko ng puso at ang naka paloob dito ay ang pangalan ko at pangalan mo. Kaya hindi lang talaga ang saging ang may puso.

FIN

(Picture credit to Theanabanana.com

Advertisements

LIMOT


Ayokong pumikit ng hindi lamang kita nasisilayan. Ayokong matulog ng hindi ko man lang nahahawakan ang iyong mga kamay. Nais kong maramdaman ang bawat init ng iyong palad na dumadausdos sa aking mga daliri. Iyong init na dati ay sa akin dumadampi, init na dati ay ako lamang ang nakakadama. Gusto kong mahagkan ang iyong mga bisig na kahit sa panandalian ay aking maramdaman.

Yakapin mo ako kahit minsan, yakapin mo ako kahit sa huling sandali lang. Yakapin mo ako na parang walang bukas na nag aantay. Hagkan mo ko at hwag mo ng pakawalan. Yapusin mo ang aking katawan na kahit sandali at sa huli ay aking maramdaman na ako ay iyong minahal. Punasan mo ang luha ko at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.Punasan dugoang puso ko na tuloy tuloy sa pag tagas dahil sa sakit na ginawa mo. Nakikiusap ako na hwag kang lumisan na parang ikaw ang syang nasaktan.

Hipan mo ang aking tenga at ipadama mo ang init ng iyong hininga. Hininga mo na parang musika sa aking pag tulog. Ibalik mo sa akin ang dati kong matamis na ngiti. Ibalik mo sa akin ang ngiti na dati ay iyong ibinigay, Ngiti na sa ngayon ay hindi mo na makikita pa. Lasingin mo ako ng iyong mga salita upang sa ganoon ay maging manhid ako na parang may anestisya. Manhid sa pagtingin ko sayo na kahit mahal pa kita ay kailangan na kitang pakawalan. Manhid upang hindi ko maramdaman ang iyong tuluyang paglisan.

Sa Huling pagkakataon hayaan mo akong sabihin ko sa iyo na salamat sa sakit na ibinigay mo dahil ngayon ay natuto akong lumaban sa bawat insulto at sakit pa na makukuha ko. Salamat sa bawat salita na binitawan mo na mahal mo ako iyon pala ay hindi totoo. Salamat sa sampung kasinungalingan na pinaniwalaan ko noong tayo. Salamat sa mali at tamang nagawa mo dahil ngayon alam ko na na hindi ako bato. Salamat sa tawang ibinigay mo na ngayon alam ko na na kahit payaso ay may maskara na kagaya mo.

Sa huling pagkakataon hayaan mo ako na hindi ka mahalin, sa huling pagkakataon hayaan mo ako na ako ang unang makalimot. makalimot sa lahat ng katangahang nagawa ko, sa pag limot sa bawat pangako mo, sa paglimot sa bawat salitang inasahan ko at sa paglimot na tayo ay minsang nagkakilala,

 

-fin

Para sa mga kaibigan kung Call center Agent/s. 


 

Sa lahat ng kaibigan kung Nasa industriya ng BPO o mga kaibigan kung masisipag na nagtatrabaho bilang call center agent isang pagbati at pagsaludo sa inyo dahil totoo naman na isa kayo sa nagbibigay pag asa sa unti unting pag lago ng ating natutulog na ekonomiya.

Nitong nakaraang linggo kumalat ang isang Facebook status tungkol sa kanyang hinaing laban sa kanyang unibersidad na pinagtapusan. Nalungkot ako para sa kanya dahil sa punto na iyon ay nauunawan ko siya dahil ikaw ba naman ang magtapos nang apat o limang taon pero walang konkretong basehan kung san ka magsisimulang magtrabaho. Wala akong nakitang mali sa mga sinabi nyang hinaing tungkol sa kanyang FB status. Bakit ka nga ba naman aalukin ng trabaho na alam mo namang hindi mo gamay o hindi mo naman tinapos o hindi mo kayang pag aaralan. Sampal nga naman sa kanya na magtapos ng limang taon pero ang trabahong inalok sa kanya ay yung trabahong hindi nya naman tinapos. Maganda nga naman siguro ang hangarin ng kanyang unibersidad na bigyan sya ng trabaho at magsimula muna sa umpisa na kung saan ay hindi ganuon kahirap makapasok at hindi rin naman ganuon kadaling makapasok. 

Bakit nga ba marami sa mga matataas ang pinag aralan at mga lisensyado ang pumapasok sa call center o sa mga BPO? Dahil hindi nila tinitignan ang taas ng kanilang pinag aralan kundi yung sahod na makakasapat at makakatulong sa buhay nila. Marami akong kaibigang registered nurses na nagtatrabaho sa mga BPO pero ni isa sa kanila hindi pa nakatapak sa ospital upang gawin ang kanilang propisyon na tinapos. Hindi mo sila masisi dahil ang sahod ng mga medical professional sa bansa natin ay talaga namang napakaliit at sobrang pagod ang makukuha mo sa buong araw.

Sa mga kaibigan kung CA bakit tayo ganito kung mang husga sa mga taong hindi ganuon kagalingan sa pag english bakit kung manlait at kung mang mata tayo ng kapwa natin ay ganuon na lang. Sukatan na ba ngayon ng talino ng isang tao base sa kung anong lingwahe ang kaya mong gamitin. Ayaw natin napapahiya ang propisyon natin pero kung mamahiya naman tayo ng tao eh ganun na lamang, hindi natin inuwa o binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag kung bakit iyon ang kanyang naging punto de vista.

Walang mali sa trabaho ninyo bilang call center agent saludo nga ako sa inyo dahil madali kayong nakapasok dyan hindi katulad ng iba at katulad ko na ilang beses akong bumagsak sa napakaraming opisina ng BPO siguro nga hindi para sa akin ang trabaho na iyan.  Sinasabi ko lang naman na hindi lahat nang nasa Call center ay may karapatang manlait at mamahiya ng kapwa nila matuto tayong balansehin o unawin kung ano ang ibig nyang sabihin at ipahiwatig. Hindi naman nya niyurakan ang propisyon nyo at hindi naman nya dinurog ang pagkatao nyo. Ang punto nya ay sa kanyang unibesrsidad na kung mag bibigay lang din naman ng trabaho sa kanya ay doon na sa kung ano ang tinapos nya. Dahil nagmukhang walang kwenta kung ano ang itinuro ng school nya sa kanya kung mapupunta sya sa hindi nya larangan.
Sa mga kaibigan kong CA kung magagalit kayo sa akin ngayon OK lang tatanggapin ko. Pero sana bago kayo magalit bigyan nyo muna ang sarili nyo ng isang malawak na pang unawa at pag intindi at bigyan nyo din muna ang sarili nyo ng salitang  Pakikipag kapwa tao at mapagkumbaba sa mga taong alam natin na nagangailangan. Malay natin na baka ang isa sa mga tao na binubully nati eh siya pang mas nagbibigay pahalaga at pagmamahal sa bansa natin.
Mabuhay ang lahat ng propisyon sa ano mang larangan ng trabaho.
xoxo