Tag Archives: tula

Kong ngayon ang simula


Minsan iniisip ko na lang na kong ngayon ba ang noon mapapansin mo kaya ako? Kong kasing lamig ba nang hangin ang sampung taong lumipas maakap pa kaya kita? Naalala mo pa lahat ng simula na meron tayo. Simula mo na tinapos ko. Iyong mga kamay mo na humahaplos sa palad ko. Gusto ko ang noon mo, gusto ko yung dating tayo na alam kong mahirap ng pantayan. 

Mata mo na parang nagungusap at nagmamakaawa dahil sa pagmamahal na kailangan nating panindigan. Pagmamahal na tinapos ko na walang sabi at pagmamahal mo na una, na inilagay ko sa huli. Naalala  mo pa ba nang una kitang masilayan. Sa pila na puno ng tanong kong pwede bang ikaw ay aking makilala. Pila na walang kasiguraduhan kong ako ba ang mauuna o ikaw dahil sa hindi mo naman ako kilala. Tinitigan kita sa malayo na parang ang mga mata mo ay naguudyok na ikaw ay aking lapitan. Nagtagpo ang ating mata na kunwari hindi kita sinisinta. 

Nagkita tayo sa di inaasahang pagkakataon. Nagsalubong ulit ang ating mga mata, mga mata natin na parang nangulila sa isa’t isa. Nakita kita sa ‘di kalayuan at nakita mo rin ako na alam mong ikaw ay aking lalapitan. Iniwasan mo ako ng tingin na kunwari ay hindi napansin. Mula sa likod mo ay hinaplos kita upang ako ay iyong lingunin. Tanging Kumusta sa isa’t isa ang ating nasambit na parang ang noon na sampung taon ay araw lang ang binilang ng hindi kita nakapiling. Malaki ang pinagbago mo. Malaki at nag iba buhat nang una kitang makita. Pero ang mga mata mo ay katulad parin noong tayong dalawa. Kumikinang sa pag asa na baka sakali ay meron pa.

Natakot akong tanungin ka ng isang tanong na ang sagot ay bahala na. Natakot akong akapin ka baka sakali ikaw ay tuluyan ng nag iba. Muli tayong nagkita doon sa luma kong saan kita muling nasilayan. Inari natin ang gabi na tila tayo lang. Nasundan ng pailang pagkikita na para bang ibinibigay natin ang mga pagkukulang noong tayo pa.

Habang ako ay iyong akap at nilalabanan ang lamig, tila may ibinulong ang hangin na ang sambit ay kong may gusto ba ako sa iyo? Humarap ako at  nangusap at sinabi kong matagal na tayong nagkagustuhan at ang tanong dapat ay kong mahal pa ba natin ang isa’t isa. Tumahimik ang paligid hanggang sa tuluyan tayong nakatulog ng mahimbing.

Kong ngayon ang simula makikilala ba kita? Kong ngayon ang simula maaakap ba kita? Ngayon ang simula ng katapusan nang ating pagkikita. Para akong magnanakaw na inaari ang pag aari ng iba. Para akong bata na takam na takam sa bawat kong nakikita. Kong ngayon ang simula mamahalin din kita gaya nang pagmamahal mo noon nang una mo akong nakita.
Kong ngayon ang simula maaring ayoko ng tapusin pa.
xoxo

Advertisements

Ang 5 kasalanan nang Paghanga


Hinahangad mo man ang kanyang puso, ngunit ito ay napapaloob pa sa kanyang nakaraan.

Ang limang kasalanan sa paghanga.

Unang kasalanan -Magnasa

Humanga ka ng walang halong pagnanasa. Paghanga na walang bahid kasamaan at kahit na ipikit mo ang iyong mata walang maduming imahinasyon ang magpapatupi sa iyong hangarin na kay ganda. Humanga ka ng naaayon sa tibok ng iyong puso, paghanga na sa mata mo nakikita ang pag asang makamtan sya sa panaginip ng iyong pagsinta. Hwag kang magnasa sa hindi mo pag aari isa sa sampung utos na kailanman ay hindi natin kayang masunod. Kasalanan na magpasa hanggang ngayon ay pilit mo paring nilalabanan.

Ikalawamg kasalanan- Umasa

Ilang beses mo na bang narinig na ang paghanga o pagkagusto sa isang bagay ay wag na wag mong hihingian ng kapalit. Hwag kang aasa sa iyong nararamdaman dahil minsan kahit ang sarili nating pakiramdam ang mas higit na nakakasakit sa ating sarili. Hwag kang umasa na gusto ka rin niya. Hwag kang papatay isa sa sampung utos. Hwag mong antayin na patayin mo ang sarili mo dahil sa pag asa at sa salitang “Malay mo”. Umasa ka sa nararamdaman mo na hindi ka talaga nya gusto at umasa ka na sa huli ay ikaw ay talo. Hwag kang aasa sa isang bagay na hindi talaga sayo; at kapag ikaw ay nasaktan na! Bumitaw ka na parang payasong hindi makita ang emosyon, bumitaw ka sa pag asang may tamang panahon ang lahat. Dahil ang tamang panahon na inaantay mo ay iyong ngayon na ang ibig sabihin ay bitaw na sa iyong patuloy na pag asa.

Ikatlong kasalanan- Maghintay

Hwag kang umasang darating ang araw na ikaw ay kanyang balikan. Hwag mong antayin ang oras na siya ay mahumaling at maibaling ang kanyang puso sa iyong nais. Hwag kang mag antay sa pagkakataon na magbago ang isip nya, dahil sa bawat pag aantay may nasasayang na oras. Panahon na dapat sa iba ikaw ay nakalaan. Hwag kang maghintay sa wala., Walang kayo! Walang tayo! Walang pagbabago na hanggang dito na lang ang sasabihin nya sa iyo. Ang maghintay sa taong hindi ka kayang puntahan ay sapat na upang bumitaw ka sa orasang nagpahinto sa pagikot ng mundo mo. Hwag kang mag hintay sa pag asa na siya ay magbabago pa. Hwag mong antayin na matapos ang huling pag bati nya na hindi sya handa sa bawat pagpilit mo sa damdamin nya.

Ika-apat na kasalanan – Magselos

Ang tanging karapatan mo lamang ay humanga at hindi ang pag selosan ang bawat nyang gawa. Wala kang laya na mag bigay nang tampo sa taong iyong minumutya. Wala kang karapatan sa sukdulan ng iyong hangaring sya ay mapaibig. Wala kang karapatang magselos sa isang bagay na kailanman ay hindi mo pa nagiging ari. Wala kang laya na magalit sa bawat titig nya sa kanyang sinisinta dahil ang tanging karapatan mo lamang ay ariin ang iyong nararamdaman at hindi ang akinin na siya ay iyo at ikaw ay para sa kanya. Wala kang batas na sya ay pagtampuhan, dahil sa bawat tampo na iyong binibitawan ay unti unti naman syang maglalamlam papalayo sa iyo. Magselos ka sa bagay na nasa iyo na, hindi sa bagay na kailanman ay papangarapin mong mapasa iyo pa.

Ang huli at ikalimang kasalanan- Mahalin siya

Hindi ka nya inutusan na siya ay mahalin mo. Wala kang salitang narinig sa kanya na pilitin mo syang mahalin. Hwag kang magmamahal sa bagay na alam mong hindi mapapasa iyo dahil alam mo ang sagot. Madudurog lang ang puso mo na parang babasaging baso dahil sa kakapumilit mong magmahal sa isang tao na kailanman ay di ka ginusto. Hwag mong ipilit na patibokin ang puso mo sa isang tao na kahit ni katiting na oras ay walang naiambag sa talambuhay mo. Hwag mong hayaang masaktan ka sa pag ibig na ikaw lang ang nakakaalam. Hwag mong hayaang panghawakan pa ang mukha niyang mapaglinglang dahil sa nabighani ka sa una nyong pagkikita. Hayaan mo na sa huli ng sukdulang mahal mo na sya; ay dahan dahan kang bibitaw sa sakit na iyong nadarama.
Mga kasalanan ng isang taong humahanga sa isang taong manhid at walang pusong maihahatid. Kasalanan na tayo rin ang gumawa upang pasakitan ang ating sarili. 
Kung kasalanan man na humanga sa isang kagaya nya baka sakaling sa lahat ng simbahan ako ay mangumpisal na. Kung krimen ang umibig sa taong di ka iniibig handa akong pumasok sa rehas ng mga pusong bilango. Nakakulong sa pag asa at pangakong “Baka” at  “Malay natin” kaya kung ito ay kasalanan? Patawad sa patuloy kong pagtangis.

Doon sa musika ng tayo


Pag – ibig na parang tula na isinulat na para sa kanya pero ang nagbasa ay iba. Magulo diba? parang pagiisip nya na sadyang hindi mo alam kong titigil ka na ba o magpapatuloy  pa.

Sa iyong bawat pagtigil ay may nagbabagong damdamin. Damdamin na isinulat sa papel gamit ang plumang pilit hinahanapan ng pang bura. Inihulma sa luad at pinatuyo sa araw. Paghugis na perpekto pero pilit binabago ng panahon. 

Ang pag – ibig na naramdaman ko ay nasa sukdulan ng TAYO, pero pinigilan ko dahil sa kanilang payo. Parang musika sa bawat pagtipa ng gitara,  Kahit wala sa tyempo at tono pinipilit ko paring sinasabayan. Parang larong basketball Na sa bawat pag silbato alam ko may pagkakamali ako; Pagkakamali ng magkagusto sa kagaya mo na alam ko na hindi babaling ang puso mo sa salitang TAYO.

Hindi ako na ngangako na kong magkakaroon ng TAYO ay kaya kong ibigay ang bituin. Hindi ko ipapangako ang sukdulan ng kinang nito dahil isa ka sa mga bituin na aabutin ko. Ayokong ipangako ang araw at gabi dahil ang makita ka sa umaga ay sapat na at ang mahagkan ka sa gabi ay kalabisan na. Ayokong ipangako na ikaw ay pakasalan sa lahat ng simbahan, dahil ang pagharap at pag sumpa sa kanya ay sapat na upang dalhin kita sa Iglesia nang aking pagsinta. 

Ayokong mangako ng isang  talata na kahit anong gawin kong pagkanta ay sintunado parin ako sa iyong tenga. Ayokong sumigaw sa sagada kong sakaling walang TAYO, dahil ang pag alingaw-ngaw ng boses ko ay naririnig parin diyan sa puso mo. 

Kahit ilang milya pa ang lakarin ko at kahit gaano man kalalim ang languyin ko ay hindi iyan sasapat upang sukatin mo kong gaano kalabis ang pagkagusto ko. Kahit ilang awit pa ang aking awitin at ilang musika pa ang aking marinig; tanging liriko ng tayo ang nais kong makamit.  Doon sa musika ng tayo doon tayo magpakatotoo. Nang sabihin mong ayaw mo, nakinig ako at tumalima sa kagustuhan mo; pero ng marinig ko na may kayo ay biglang nagbago ang tiklado ng piano. Nang malaman ko na kayo pala ay agad kong binago ang dating musika ng puso ko. Ang dating nasa tono ay dagliang naging sintunado dahil sa liriko na binigkas mo na hindi ko mailapat sa bawat salita mo.

Doon sa musika ng tayo ay unti unting naglamlam ang pagnanasa ko na kong pwede ba ay maging tayo.

cC to Daniel De sousza

Minsan May Tag ulan


Lumalamig na naman ang hangin na dumadampi sa pisngi ko. Mukhang isang malakas na ulan ang nagbabadyang bumagsak kasabay ng malamig na hangin na dala nito. Kita ko ang mga dahon na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin na dulot nito. Kita ko rin ang mga ibon na lumilipad dahil naghahanap ng masisilungan.

Naalala ko bigla ang mga panahon na sa tuwing bumabagsak ang ulan ay kasama kitang pinagmamasdan ang pag dausdos ng tubig sa bintana ng ating pinagsimulan. Nakatitig sa bawat patak nito at dinadamdam ang pagbagsak na parang musika sa ating mga puso.

Naala ko rin pala na tag ulan ng una mong sinabi sa akin na mag ingat ako, mag ingat sa pag uwi dahil alam mo na malakas ang ulan. Nag ingat ako at sinunod ang payo mo. Nag ingat ako na parang iningatan ko rin ang mga pangako mo na tayo hanggang sa sumapit ang tag araw.

Pumapatak na naman ang ulan at bumabalik na naman ang mga nakaraan. Nakatitig ako sa bawat patak nito na bumabagsak sa bubong ng kawalan, dati ay musika ang hatid nito, musika ng romansa at pagmamahal. Pero ngayon ang bawat patak ng ulan ay musika ng pighati at dalamhati. Patak na parang luha noong ikaw ay lumayo. Patak ng ulan na parang kahapon na ayaw ko ng balikan.

Minsan may tag ulan na nag papaalala sa akin ng saya at lungkot. Minsan may tag ulan na sa akin ay nagbibigay ng pagkabagot. Tag ulan na nakipaglaro sa akin. Tag ulan na bumabasa sa katawan ko at sinasabayan ang pag luha ko. Bawat patak ng luha ko na walang nakakakita dahil sa lakas ng ulan na parang ala-ala mo na pilit kong nilalabanan.
Fin